SA AKING PAG-IISA

25 1 0
                                    

Nakatayo sa kalawakan
Kasabay ng buhos ng ulan
At pagpatak ng aking mga luha
Hinahanap, sinasambit mga tanong sa aking isipan.

Parang ligaw na bulaklak
Sa gitna ng parang, nagiisa't walang katulad.
Nakatingala sa langit.
At nagsasabing, "hanggang kailan at bakit?'.

Masakit, walang kasing hapdi.
Mga sugat na dulot at sa pagkakasabing:
"Wala ng tayo, kalimutan na natin".
Mga luhang umagos sa mata, 'di man pansin.

Sa gabi't pangalan mong sinasambit.
Paulit-ulit na tanong kung bakit?
Pagmamahal ko'y di pa ba sapat?
Sabihin mo't, para alam kung bakit.

Parang lantang gulay
Gusto kong maglupasay
Walang kasing sakit, walang humpay.
Patalim sa aking mga kamay.

Iniisip kung ito ba'y parusa?
Sana'y magising, pwede ba?
Mahal kita, hanggang dito na lang ba?
Sana'y sa paggising, isang bagong pag-asa.

-Sela Makahugot


AN: whoah! Namiss ko 'to. Super busy po ako..As in. Sabi ko after two mos. Pa ako magsusulat but something came up ng di inaasahan. Hay...ganun ata talaga. Kung kayo, kayo talaga. Haaayyy.. Oh well..this week would be a long vacation..but as for me wala pong bakasyon..hay!. Sooo stressfull! And I'm looking forward to be Im okaayy..ayoko na ng puro nega..eeee..ciao! Mwah!

POEMS and LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon