Chapter 2- New Class, New Enemies

19 1 0
                                    

Jade

He's the one...

Looking straight at him. Sigurado ako sya na yun. Hindi ko mapigilan tumitig sa kanya sapagkat kakaiba sya.

"Speak! Idiot." Sabi nya pero medyo mataas ang kanyang bosses.

"What?" Tanong ko.

"Are you not listening?" Tanong din nya "I said watch your road, Idiot."

"Are you calling me an idiot?" Tinuro ko sarili ko.

"We are just the one's who are still here. Who else I'm talking to?" Dahilan nya.

Napaisip ako sa sinabi nya. Tama nga naman sya. Kaming dalawa lang naman ang nag-uusap.

"Well..."

"See now if you excuse me there is something more important that I have to do. You're a waste of time." Sacastic nyang sabi at umalis.

Nakakainis talaga itong new comer na ito. Feeling nya ang tagal nya na dito sa Philippines. Nakakasira ng mood. Hay nako ang sarap sapakin, buwiset.

(...)

"Ano ba ha! Kailan ka ba titino?" Narinig ko si mama na sumisigaw.

Agad agad kong binuksan ang pinto. May feeling ako na may ginawa nanaman si ate karumal dumal na gawain.

"Dati umuwi ka na ng umaga tapos ngayon!" Sigaw ni mama na halos mawalan na ng bosses sa kakasigaw.

"Ano ba ma! Buhay ko to. Wala kang pake kung gawin ko ito." Pabalang na sagot ni ate.

"Mama, Ate, ano nangyayari dito?" Tanong ko.

"Hay nako Jade yang ate mo nagpabuntis." Sagot ni mama.

Nagulat ako sa sinabi ni mama pero medyo expected ko naman na yan kay ate. Paano ba naman slut ang ate ko. Kaya balang araw mabubuntis syang maaga.

"You don't care, gusto ko itong ginagawa ko. Kaya wag kayong pakilamera." Sigaw nya.

"Ate naman magbigay ka naman ng kahit konting hiya kay mama. Siya pa rin ang nagluwal sayo. Kung wala si mama wala ka din." Sinubat ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin na tila sasabunutan nya ako.

"And who are you?" Tingin nya taas-baba "Kapatid lang kita."

"Ate naman.

"You know what I'm done!" Sigaw nya "I'm done living in this shit. Pretending everyday with these fucking people." Sabi nya sabay kuha ng bag nya papunta sa pinto.

"Ate!" Hinabol ko sya.

Pero hindi nya ako pinansin. Patuloy pa rin sya sa paglalakad.

"Jade pabayaan mo na sya." Sabi ni mama habang nakaupo sa sofa.

"Mama." Nilapit ko sya.

"Babalik din sya kapag narealize nya na ang mga resulta ng pagkakamali nya." Sabi nya.

"Ma..." Niyakap ko sya.

Ano ba itong buhay na ito. Una yung lalake na new comer tpos ngayon si ate. Kailan ba ito matatapos.

(...)

Nasa labas na ako ng pinto ng classroom namin. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi.

"Jade ano pa ang ginagawa mo jan." Tanong ni Daniel "Pumasok ka na."

"O...oo eto na... nga pa...papasok na." Pautal-utal kong sabi.

"May problema ba?" Tanong nya.

"Wala." Sabi ko.

"Sus parang meron." Giit nya.

"Wala nga ang kulit mo."Inis kong sabi.

"Okay sige na wala kang problema." Sang-ayon nya.

"Pero bakit paran-" Napatigil sya sa sinasabi nya ng sumigaw ang kaklase namin.

"Nanjan na si Ma'am."

Nagtransform ang mga kakaklase namin. Nagsibalikan sa mga kani-kanyang mga upuan.

"Good morning class." Pumasok siya at umupo.

"Good morning Ma'am." Sabay sabay na sabi namin.

"Okay you may sit." Announce nya.

"Thank you Ma'am." Sabi namin at naupo.

"Class you'll be having new classmate." Sabi ni Ma'am habang tinitignan ang class record nya.

Sino naman kaya yang new comer na yan. I hope hindi sya kapag nagkataon. Malamang magiging impyerno ang whole year ko.

"There he is."

Napalingon lahat ng mga kaklase ko.

"You may come in." Sabi ni Ma'am "Please introduce yourself to us."

Anak ng butete!

"My name is Harry Styles."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Well it is been set. Sana hindi maging impyerno ang year mo.

-ainzdorado

The Boy I Met Along The RoadWhere stories live. Discover now