PROLOGUE Si Paul ay isang bagong lipat na estudyante sa Lamberto Uy Valderama University. Unang area ng pasokan ng makabangga siya ng babae na hindi niya sinasadya. Hindi alam ni Paul na kaklase niya pala ang babae’ng nabngga niya habang siyay’y nag-lalakad. Ang babaeng ito kaya ang magpapatibok sa kaniyang puso sa kaniyang pag-aaral sa LUV-U, o ito kaya ang babaeng mamahalin niya ng sobra at makakatuluyan niya sa hinaharap. END OF PROLOGUE
Lumipat si Paul ng paaralan dahil, nakapasa siya sa scholarship ng institusyon. Hindi na siyay nahirapang mag adjust dahil, may mga kakilala na siya ditto. Pumasok na siya sa kanilang silid aralan at tinungo ang kanilang guro na si Binibining Lyn, “Magandang umaga po ma’am! Ako nga po si Paul bagong estudyante niyo. Ito po pala and admit pass ko.” sabi ni Paul sa kanilang guro. “Ikinagagalak kitang makilala Paul! Siya nga pala ako naman si Binibining Lyn. Salamat Paul, at hanapin mo na lang ang silya na may pangalan mo.” Sa pag-upo ni Paul sa kanyang silya nagulat siya dahil hindi niya akalain na ang babaeng nabangga niya ay magiging katabi niya.
Nang dumating na lahat ng kaklase niya, nagsimula na ang kanilang guro sa pagsasalita tungkolsa mga patakaran. Nang matapos ang kanilang guro, isa-isa naman sa kanila ang nagsimula ng ipakilala ang kanilang sarili. Umabot na sa punto na ang susunod na magpapakilala ay ang babaeng nabangga niya, bago paman ito nagpakilala sa kaniyang sarili ay parang may dumaloy na kuryente sa katawan ni Paul.
“Magandang umaga sa inyong lahat! Ako po si Yummi Ocampo. Nakatira sa 2K3 Kundimama Street, Maymomo City. Ipinanganak ako noon Pebrero 14, 1996. Yun lang po at Maraming Salamat sa pakikinig.”
At nagsipalakpakan ang lahat kay Yummi. Nabighani si Paul sa mala-anghel na boses ni Yummi, at napangiti nlng ito.
Tumunog na ang batingaw para sa reses at gusting kausapin ni Paul si Yummi ngunit, inunahan siya nito ng hiya. Kasama ni Paul ang kanyang mga pinsan na sina Gino, Chrys, Marc, at Ian. Silang lima ay magbabarkada simula noong silay mga bata pa, kaya’t kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa.
“Paul sino naman ang natipuhan mo sa mga kaklase natin?” pabirong tanong ni Chrys kay Paul.
“Si Yummi ba Paul?” tanong naman ni Gino.
At nagsi-tawanan silang lahat.
Nabigla si Paul sa kanilang tanong, “..ah...ahm..ha!?” at ito ang naging sagot ni Paul sa kanila.
“Paul, di ka nagsasabi ng totoo sa amin.” Sambit ni Marc.
Si Paul na nagpapawais na ay inamin nalang ang totoo sa kanila.
“Oo may pagtingin ako kay Yummi” sagot ni Paul.
“Yun oh!” sambit ng magbabarkada.
Nagsimula na ang pormal na klase at wala paring imikanang dalawa, kaya gumawa ng paraan si Paul upang silay magkausap. Sinadya ni Paul na ihulog ang kanyang bolpen, pero hindi ito pinansin ni Yumi; awkward kung baga man. Sa kasamaang palad, hindi na gumana ang bolpen. Ngumiti si Paul dahil alam niya na ito na ang panahon.
“Yummi, pwede ba akong manghiram ng bolpen sa’yo, hindi na kasi gumana bolpen ko matapos itong mahulog.” Sambit ni Paul kay Yummi.
“Titignan ko Paul kong may extra ako.”
“Ito Paul may extra ako.” At binigay ni Yummi ang bolpen kay Paul.
At nagpasalamat si Paul kay Yummi.
Dahil sa sobrang saya napangiti nalang ito habang ito’y nagsusulat. Habang si Gino, Chrys, Marc, at Ian ay tinawanan si Paul sa likod. Wala pang nakaka-alam na may pagtingin si Paul kay Yummi maliban sa magbabarkada. Ayaw ni Paul na may maka-alam na may pagtingin siya kay Yummi, dahil baka malaman ito ni Yummi at hindi na siya nito papansinin.
Nagbigay ang kanilang guro sa Physics ng proyekto at gagawin ito sa pamamagitan ng pares, at ang katabi sa kanang ang magiging kapares. Katabi ni Paul si Yummi sa kanyang kanan kaya silang dalawa ang nagkapares. Dahil sa proyekto na iyon, hindi na masyadong nahihiya si Paul kay Yummi. Simula noon madalas na silang magkasama. Kaya malaking pasalamat ni Paul sa kanilang proyekto sa Physics.
