Chapter XXIV

2.2K 65 2
                                    


Rachel's pov


"Ate Chel, thank you sa leadership niyo ni Ate Cha. Kung wala kayong dalawa, naku.. hindi ko alam kung magsusurvive tayo dito sa forest escapade natin.." wika ni Aby habang inaayos namin ang loob ng tent. Nakasurvive naman kami sa unang araw namin dito sa forest camp at ngayon ay naghahanda na kaming matulog... yun nga lang ay inunahan na kami sa pagtulog nila Kim, Jaja at Dindin. Mukhang napagod at nastress sila sa araw na ito kaya bagsak sila agad.

"Wala naman kaming ibang ginawa bukod sa naging big sister ninyo.." ngiti ko.

"True. Big sister talaga. Sa dami naman kasi ng mga isip bata sa team.." singit ni Myla at hindi na nito napigilan ang paghagikgik.

"Hoy.. sinong sinasabihan mo ng isip bata ha.." hampas sa kanya ni Aby, "bata pa naman tayo kaya okay lang.. tsaka si Ate Chel naman ang promotor ng mga kabaliwan.. hehehe.."

"Haha.. isa ka pa Tyang.. pero yung mga isip bata talaga eh nandoon sa kabilang tent."

"Oh siya," tayo ko sa pagkakasalampak ko, "magbebabysit lang ako sandali sa kabila.. magpakabait kayo ha kung hindi papaluin ko kayo sa pwet.." biro ko.

"Narinig mo yun Tyang? Patay na. Sa bola pa nga lang malakas na yung hampas ng kamay ni Ate Chel.. paano nalang sa..."

"Kaloka!! Ayokong isipin!" react ni Aby at nagtawanan sila ni Myla.

Natawa nalang din ako at lumabas na ako ng tent namin. Gusto ko muna kumustahin ang lagay ng bawat isa bago kami matulog. Alam kong stressed lahat at alam kong hindi gaanong komportable ang tutulugan namin ngayon kumpara sa malalambot na kama at airconditioned room namin sa kanya-kanyang bahay. Pero at least sa loob ng tent ay safe kami sa masasamang elemento ng kagubatang ito. At gusto ko lang din siguraduhin na maayos silang lahat.

Pagbukas ko sa tent ay kita kong naghaharutan sila.

"Aray! Tama na!" reklamo ni Aly, "Ang sakit ng pitik mo sa tenga ko!"

"Hehe.." tawa ni Tin, "sweet face lang yang si Mika pero halimaw din sa court.. lalong lalo na sa pitikan.. ikaw ba naman ang biyayaan ng mahahaba at malakas na kamay.."

"Namumula na agad sya.. gusto mo pantayin natin yung magkabilang tenga mo?" ngisi ni Mika.

"Tama na please! Sa inyo nalang yung almusal ko bukas!"

Lumapit pa si Mika kay Aly at nagsimula ng magpumiglas ni Aly sa pagkakahawak sa kanya.

"Jia, okay ka pa ba?" tanong ni Jheck habang hawak ang isang braso ni Aly.

"Okay pa. Kabisado ko yung lakas ng kanang braso ni Aly. Hehe."

"Mika naman! Ang sakit kaya ng pitik mo!" patuloy na reklamo ni Aly. Nakaporma na yung kamay ni Mika malapit sa tenga niya ng pumasok ako sa loob.

"Anong kaguluhan to??"

Napahinto sila at napatingin naman agad sa akin.

"Hi Ate Chel.. hehe.." ngisi ni Tin.

"Ate Chel! Tulong! Minamaltrato nila ako!!" sumbong ni Aly.

"OA ha! Eh wala pa ngang tatlo yung pitik ni Mika!" singhal ni Jheck. Nakahawak pa rin siya at si Jia sa mga braso ni Aly.

"Anong OA eh kayo nga itong OA! Parang simpleng tubig galing doon sa batis lang naman yung pinanghugas ko ng kamay kanina.."

"Simpleng tubig ka diyan! Iyon pa naman yung pinaghirapang gawin nila Ate Jovs kanina.." labi ni Jheck.

          

Bakit ganun.. Ordinaryong harutan lang naman ang ginagawa nila pero bakit parang may hugot si Jheck... may kasalanan ba si Aly?

"Ano ba kasing ginawa ni Aly?" singit ko.

"Eh kasi Ate Chel," sagot ni Mika, "yung ginawa ni Ate Jovs na rosewater kanina, pinanghugas lang ni Aly ng kamay niya pagkatapos mantakan yung inihaw na isda.."

"Kaloka ka talaga Aly.. imbes na kutis diyosa pa rin tayong lahat sa natural facial wash na gawa ni Ate Jovs.." hirit ni Jheck.

Natawa naman ako sa hirit niya. Well, girls will be girls. Relate much ako sa sentimyento nila dahil affected ang personal hygiene at cosmetic care sa buhay-gubat na dinaranas namin. Wala kaming lotion, sunblock, bb cream, o kahit simpleng baby powder man lang. Ni insect-repelling lotion nga wala. Paano naman kami magmemaintain ng makinis at magandang kutis sa masukal, liblib at malamok na lugar tulad nito? At paano nalang yung mga susunod na endorsement ko kung mapupuno ng kagat ng lamok, kati-kati at kurikong ang balat ko? Sa ganda kong to, hindi ko maimagine at mas lalong ayokong isipin. Overnight na naman ako sa skin clinic pagbalik namin ng Maynila kung nagkataon.

