Chapter 4
"Ma'am, I'm really sorry! Hindi ko po sinasadya.."
"It's okay.. Okay na. Hindi naman ako nabasa."
"Pasensya na po talaga."
Muntik na akong masabuyan ng mga cocktail drink! Buti na lang hinila ako ni George! Hinila ba o niyakap? Sya tuloy yung nabasa. Nagpaalam muna kami sa mga kaibigan namin na lalabas lang kami para magpatuyo.
"Sorry. Ikaw tuloy yung nabasa.. Look at you. You're a mess."
"I'm fine. It's no one's fault. Nabasa ka ba?"
"Nope. Thank you.."
Nagpatuloy ako sa pagpunas ng tissue sa damit at buhok nya pero wala, e. Malagkit pa rin.
"You know what? You should get changed! Baka magkasakit ka."
"No. No, I'm fine.."
"I insist. I'll call Jana to inform na nauna na tayo--"
"Saan?"
"Sa bahay. Wait! Tawagan ko na lang sila."
Hindi ko na sya hinintay na magsalita. I dialed Jana's number..
"Jana? Mauuna na kaming umuwi ni Georgina. She's sticky! She needs to change! You heard me? Good. Call me if you need me to fetch you here.. Are you sure? Okay. Basta diretso kayo sa bahay. I'll tell kuya Abel para alam nya. Diretso kayo sa kwarto ko. Hmm. Okay. Bye! You guys, take care! I already settled the bills. Muuna na kami."
Nilingon ko si George na busy ulit sa buhok nya. "Let's go."
"Where?"
"Sa bahay ko?"
"Anong sabi nila?"
"Susunod sila. Don't worry.. And please calm yourself, I'll do nothing to you. I'm straight just so you know.." tumawa kaming dalawa.
"So, let's take a cab then?"
Tinalikuran ko sya at naglakad papunta sa sasakyan ko habang iwinawagayway sa ere yung susi ko.
"That was what I thought." bigla nyang sabi habang nagdadrive ako.
"What?"
"The way kang maglakad at magsalita kanina.. I know---"
"Na mayaman ako? Na I looked like a spoiled brat?"
"Kinda." biro nito.
"I'm not. But, sometimes I do."
"You don't seem familiar to me. Bakit ngayon ka lang nila pinakilala sa amin?"
Kumaliwa ako dahil malapit na kami sa subdivision namin.
"Jana, Gerda and Shae.. They're my bestfriends since highschool. After graduation, my father decided to bring me with him sa California. After a year, he let me to be independent at iniwan nya ako para sa trabaho nya sa Canada. You see, my father's really a busy person. He's working for my future which I think na sobrang-sobra na.. Then a couple of week ago, I decided to come back."
"Sa Lopez Internationals ka rin nag-aaral?"
Natawa ako. Ang weird pala talaga pakinggan nung pangalan ng eskwelahan namin.
"Yes." Hininto ko ang sasakyan sa harap ng gate at bumusina.
"We're here.." binuksan naman agad ni kuya Abel ang gate at agad isinara nang makapasok na yung sasakyan, ipinarada ko na sa garahe at saka lumabas.
"Wow. What a huge mansion.. I never thought of you this much!"
"Oh, please stop." I giggled.
Pumasok na kami sa bahay nang madaanan ko si Manang Santa. "Hello, nay. Sabi ko nga po na malalate ako ng uwi."
"Ayos lang, anak. Magpapahinga na rin naman ako."
"Ah, nay, ito po si Georgina. Bagong kaibigan.. She's friends with Jana po."
"Good evening po.. I mean, good morning po, nay."
Nginitian lang sya nito. Hmm, Nanay Santa likes her.. "Nay, pahanda naman po kami ng clubhouse sandwich and juice. Padala po sa may pool area. Magbibihis lang kami."
Pagkarating namin sa kwarto ko.. "You have a pool area? Seriously? And this room... Nakakawala ng tama ng alak."
"Go and take a shower and a quick change. Tapos sumunod ka na sa baba.. Mauuna na ako doon."
Tumango sya at nagpunta sa way ng walk-in closet ko, nandoon kasi iyong cr.
"Ah, nay. Pahanda po ng foam at mga kailangan sa kwarto. Dito matutulog yung mga bisita ko. Siyam po silang darating ng nga 4am. Ako na po magaasikaso sa kanila."
Dumiretso ako sa pool. Si nanay talaga, oh. Ang daming ginawang snack. Gusto nya talaga si Georgina..
Ilang minuto rin ay may nakitampisaw na rin sakin sa pool. Naguusap lang kami ng mga bagay-bagay ng maisipan kong magtanong about sa relationship nya.
"Ilang taon na kayo ng girlfriend mo? Bakit ayaw sa kanya ng kuya mo? And.. panong naging ganyan ka? I mean.."
"Mag-iisang taon na next month. She's my first girlfriend.. I never had a boyfriend. Sya yung una. Her name's Ezra. Kung bakit o paano ako naging ganito? Hindi ko alam. Biglaan na lang. And it was my choice.. And I think I was really born like this. Si kuya, dati gustong-gusto naman nya si Ezra for me until one day galit na galit si kuya at inaway ako. Hiwalayan ko na daw sya kasi niloloko na daw ako ni Ez. Nagsimula maging ganun si kuya nung 6 months na kami tapos nagtuluy-tuloy na."
"Then why are you still together gayong sinabi na ng kuya mo na niloloko ka nya?"
"It's because I trust my girl so much. Hinding-hindi ako maniniwala sa kahit sino unless ako mismo ang makakakita na niloloko nga nya ako. At this point, wala pa namang pruweba.."
"You really know how to handle relationships.. But you're putting too much trust. Baka masira lang.."
"I know na hindi yon mangyayari. I'm hoping."
"Well.. Bakit hindi sumama si Ezra satin kanina?"
"She knows kasi na pati yung tropa ay ayaw na sakanya. Tho walang kinakampihan yung tropa kina kuya at kay Ez. And truth is, she's being cold."
"Then you must do something to know why.."
"Hey. I thought you're straight? How could you advice like that to someone like me?" she laughed hard.
"Pareho man kayong babae, sa relationship same rules apply to another. Relationship is a relationship. Yes, I may not be against to all of these but sure I don't agree either. I am straight but I look into the other half of it."
"Your friends are lucky to have you.."
"Include yourself to my friends, Georgina."
Ngumiti kami at saka umahon na. Ubos na rin namin iyong pagkain kaya umakyat na kami para magbanlaw at magbihis.
"I'm happy that I met you, Niña. I'm so glad that I found you.."