Nanatiling ganun ang pwesto ni AJ sa kanyang kama habang iniintay ang kanyang bestfriend.Six na ng gabi pero iniintay pa rin nya ang kanyang bestfriend na dumating. Patingin-tingin sya sa phone nya para tingnan kung nagtext ba ito pero wala. Sumusulyap din sya sa kanyang orasan.
Pa-special pa ang baklang yun. Bwisit. Kung alam ko lang nung una na bakla sya di ko na dapat tinanggap bilang kaibigan. Hassle! Pagsisisi nya sa kanyang utak.
Ginabi ang bestfriend nya dahil may practice pa ito ng basketball. Varsity player ang kaibigan nya kaya wala talagang nakakahalata na tagilid ang kasarian nito.
Magaling magpanggap ang bestfriend nya dahil inaral talaga ito dahil mahigpit ang ama nito. Pinagbuti nya ang pagpapanggap para di sya mahalatang binabae. Kung pumasok siguro tong artista agad itong makukuha dahil sa husay nitong magpanggap.
Tulala na si AJ sa kwarto nya ng biglang tumunog ang cp nyang kalalapag nya lang sa lamesa sa gilid.
"Hoy!! Bruha!! San ka na? Kanina pa kita iniintay!!" Sigaw ni AJ sa kabilang linya.
"Hinay-hinay sa boses bestie. On the way na ako."
Baklang-baklang sambit ng nasa kabilang linya. Pag talaga si AJ ang kausap nya ay kusang lumalabas ang kabaklaan nito.
"Letseng 'on the way' yan!! Kanina pa yan!" Tumayo mula sa kama si AJ dahil sa sobrang inip, inis— naghalo-halo na.
"Oh, bestie, nakikita ko na ang gate ng bahay nyo. Bruha. Baba ka na. Dali!!" Ani ng kaibigan sa kabilang linya. Di pinapansin ang pagmamaktol nito.
Halos liparin ni AJ ang daan patungo sa gate. Gusto na nyang bombahin ng samo't saring mura at matitinding salita ang kaibigan. Hindi sya mapakali.
Mas tumindi ata yun ng makita na nya ang kabuuan ng bestfriend nyang kala mo nasa runaway kung makapaglakad ng maarte patungo sa kanya.
"Hi bestie. Power hug naman dyan." Bati ni Andrei. Open arms pa syang lumapit kay AJ para manghihingi ng isang yakap. Tumuwad sya habang nakabukas ang parehong braso sa harapan ng babae.
"Tantanan mo ako dyan sa kaartehan mo!! Tinarayan nya na lang ito. Naglakad sya patungo sa may pool, sa may bench.
"Ito naman!!" maarte pa nyang tinapik si AJ sa balikat nito. "Naglalabing lang e." Tampong sabi nya. Nagcross arms pa sya habang ipinipilantik ang mga daliri.
"Makaramdam ka Andrei ha. Hindi ako natutuwa sa inaasta mo!" Nauubusan nyang pasensya ng makarating sa bench at maupo.
"Ko?" Litong tanong ni Andrei. Maarte nya pang hinawakan ang dibdib nya na parang sumakit yun. "Anong kasalanan ko sayo babaita?" Maarte syang humalukipkip habanag nakaharap sa pool.
"Andrei Marquez." Mababang tono pero mararamdaman ang galit doon. Nagangat ng tingin si AJ at sinalubong naman yun ni Andre. Naglalaban na sila ngayon ng titigan.
Napabuntong hininga si Andrei. Sumusuko. Pakiramdam nya hindi bibitaw ang bestfriend nya kaya sya na ang gumawa.
"Ok! Ok! Cease fire bestie!" Maarteng tumabi sya sa kanyang kaibigan. "Ano ba talagang naging problema? Tell me?" Tanong nya habang may kung anong binubugaw sa may braso nya.
"Andrea Marquez!!!" Dobleng sigaw ni AJ. Nadinig ata yun sa buong bahay dahil sa lakas noon. Napatayo sa inis si AJ. Lumapit sa may pool.
"Ok! Fine! Fine! Sorry!" Natatarantang hingi ng tawad ni Andrei. Nakaramdam sya ng kaba dahil sa sigaw na yun ng kaibigan nya. Feeling nya nadinig na ama nya ang sigaw na yun! Megash! Saan sya pupulutin pag nangyari yun?!