"Pati kaya yung sayo Ate Chel ginamit lang ni Aly para tanggalin yung lansa sa kamay niya. Special made pa naman yung sayo kasi hiniwalay pa ni Ate Jovs ng lalagyan. Hirap pa man din siyang humingi ng roses kay Ate Dara kanina.. tapos nagkasugat-sugat pa yung kamay niya sa paghawak sa tangkay na may thorns." mahabang dugtong niya.

"Onga Ate Chel.. todo effort din si Ate Jovs para linisin ng maigi yung napulot niyang bote.. para daw presentable kapag binigay niya sayo.. alam kasi niyang ayaw mo ng madumi.." segunda ni Tin.

"Sorry na! Hindi ko naman alam na rosewater pala yung mabango na yun.." dispensa ni Aly.

"Kayo naman, wag niyo na pagtulungan si Aly..." wika ko.

"Thank you Ate Chel! Buti ka pa!"

"Yun nga lang.." lumapit ako kay Aly at umupo para maabot siya, "bakit mo naman dinamay pati yung dapat na para sa akin ha... " walang ano pa ay pinitik ko ang kaliwang tenga niya.

"Aray! Ate Chel naman! Mas masakit pa yung pitik mo ke Mika!" daing niya.

Sabay-sabay namang natawa sila Mika.

"Porke nakahanap kayo ng kakampi kay Ate Chel ha!" labing reklamo ni Aly, "Kung nandito lang si Ate Jovs ewan ko lang kung mapagtulung-tulungan niyo ko.."

"Hehe.. kung nandito si Ate Jovs baka hindi lang pitik ang gawin non sayo.." pang-aasar ni Jheck.

Oo nga pala. Nasaan ba siya? Ang nandito lang kasi sa tent ay si Aly, Mika, Jheck, Tin, at Jia. Nasa tent ko naman sila Aby, Kim, Myla, Dindin at Jaja... teka, kasama nga din pala namin si Cha. Nasaan din ba siya?

"Nasaan pala siya? Pati si Cha?" tanong ko.

"Ah, yung lovebirds? Nandoon sa love chamber nil--hmmmph..." hindi na natapos ni Aly yung sinasabi niya ng takpan ni Jheck ang bibig niya.

Lovebirds??

"Nandoon sila sa isang tent Ate Chel. Hindi na kasi kasya sa tent nyo tsaka dito sa amin kaya doon nalang sila sa kabila. Dito dapat si Ate Jovs kaya lang ayaw naman niyang iwan mag-isa si Ate Cha." paliwanag ni Mika.

"So much for 'sticking together'.." komento ni Jheck, "simula ng kumuha sila ng kahoy kanina hanggang sa pagtulog ngayon magkasama pa rin sila.. Hehe Ate Chel, napakamasunurin naman nila sayo."

"Pero ang cute nila noh? Bagay sila.." komento naman ni Tin.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Haha. As if Tin.. di ba si Ate Jovs na mismo ang nagsabi na hindi siya nagkakagusto sa babae." kontra ni Jheck.

"Bakit? Bawal magkaroon ng change of heart?" tanong ni Tin, "Tsaka di nyo ba pansin? Parang iba yung aura ni Ate Jovs ngayon.. bigla-bigla nalang siyang ngumingiti.. at sumasakay na din siya sa mga child's play ninyo.."

"Wow ha.. nahiya naman kami sa iyo, eh nakikipitik ka nga rin sa tenga ni Aly kanina.." bwelta ni Jheck.

"Boom.." hindi na napigilan nila Mika ang pagbungisngis.

"Oh siya magsitulog na kayo.." bilin ko, "Maaga pa tayo bukas dahil hahanapin at kukunin pa yung gagamiting supplies at lulutuin pa yung almusal.. alam kong hindi gaanong komportable ang tulugan natin pero iwasan ninyong magpakapuyat.." tumayo na ako at naglakad palabas ng tent nila.

Palabas na ako ng magpahabol si Aly, "Thanks Ate Chel! Pupunta ka sa kabila? Visit at your own risk.. baka maabutan mo pang nagmimilagro yung dalawang--hmmmph.."

"Ang bastos mo Aly.. kalurks." takip ni Tin sa bibig ni Aly.

"Ingat sa love chamber... Aray! Sumosobra na kayo ha!" reklamo ni Aly ng pitikin naman siya ni Jia. Hindi ko na narinig ang iba pang kulitan nila ng tuluyan na akong makalabas sa tent.

Nakita ko naman sa di kalayuan yung nag-iisang tent na hindi ko pa nabibisita.

Lovebirds in their love chamber huh?

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa bansag na yun ni Aly. Hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako sa ideya na magkasama ngayon sa iisang tent si Jovs at si Cha, at higit sa lahat ay magkasama silang matutulog.. at walang ibang kasama kundi silang dalawa lang..

Ano naman sayo kung magkasama silang matulog?

Oo nga naman. Ano ba naman sa akin kung gusto talaga nilang matulog buong gabi ng magkasama, kahit buong araw, tanghali at hapon na silang magkasamang dalawa. Wala na akong pake kung gusto nilang magtabi sa higaan, hawakan at yakapin ng mahigpit ang isa't isa...

Wala daw pake eh bakit imbyernang imbyerna ka dyan? Ikaw ha.. nagseselos ka no?

Napasimangot naman ako sa pagmamaldita ng konsensiya ko.

Hindi ako nagseselos! Fine! Let's get this over with..

Huminga ako ng malalim at pumunta na sa kinaroroonan nila.


--

The Best Damn Thing (Gonzaquis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon