Dear Kerul,
December 17, 2015 Christmas Party. Araw na kukuin mo ang notebook kong pinagsusulatan ko ng istoryang ginagawa ko, ang Smart Prankster Vs. Genius Bully. Nalaman mo 'yon dahil sa pinsan ko. Gumawa ka pa nga ng wattpad account, para basahin ang story na 'yon. Kaso nga lang putol at hindi pa tapos dahil nawala ang phone ko at hindi ko na naipagpatuloy. Kaya ni-recommend ng pinsan ko na hiramin mo ang notebook na sinusulatan ko ng mga update while I don't have access on my Wattpad account. Chinat mo ako para humingi ng permiso na hiramin ang notebook ko, of course I pumayag ako! Aarte pa ba ako?
Napag-kasunduan nating sa Christmas Party mo kukunin. Around 10:00 in the morning nag-punta ka sa classroom ko kasama ang mga kaibigan mo. Pinag-tutulakan ka pa nga sa'kin eh. Noong una, two arm chairs apart pa tayo hanggang sa pinalapit ka pa ng mga kaklase ko at mga kaibigan mo. OMG, kasabay pa n'on ang malakas nilang tilian. 'Yung isa ko pang kaklase, pinaalis lahat ng nakaupo sa side na inuupuan natin. I don't know what to do. Ang engot ko dahil tumalikod ako sa'yo noong tinatawag mo ako at ang engot ko talaga dahil 'di ako makalingon! 'Di rin ako makapag salita, parang nalunok ko ang dila ko! 10 minutes rin tayong magkatabi, pinapanood ng mga kaklase ko at mga kaibigan mo ang kinikilos natin. I took a deep breath, kinuha ko ang notebook sa bag ko at ibinigay sa iyo. Still no talk. Mga 5 minutes pa, saka ka umalis. Feeling ko mahihimatay na ko! •_•
-RS
Date published:
April 3, 2016P. S. I really blur the photo. ❤
Maraming photographer that time, my classmates, our friends.