Nilapitan na nya si AJ para aluin pa ito. Mahirap na baka kung saan pa sya dalhin ng galit nito.
"Ba't ka nagsosorry? Kasalanan mo ba?" Taas kilay na saad ni AJ. Di mapigilan ni Andrei na ikutan ito ng mata. Ang arte nya! Yun ang tumatakbo sa isipan nya ngayon.
"Eh ano palang gusto mong mangyari?" Nagpamewang na sya dahil sa kalituhan at kapaguran para sa bestfriend nya.
"Look bestie, In behalf of my friends.... I'm really sorry. Ok?" Hinawakan ni Andrei ang kanyang ulo ng makaramdam ng sakit doon. "Tama na to... please? I'm tired. Galing akong practice and I'm already starving." May pagsusumamo syang hinarap si AJ.
Para namang nakaramdam ng guilt si AJ dahil sa mga nadinig nya. Parang nagbalik sya sa wisyo ng makita ang pagod sa mata ng bestfriend nya.
Nagbuntong hininga sya bago bumalik sa inup'an nya kanina.
"Fine! Useless din naman to." Sumandal sya sa upuan para mas maipahinga ang sarili.
Habang nagsasalita ang kanyang kaibigan narealize nya na hindi ito ang dapat nyang pagbuntunan ng galit nya dahil hindi naman ito ang namuwerwisyo sa kanya. Si Kinneth Philips.
Nagkaroon ng katahimikan sa kanilang pagitan. Siguro'y parehas silang pinakakalma ang sarili.
"Bestie? di mo ba ako iimbitahan na pumasok sa loob? Malamok dito baka makain ang beauty ko?" Reklamo ni Andrei. Humahampas pa sya sa braso nya na kala mo may pinapatay na lamok.
"Mandiri ka sa sinasabi mo!! Pumuputok dyan sa braso mo ang mga muscle na busog na busog dahil sa kakagym mo tapos sasabihin mong beauty?? Yuck!!" Pandidiri ni AJ sa sinabi ng kanyang kaibigan ng nagmulat ng mata. Nagpanting ang tenga nya.
Kahit naman na alam nyang bakla ang bestfriend nya di pa rin maipagkakaila na gwapo ito at maganda ang pangangatawan. Wala kang makikitaan ng pagiging tagilid nito. Maliban na nga lang pag magkausap talaga silang dalawa. Kay AJ lantaran ang pagiging bakla nito.
"Oh sige na." kinunutan nya ito ng noo. "Pasok." Dagdag ni AJ. Nauna na syang pumasok sa loob. Ginabayan nya si Andrei papunta sa sala nila.
"Dyan ka muna. Magpapahanda na ako ng hapunan. Dito ka na kumain." Dire-diretso na si AJ sa kusina para sabihan ang mga katulong nila.
Sumunod na lang si Andrei doon. Hindi na naman bago sa kanya ang bahay ng bestfriend nya dahil malimit sya doon. Madalas pa silang magkalaro ni Jacob.
Sa pagbalik ni AJ sa sala nadatnan nyang may kausap ang kanyang kaibigan sa telepono. Seryoso ang mukha.
"Ok dad. Tomorrow at 6 in the morning." Rinig nyang sabi ni Andrei. Tahimik syang naupo sa tabing upuan para pagmasdan ang kanyang bestfriend.
"Anong sabi ni Tito?" Tanong ni AJ ng matapos na ang tawag.
" Ano pa nga ba ang sasabihin nya?, edi yung schedule ko bukas sa gym. " Paliwanag naman nito sa kanya.
Napaangat ng labi si AJ na agad kinunutan ng noo ni Andrei.
"You know what?? Hanga din naman ako dyan sa tatay mo....... Walang mintis pagdating sa schedule sa gym mo." Tawang-tawa na sambit ni AJ. Napahawak na sya sa tyan nya dahil sa sobrang tawa.
"Kung ako sayo bestie. Magpapakalalaki na ako!" Sambit pa nya. Rinig sa buong bahay ang tawa ni AJ, yung ibang maid na abala sa paghahanda ng hapunan ay napapasulyap sa kanila.
"Manahimik kang bruha ka. Di ka nakakatulong. Imbyerna na nga ako sa fatherlu ko ganyan ka pa." Sambit ni Andrei sa kanyang bestfriend sa mahinang tono habang sinisipat ang paligid.