Chapter 37

3.7K 143 12
                                    

Napayuko na lang ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko.

"Balak ko nga sana ligawan si Yna,pero dahil akala ko kay Nate na siya di ko na lang tinuloy."biro pa ulit ni Gino,nabitin naman sa ere ang magina niyang tawa ng walang kahit na sino ang magsalita.

"May mga bagay lang talagang di pwede kung di malinaw."seryosong sabi ni kuya na nagpatingin sakin sa kanya,lahat kami naging walang kibo.Di ko alam kung gaano kami katagal na ganon ng may maglakad loob na magsalita.

"Order na tayo,alam kong gutom ka na."malambing niyang baling sakin saka agad na tumayo,tumango naman ako sa kanya.

Mabilis rin kaming naka-order ng pagkain ng lahat,ayaw niya pang pumayag na magdala ako ng isang tray pero pinilit ko lang siya.Binaba na namin ang pagkain sa mesa ng makabalik na kami,saka naupo.

"Kumain ka ng madami."sabi niya matapos ibigay sakin ang napili kong pagkain,ngumiti naman ako sa kanya.

"Sarap naman ng may nag-aalaga."pang-aasar ni Jordan samin,bahagya naman kaming napatawa sa sinabi niya.

Napayuko pa ako dahil sa hiya,pinipilit kong ibaling kay Luke ang atensyon ko dahil ayaw kong maging unfair sa kanya.Kahit di kumikibo si Nate,nahihirapan akong alisin siya sa isip ko.

"Maghahanap na rin ako ng mag-aalaga sakin."dugtong pa ni Gino.

"Bakit,wala ba?"natawa kaming lahat ng barahin siya ni Luke.

"Bro,alagaan mo lang si Bunso wala kang maririnig sakin."seryosong singit ni kuya,napangiwi naman ako sa kanya.Nakakahiya kasi kay Luke.

"Don't worry bro,I'll take care of her."malambing niyang sagot habang diretso ang tingin sakin,di ko namang maiwasang mapangiti sa kanya.

Halos sabay-sabay kaming lahat napalingon sa kanya ng tumayo siya,walang kibo siyang tumalikod.Nasundan na lamang namin siya ng tingin hanggang sa makalayo siya,sandali kaming natahimik sa pag-alis niya.

"We better eat."pukaw ni Luke sa lahat kaya't bumalik sa pagkain ang pansin naming lahat.

Sinikap kong maging masigla sa harap nilang lahat,masaya at maingay silang kasama.Malapit na rin kaming matapos kumain ng tumunog ang phone ko,agad ko namang kinuha iyon.

1 message received..
From ???

Bahagya ko pang sinulyapan ang katabi na abala sa pakikipag-kwentuhan sa mga kasama bago ko iyong binuksan.

"Yna..."

Kunot-noo ko iyong nireply-an.

"Sino ka ba talaga?Bakit kilala mo ako?"

Tinago ko na muna sa bulsa ko ang phone saka pinagpatuloy ang pagkain,di natagalan ng magreply siya.

"I want you to be happy,but I wont stop loving you!"

Bakit pulit-ulit lang ang sinasabi niya tuwing nagttxt siya.

"Bunso,ok ka lang ba?"puna sakin ni kuya ng marahil ay mapansin niya akong nag-iisip.

Tinaas kong phone ko saka iyon pinakita kay kuya.

"Kilala mo ba may-ari ng number na to?"tanong ko sa kanya,kunot-noo naman siyang umiling sakin.

"Why?Does someone bothering you?"tila nag-aalalang baling ni Luke sakin,mabilis naman akong napailing sa kanya habang nakangiti.

"Ah wala yon,wrong send lang siguro."saka mabilis na tinago ang phone ko sa bag ko.

Masaya ang buong oras na kasama ko sila,at kahit di na siya bumalik para kumain di siya maalis ng ganap sa isip ko.Mahirap sakin ang makasama siya,dahil di rin naman lingid sa tingin ng iba ang pinagsamahan namin.

You'll also like

          

Matapos kami kumain inihatid niya na ako sa next class ko,masaya ang bawat oras na kasama ko siya.Napakalaki ng nagagawa niya para makalimutan ko si Nate.

Naglalakad na kami papunta sa locker area bago tumuloy sa next class ko ng tumunog ang phone niya.Napahinto na rin ako ng tumigil siya paghakbang habang nakatuon sa phone niya.Alangan siyanh tumingin sakin.

"May problema ba?"napakamot naman siya sa batok bago sumagot.

"Ok lang ba kung di na kita maihahatid?May emergency lang---"

"No,ita ok.Go ahead,I'll be fine."ngumiti ako sa kanya bilang assurance,ngumiti naman siya sakin.

"Thanks.See you later!"malambing niyang sabi,agad naman siyang naglakad palayo ng tanguan ko siya.

Tumuloy na rin ako sa paglalakad patungong locker area,malapit na rin iyon ng iwan ako ni Luke.Agad ko namang kinuha ang gamit para sa next class,saka tumuloy na rin sa room.

Gaya ng dati,mabilis natapos ang bawat klase.Kanya-kanya sila ng binibigay na mga requirements,at pagkatapos kaming tambakan ng mga gawain at lugawin ang utak namin iiwan na rin nila kami.

