Buong araw ay pinahirapan ako ni Dyllan. Una, hindi niya pinapayagan ang ibang lalaki na makipag-usap sa akin kaya nakabuntot siya sa lahat ng ginagawa ko. Pangalawa, hindi siya kakain hangga't hindi ko siya sinusubuan! At ikatlo, ipinakita niya sa lahat na slave ang turing niya sa akin!
"Argh! Mas nakakapagod pa ang araw na ito kaysa sa mga unang araw na wala siya!"
Ibinalibag ko ang bag ko sa higaan dahil sa sobrang pagkainis. Ginawa niya talaga akong alipin! Asar! Hindi ko akalaing sa school pa talaga siya mag-aaral.
Buo na ang desisyon ko!
Hindi na ako nagpalit pa ng damit. Bumaba ako para hanapin si mama. Natagpuan ko siyang nag-aayos ng mga papeles sa mini office niya.
Kumatok ako kahit nakabukas naman ang pinto ng office. "I'm home," saad ko.
"Oh, Kelly. Welcome home," aniya tsaka ngumiti. "Kumain ka na ba? Teka, iinitin ko iyong--"
"H'wag na ma. Hindi pa naman ako gutom."
Natigilan siya sa kalagitnaan ng pagtayo dahil sa mga sinabi ko.
"Gano'n? Hm, may kailangan ka ba?" Tanong niya tsaka muling umupo.
Lumapit ako sa kanya. "Saan po ba nakatira sila Dyllan ngayon?" Tanong ko.
"Bakit mo naitanong? Ah, teka. Kung gusto mo makita si Dyllan, mas mabuti pang papuntahin mo na lang siya dito," aniya tsaka itinuro ang telepono sa table niya.
"Ah, hindi po. Gusto ko lang kausapin si tito."
Sa mga oras na iyon ay hindi agad nakatugon si mama. Magsasalita pa sana ako nang pigilan niya ako.
"Masyadong busy si Mr. Patterson anak. Kung pupunta ka man sa kanila ay baka si Dyllan lang ang matagpuan mo," paliwanag ni mama tsaka nagpatuloy sa pagbabasa ng hawak niyang papel.
Maaaring tama si mama, pero kung hihintayin ko ang kinabukasan ay baka hindi ko na mapalipat ng school si Dyllan!
"Ah, sige po. Aakyat na ko," sabi ko tsaka siya tinalikuran.
Lumabas ako ng opisina niya pero hindi ako umakyak agad ng kwarto. Dumiretso ako papuntang pinto at nagsuot ng rubber shoes. Dahan-dahan kong binuksan at isinara ang pinto tsaka patakbong pumunta sa labas.
"Baka naman doon pa rin sila sa dating bahay nila," sabi ko sa sarili habang naglalakad papuntang gate ng subdivision.
Naisipan ko munang tumambay sa minstop para magpalamig na rin ng ulo. Iisipin ko muna ang mga sasabihin ko. Kailangang makumbinsi ko ang papa ni Dyllan na ilipat siya ng school.
"Hm?"
Natigilan ako sa pagkain ng ice cream nang mapansing may kumakaway sa akin mula sa labas. Lumingon ako sa kaliwa at kanan para siguraduhin na ako nga ang kinakawayan ng lalaking na sa labas.
"...ako?" May pagturo sa sarili kong tanong nang malamang wala namang ibang tao sa likuran ko.
Tumangu-tango siya tsaka ngumiti. May dinukot siya sa bulsa niya at ipinakita ito sa akin. Halos mapatayo ako nang malamang kagaya ng cell phone ko iyon.
"Teka. Paanong--?"
"Ah...I'm sorry miss."
T-Teka nga. Parang naaalala ko na.
"Yu. What's taking you so long?"
=____=
Siya iyong tinawag na Yu ni Dyllan nang magkabungguan kami sa baking and pastry shop.
Sinenyasan ko siyang hintayin ako tsaka ako nagmamadaling lumabas ng minstop. Dala ko ang ice cream na binili ko dahil hindi pa ako tapos kumain tsaka ang init kaya.
BINABASA MO ANG
He, Who Oath To Be My Prince
Short StoryA new short story for the year 2016! More romance will come your way with this romantic-comedy with the slice of life story!