"Good morning, Carms." Nabigla ako nang bumungad sa akin sa front door si Xander na may bitbit na bagel at kape.
Awtomatikong nagdikit ang mga kilay ko pagkakita sa kanya. "Uh, hi? Good morning? Anong sadya?"
"Wala, bumibisita lang ako. Masama ba?" Aniya na may ngiting abot tenga.
Bumuntong hininga ako at napailing. This isn't right.
"Ah, Xander kasi... tulog pa yung mga bata eh."
"Okay lang." Nakangiti pa ring sagot niya. Hindi na ako makaisip pa ng dahilan para hindi siya patuluyin. Kung sa totoo lang ay ayaw ko na muna sana siyang makita o makausap. "Kahit magkwentuhan na lang muna tayo kung tulog pa sila. May dala ako nito, oh."
Pinigilan ko ang tukso na ihampas ang kamay ko sa noo ko. Palpak ang plano kong iwasan siya.
"Sige na nga," napilitang sagot ko.
Lalo namang lumawak ang ngiti si Xander sa akin. "Salamat, Carms!"
"Sige, pakihintay na lang ako dun sa garden. Alam mo naman yun," sabi ko saka ngumiti ng peke sa kanya.
Habang nagkekwentuhan kami ay hindi mawaglit sa isip ko ang mag-isip ng masama tungkol sa kanya. Palagi na lang kasi gumugulo ang isip ko 'pag nasa paligid s'ya. Tss.
"Huy, Carmela!" Tawag niya nang makahalatang hindi na pala ako nakikinig. Nakanguso siya sa akin nang humarap ako.
"A-ano yun?" Tanong ko.
"Wala." Nagkibit balikat siya at saka humigop ng kape. "Kinakamusta ko lang sana negosyo mo."
"Ah, yun ba? Okay naman." Tipid na sagot ko. Parang napapaso ako sa kinauupuan ko kaya napag-isipan kong magpaalam muna. "S-sige ha. Kuha lang ako ng tubig sandali."
Pumasok ako sa loob at kumuha ng inumin. Gusto ko na siyang paalisin. Ayaw ko nang mapalapit pa sa kanya. Mamaya mag-assume na naman ako. Ako rin naman ang masasaktan sa huli. Gusto kong pangalagaan yung feelings ko. Hindi naman masama yun 'di ba?
"Ehem," tumikhim ako pagdating sa garden. Naabutan ko si Xander na abalang nagtetext at hindi niya ako narinig.
"Ah, andyan ka na pala. Sorry." Pagpapaumanhin nito nang mapansing nakaupo na ako at nakatingin na sa kanya. Bahagyang itinaas niya at iniharap sa akin ang cellphone niya. "Office work."
Tumango lang ako. Sinabi ko naman sa kaniya noon na hindi niya kailangang mag-explain sa akin.
Nagpatuloy siya sa pagkekwento niya. Ako naman ay naghihintay ng tyempo para makapagpaalam na.
"Uhm, Xander." Sabi ko nang matapos ang sinabi niya. "Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Baka pwedeng iwan na muna kita dito o baka gusto mo nang umuwi?"
"Ha?" Parang dismayadong sabi n'ya. Hindi ko na pinansin 'yon. Yumuko siya bago tumayo. "Sige pala, uwi na ako. Thank you for letting me in."
Thank you for letting me in...
Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi niya. Umiling ako. Eto na naman ako umaasa. Huminga ako ng malalim at inilahad ang kamay sa kaniya. "Thank you, too."
Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang palayo.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Palayo ng palayo ang agwat naming dalawa. Habang lumalayo siya ay lalong mahirap siyang abutin.
Mahirap pala ang maging malapit pero malayo. Mahirap maramdaman na para sa'yo ay may espesyal na bagay pero sa kanya ay simpleng pagkakaibigan lang. Ang hirap palang maging babae. Ang hirap tanggapin na binibigyan mo lang pala ng kulay ang bawat sinasabi at ginagawa ng isang lalaki pero para sa kanila ay wala lang.
Ang hirap manghula sa nararamdaman ng isang lalaki.
Napagdesisyunan kong pumasok na sa loob ng bahay at bumalik sa higaan. Para namang nagkatotoo ang sinabi ko kanina. Hindi na nga maganda ang pakiramdan ko.
Alas otso na ng umaga pero tulog pa rin ang kambal nang sumilip ako sa kwarto nila. Nagdiretsyo ako sa kwarto ko at nahiga. Naisipan kong magbukas ng Facebook.
Walang anu-ano ay kusang tinype ng mga daliri ko ang pangalang Alexander Han.
Nagtaka ako sa sarili ko nang oras na iyon dahil wala naman sa hilig ko ang mang-stalk sa Facebook.
Keisha Nicole posted a photo on Alexander's timeline: 🙊 Gwapo mo Bae!
Comments:
Alexander Han: Maganda kasi yung nagpicture! Hahahaha. 😍😉
Yosef Han: Galawang breezy 'tol, hahaha! 😂😁
Marcos Pin: Baka sagutin ka na nyan pare. 💑Para akong binagsakan ng langit at lupa. Parang lalong sumama ang pakiramdam ko. Bumibigat ang dibdib ko. Unti-unti napapansin kong nababasa na ang unan ko.
Umiiyak na naman pala ako.
--------
Aba! Sino naman kaya 'tong Keisha Nicole na 'to?
Kaway kung nainis ka din sa kanya. 😁✋
BINABASA MO ANG
Surely In Love #Wattys2017
General FictionGaano karaming beses nga ba titibok at masasaktan ang isang puso para lang malaman na siguradong umiibig na nga ito? Surely In Love (Ongoing) Tag-lish