Habang nag-uusap si Paul at Yummi sa klase, natanong ni Yummi si Paul kung sino ang crush nito,
“Paul, sino crush mo sa mga kaklase natin?”
Nagulat si Paul sa tanong ni Yummi kay may pag-aalinlangan siya kung sasagutin ba talaga niya ang tanong ni Yummi.
“Ba’t mo naman natanung ‘yan? Gayon pa man, mag usap nalang tayo mamaya Yummi pagkatapos ng klase.” Sagot ni Paul.
Lumapit si Marc kay Paul at binulungan, “Paul anong tinanon ni Yummi sa’yo?” Ngunit hindi ito pinansin ni Paul, at pinagpatuloy na lang niya ang kanyang ginagawa.
Natapos na ang klase at nagkita sila sa kanilang tagpuan, sa library.
“Yummi sasagutin ko ang tanong mo kanina, at huwag mo sanang mamasamain ang sagot ko... Ikaw ang crush ko!” sambit ni Paul.
“Paul, nagbibiro ka!” patawang sagot ni Yummi.
“Yummi, totoo ang sinasabi ko.” Sagot naman ni Paul, at biglang umalis si Yummi at nanlomo ito.
Pagdating ni Paul sa bahay, agad nitong hinanap ang kanyang cellphone para itext si Yummi.
“Hai Yummi, magandang gabi! Galit ka ba sakin? Bigla ka nalang kasing umalis kanina eh.” Mensahi ni Paul para kay Yummi.
Ngunit hindi naka reply si Yummi, baka dahil wala itong load o ito talagay galit sa kanya.
Kinaumagahan, kinausap ni Paul si Yummi. Humingi ng paumanhin si Yummi dahil di siya naka reply, sagot nito wala siyang load kagabi; at napangiti pa si Yummi. Kitang-kita naman sa mukha ni Yummi na hindi siya galit kay Paul. Ang hindi alam ni Paul, may pagtingindin pala si Yummi sa kanya simula noong unang araw ng pasokan; na alam ng buong klase ngunit tahimik lang sila.
Dahil apat na araw na wala silang pasok, naisipang lumabas ng barkada, pinagusapan ng barkada ang tungol sa lovelife nito kay Yummi.
“Paul, kamusta na pala kayo ni Yummi?” tanong ni Gino.
“Ha! Anong kami? Di pa nga kami, ikaw talaga. Okay lang naman ako at okay din siya.” Sagot ni Paul.
“Asus! Parang hindi naman ito ginanahan. Kailan mo ba kasi siya liligawan?” tanong naman ni Ian.
“Bata pa kami. Ang sobrang hot ninyo, mag-intay nalang kayo.” Patawang sagot ni Paul.
Naghahanap pa si Paul ng tamang panahon para ligawan niya si Yummi. Naisipan ni Paul na sa birthday ni Yummi liligawan niya ito, at sa tulong din nila Marc. Chrys, Gino, at Iang. Habang papalapit ng papalapit ang araw ng kaarawan ni Yummy, lalong na e-excite si Paul na may halong kaba.
At Pebrero 14 na rin! Ito na ang araw na hinihintay ni Paul, at ito ang araw ng kaarawan ni Yummi. Maraming pagkain na inihanda. Sayaw dito at sayaw doon. Tawanan dito at tawanan din doon. Ang lahat ay sayang-saya sa party ni Yummi, walang hindi nasayahan at naging KJ(kill-joy).
Nang matapos na ang celebrasyon, lumapit si Paul kay Yummi kung pwede ba silang mag-usap. Pumayag naman si Yummi at pumunta sila sa sala. Naging deritso sa Paul sa kanyang sinabi;
“Yummi, alam ko na alam mo na matagal na kitang gusto. Pasinsya kung sa kaarawan mo ginawa ko ito.”
“Pwede ko na bang makuha ang matamis mong OO?” panliligaw ni Paul ni Yummi.
“Paul, corny mo.(si Yummi ay tumatawa) OO na!” sagot ni Yummi.
Dahil sa saya napalundag si Paul at nagsisigaw ng yes! Ngunit sinita ito ni Yummi dahil baka marinidg sila, at agad namang nag sorry si Paul dahil nadala lang siya sa kanyang nararamdaman. Ang ginawa ni Paul ay ang pinakamagandang regalo na natanggap ni Yummi ayon paman sa kanya. Nilihim muna ni Paul na naging sila na ni Yummi maliban sa kanilang mga magulang at nina Gino, Ian, Marc, at Chrys. Kahit sila ay may relasyon na, hindi parin nila iniiwan ang kanilang pag-aaral dahil ito parin ang susi sa kanilang kinabukasan. Nagtagal silang dalawa, at ngayun kahit sila ay malayo sa isa’t-isa dahil sila ay kapwa rin nag-aaral ng kolehiyo, sila ay nananatiling sila parin. Pag-ibig nga naman!