Bahagya akong tumingin sa labas ng room matapos marinig ang bell,wala pa si Luke.Marahil ay di na siya dadating dahil sabi niya kanina may emergency siyang pupuntahan.Agad kong inayos ang gamit ko saka tumayo na para lumabas ng room.

Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa room ng may magsalita sa likuran ko.

"Yna..."agad naman akong tumalikod para harapin siya.

Nakahawak ang isa niyang kamay sa batok at tila nahihiya ang tingin niya,may bitbit siyang isang bouquet ng bulaklak.

"Oh Luke,kala ko---"

"For you."nakayuko niyang sabi,agad ko namang tinaggap iyon.Ang gwapo niyang tignan sa ayos niyang mukang nahihiya.

"Buti pa si Yna may flowers from Luke.

"Oo nga,so kainggit."

"Ang gwapo ni Luke,kyaaa!"

Bahagya akong nailang dahil sa ilang bulungan ng mga tao sa paligid namin,sinikap ko na lang na di pansinin iyon.

"Thanks,sasabay ka ba pag-uwi?"tumango naman siya saka humakbang papalapit para sabayan ako sa paglakad.

"Kamust naman yung emergency mo?Ok na ba?"

"Yeah,its just a common instances."sabay kaming naglalakad patungo sa parking area.

Di ko alam pero pakiramdam ko sa bawat hakbang na ginagawa ko,may mga matang nakamasid samin.Pinilit ko na lang na di iyon ipahalata sa kasama mo.Agad niya naman akong inalalayan pasakay ng sasakyan,kinuha niyang bouquet sakin para ilagay sa back seat.Siya na rin ang nagkabit ng seat-belt ko,agad naman niyang binuhay ang makina para magmaneho.

"Gusto mo bang pumasok na muna?"aya ko sa kanya matapos naming bumaba sa tapat ng gate namin,nakangiti naman siyang tumango.

Tahimik kaming pumasok sa bahay,inilapag ko muna ang bouquet sa sofa saka siya inaya sa kusin.

"Hello mom."sabay lapit sa kanya para bumeso,abala siya sa pagluluto ng dinner namin.

"O andito kana pala."tumango naman ako.

"Mom,si Luke po."bahagya naman siyang lumapit para makipagkamay kay mom.

"Good afternoon po."magalang niyang bati.

"Buti naman nadalaw ka,gusto mo bang dito na mag-dinner?"nakangiting aya ni mom,nahihiya naman siyang kumamot sa batok.

"Gusto ko po sana,but I have to go na din po."tumango naman si mom sa kanya.

Bumalik na rin kami sa sala matapos magpaalam kay mom,nagsabi na rin siyang uuwi na rin siya dahil may iniintay rin siya ng family niya for dinner.Inihatid ko na ulit siya sa gate.

"Thanks sa paghatid Luke,and for the flowers too."nakangiti kong baling sa kanya ng makalapit na kami sa gate.

"I hope you like it."

"That's a sure thing."natatawa kong sabi kaya't tumawa na rin siya.

"I'll go now."

"Sige,ingat ka pag-uwi."bahagya naman siyang lumapit sakin,di ko nagawang magreact ng hawakan niyang magkabilang pisnge ko.Tumingala ako para tignan siya,seryoso niyang sinalubong ang mga mata ko.

Napapikit na lang ako ng dahan-dahan niyang ilapat ang labi niya sa noo ko,mabilis lamang yon.Agad naman siyang ngumiti sakin ng pakawalan niyang pisnge ko.

"I better go."tanging ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya,tinanaw ko na lang siya hangganh sa makalayo na siya.

Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko ng maalala kong ginawa niya,he's sweet!Pero agad ring nawala ang ngiti ko ng maalala ko siya,he also do that to me...si Nate.Mahina akong napailing sa naisip,bakit siya na naman ang naiisip ko?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumalikod para muling pumasok sa bahay.

Kunot ang noong inilibot kong tingin sa sa buong sala,sa pagkakatanda ko dito ko lang iniwan yun.

"Kuya,may nakita ka bang bouquet dito sa sofa?"takang tanong ko ng saktong pumasok siya galing sa likod bahay.

"Kakapasok ko lang bunso,saan mo ba iniwan?"tanong niya habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang puting towel.

"Dito sa sofa,I left it here the time I got home."nabaling naman ang tingin ko sa lalaking sumulpot sa likuran niya,seryosong tingin niyang binigay sakin na agad niya ring binawi.

Mahina niyang tinapik si kuya sa balikat saka niya iyon nilagpasan,ilang hakbang na lang ang pagitan namin ng matuon sa bandang leeg niya ang tingin ko.

Mabilis siyang nakalabas ng bahay,naihatid ko na lamang siya ng tingin.

Tama bang nakita ko?Bakit mayroon nun sa leeg niya?It's a piece of petal na gaya ng bulaklak na binigay ni Luke.

~~~~~
[Readers,tulungan niyo po sana akong i-promote ang story na ito.Di po kasi ako ganon ka-active sa social media.Salamat po!]

Im in Love with my Brother's Best-friendWhere stories live. Discover now