Chapter 2. :)

42 2 2
                                    

"Anong oras matatapos ang klase mo sa hapon?" Tanong ni Kuya habang dinadrive ang sasakyang regalo sa kanya ni Papa after graduating ng highschool. On the way na pala kami sa school. Medyo malapit lang ito at 7:30 pa naman start ng klase ko. Kaya imposibleng malate ako.

"6:30 po. Bakit?"

"Aa. Sige sunduin nalang kita sa gate. Okay?"

"Kuya, I'm not a kid anymore. I can go home ALONE." Binigyang-diin ko talaga ang salitang ALONE.

"No more buts little woman." Sabay tingin sa akin ng there's-nothing-you-can-do look.

"Fine."

Saktong nasa tapat na kami ng gate. Hinayaan naman ng manong guard na ipasok ni Kuya yung sasakyan para dun ipaparada sa Parking lot.

Pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong na ni Ate Monique si Kuya Carl at niyakap ng mahigpit.

"Medyo PDA." Sabay tawa ko ng malakas.

"Pumunta ka na sa klase mo Ennyl. Mag-aral kang mabuti aa? Ang kakapal pa naman ng mga librong hawak mo. As if binabasa mo." Pambubwisit ni Kuya.

"Take care sweetie, have a nice day!" Sabay kiss sa chick sa akin ni Ate Monique. Kahit kailan talaga ay napakalambing ng babaeng yun. Kaya naman, gustong gusto ko siya para sa beloved kuya ko. :D Ahead si Kuya ng 2years kay Ate Monique at malapit na silang mag-one year. 

Naglalakad na ako papunta sa first room ko ng biglang may narinig akong tumili ng pangalan ko.

"ENYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYL!" Sigaw ng ever loyal best friend ko na si Rowena Clyde Estrada.

Siyempre, dinamayan ko na rin yung pagkaOA niya, tumili na din ako. :D "WEEEEEEEEEEEEEEENG!"

Binaba ko muna yung hawak kong book sabay yakap din sakanya. Classmate ko siya since highschool. Medyo four years na kaming friends. And guess what, pareho din kami ng course. Kaya alam kong makakasama ko siya palagi.

"Hoy, kamusta ka na Ennyl? Nagbakasyon ka pala sa Amerika kaya di kita macontact! Tapos di ka pa nag-oonline! Kakainis ka." Sabi ni Weng.

"Oo ee, nagpumilit kasi si Tita. Ee, gusto din ni Kuya, alangan tanggihan ko pa diba?"

"Kahit pa nga, sana nagtext ka manlang."

"Wag na magtampo. Bati na tayo."

"Oo na."

Medyo madami din kaming napagkwentuhan ni Weng. 7:00 palang. Pero papunta na kami sa room. Tumambay pa kasi kami sa Canteen.

Naglalakad kami ng may nakasalubong akong lalaki. Malamang nahulog librong hawak ko.

Pero sa halip na yung libro ang tignan ko, natulala ako dun sa lalaking nakabunggo sa akin.

Gwapo ito, maputi. Matagkad. Mukha siyang taga-States. Medyo singkit. At may mapupulang mga la------

"Bakit ka nakatingin ng ganyan? Tignan mo yung libro mo, nakabalandra na sa semento." Biglang sabi niya.

--------------------

A Heart Breaker Story. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon