A/N: Hey what's up it's been a while! Haha joke! So eto muna ang update ko dahil tinatapos ko na etong DNP but don't be sad about it! Dapat maexcite kayo kasi... hmmm... ayokong ireveal. Haha ayoko maging spoiler kaya naman, go! Basa na! Hehe love you x.
(Sorry kung medyo mahaba ang author's note. Sorry.)
OH BY THE WAY THIS CHAPTEE IS DEDICATED TO amberlyn27 since she reads this story and there you have it Amberlyn. Say hi for me (:
Dear Diary,
Tuwang-tuwa si Nanay kagabi pag-uwi ko. Pano kasi, nauwi ko yung title at hinatid ako ni Richard pauwi.
Di nakapunta si Nanay pero andyan naman yung nanay ni Richard na si Tita Helga kaya naman keri na, siya ang nagpicture.
"Nako anak, dumadaloy talaga sa dugo natin ang pagiging title holder pagdating sa mga pageant na ganyan!" Sabi niya sabay sipsip ng kape.
Saturday ngayon at mabuti naman, makakapagpahinga ako. Ang hirap kaya ng pinagdaanan namin. Practice, lakad, sayaw, sagot.
Okay lang naman kasi nanalo naman kami eh. Haha.
"Syempre nay. Ikaw inisip ko nung Q and A na eh." Biro ko.
"Jusko anak. Ano ba yung tanong?" Tanong ni nanay.
"Sino ba pinakamagandang nakilala niyo sa buong buhay niyo. Yun yung tanong." Sagot ko naman. "Chena lang nay, yung tanong kasi, ano daw ang unang pumapasok sa isip namin pag naririnig namin yung salitang love. Edi sabi ko family."
Binatukan naman ako ni Nanay. "Bakit nay?!"
"Eh gaga ka kasi. Maganda naman ako eh." Sabi niya. Natawa ako as in, grabe.
Hawak ko tiyan ko bago nagsalita. "Nay naman. HAHAHAHA!"
Natigil ako sa pagtawa nung nagring yung phone ko. Si Richard bibeh tumatawag.
"Hello? Ano? Lalabas? Libre mo? Sige ba. Teka bihis lang ako."
"Nay pwede ba-"
"Oo nak! Pwedeng-pwede." Sabi ni Nanay na nakangiting tagumpay. "Nak, kailan mo ba sasagutin si Richard?" Tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko.
"Nay naman, di naman nanliligaw yun eh. Kaibigan ko lang yun." Sagot ko. Pero sino ba namang hindi maghahangad na maligawan ng isang Richard Dean Rio na pangarap ng lahat?
Pagkabihis ko ay excited na akong lumabas. Di ko din alam kung bakit biglaan eh. Dati crush ko lang siya na lagi akong minumura at binabalewala, ngayon lumalabas na kaming dalawa lang at magkaibigan pa.
Napansin kong wala si Richard kaya nagjoke ako. "Mukhang wala na dito yung nag-ayang maglibre. Uwi nalang ako." Sabi ko at umaktong papasok sa gate.
"Uy teka eto na oh wag ka na umuwi." Panic niyang sabi bigla.
Hinarap ko siya. "Baliw ka talaga. Oh ano? Game na?" Tanong ko.
Tumango siya. "Game!"
Nagcommute kami papunta sa mall.
"Bayad po." Sabi ko sabay abot ng bayad ko.
"Hindiiii ako na magbabayad." Tutol niya.
"Ako na." Sabi ko naman.
"Hindi ako na nga sabi." Pilit niya.
"Ano ka ba Richard. Pang-isa lang yung binayad ko, kaya ibigay mo na yung bayad mo para di ka mapabas ni Manong Drayber. Dali. Kulit neto." Sabi ko tsaka ko kinuha yung baryang hawak niya tsaka ko binayad.
BINABASA MO ANG
Diary ng Pabebe (ON HOLD)
Teen FictionDiary ng pabebe na sa sobrang inis ni author ay ginawan niya ng story dito sa wattpad. © -horanosaur- 2015