Characters:
Monica Gomez
David Legaspi
Matthew Montreall
Audrey Padilla
Miguela Beyer
Monica's POV
Nakita kita may kasama ng iba
Halos hindi mo napansin, na ako'y may kasama
Abot langit ang iyong ngiti, at parang kay saya
Bakit lungkot aking nadarama, gayong ako'y mayro'n na ring iba
Nasa may corridor kami ngayon ni Matt, boyfriend ko. Vacant namin. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Ayun ay hanggang sa marinig ko ang isang pangalan.
"Dave! Uy pre. Kamusta na?" napatingin agad ako sa tinawag nung lalaki. Siya nga. Si David. Ang ex ko. 5 months na rin nung huli ko siyang nakita. Ganun pa rin siya.
"Ayos ka lang Monica?" napatingin naman ako kay Matt nun. Mukhang medyo nagtataka expression niya.
"Oo naman. Haha. Bakit naman hindi?"
"Di ka kasi nakikinig."
"Nakikinig ako ha. Sige tuloy mo na ang kwento." sabay tawa ko pa sa kanya. Ang sinungaling ko. Hindi naman ako nakikinig.
Matt: sabi ko naaalala mo pa ba si Audrey?? Yung babaeng patay n patay skin, yung habol ng habol skin?? (ANG KAPAL TLGA NG MUKA NITONG LALAKE N TO EH.. SARAP INGUDNGOD)
Monica's POV
Habang nag kekwento si Matt.. Di nako nakikinig.. Di nmn ksi talaga ako nakikinig eh..
Napatingin ulit ako sa kintatayuan ni David. Nakita kong napatingin din siya sa akin. Nginitian lang niya ako at naglakad na ulit. Kasama niya yung bago niya.
*my favorite song*
Bakit mahal pa rin kita
Bakit palagi mong nasasaktan ang puso ko
Bakit mahal pa rin kita
Kahit pareho tayong mayro'n ng iba
Oo mahal ko pa rin si Dave. Mahal ko pa rin ang ex ko. Ang sama sama ko ba? May boyfriend ako pero may mahal akong iba.
Akala ko kasi mahal ko si Matt. One month na kami at napapasaya naman niya ako kaya ayun, ako tong si tanga, nag-conclude na mahal ko na siya kahit hindi pa. Nung araw na makita ko si Dave sa corridor na may kasamang iba, sobra akong nasaktan. Siya pa rin pala. Siya pa rin ang mahal ko. Bakit ba kasi nagpakita pa siya ulit? Okay na ko e. Okay na kami.
Kahit na brineakan niya ko siya pa rin mahal ko. Kahit na sinaktan niya ko, siya pa rin mahal ko. Kahit na pinaiyak niya ko, siya pa rin mahal ko. Hindi ba pwedeng si Dave na lang? Para wala na kong masaktan at para hindi na rin ako masaktan.
Di ko maamin na nasasaktan pa rin ako
Ayokong malaman mong, nagkukunwari lamang sa'yo
Hindi ko mapigilan ang aking damdamin
Bakit mahal pa rin kita.
Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Kaklase ko pa si Dave at yung babaeng kalambingan niya. ( Sakit nuh?)
Nakikita ko kung gaano sila kalambing sa isa't isa. Parang tinutusok yung puso ko. Pero hindi ko naman pwedeng ipahalata na nasasaktan ako. Dapat okay lang ako sa paningin niya.. sa paningin nila.
( oha!! RYHME pa yan)
Hawak niya ang iyong kamay, nais ko sanang agawin
Ngunit di na maaari, pagka't s'ya ng nagmamay-ari
Alam kong may mali sa aking nadarama
Mas mahal pa rin kita, kahit ngayo'y ibang kasama
Nang palabas na kami nung room nakita ko na magkahawak sila ng kamay. Parang gusto kong lumapit sa kanila at agawin ang kamay ni Dave. Pero sino ba naman ako para gawin yun? Isang hamak na ex lang naman di ba?
Nakatingin pa rin ako sa kanila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Matt's POV
"Mahal mo pa rin siya?" nagulat na lang ako at napatingin sa nagsalita. Si Matt. Sakit ang makikita mo sa mata niya ngayon. At alam kong dahil yun sa akin. Ang sama sama ko. Napakasama ko. Hindi ko siya sinagot at yumuko lang.
Ginulo naman niya ang buhok ko, "Hindi naman ako manhid para hindi yun makita."
"Sorry." sabi ko habang nakayuko pa rin.
BINABASA MO ANG
I can't Move On
Teen FictionHuwag mong papakawalan ang taong mahal mo at mahal ka... Kung di mo naman kayang makita na may kahawak siyang iba