Chapter Three

8 1 0
                                    

Chapter Three:

Sinabay na ako ni Kuya Hades papasok sa school. Isa lang ang school namin pero nasa left wing siya, college na kasi siya.

"Mag-iingat ka, Ree. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka ha?" ganyan ang paulit-ulit na paalala ni Kuya sa akin halos araw-araw. Tatlong taon ang agwat namin. Mabait si Kuya Hades sa akin. Kahit kailan ay hindi niya kinuwestiyon ang posisyon ko sa pamilya nila. Para sa kanya, magkapatid talaga kami ng buo. Si Kuya lang din ang may lakas ng loob na ipagtanggol ako mula kay Lola Corazon.

Tumango ako sa kanya. "Opo, Kuya. Ingat ka din." nakangiting sabi ko.

"Sige, alis na ako." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Gesture na gusto kong ginagawa niya sakin. Nilalambing niya kasi ako kapag ganun.

Tinanaw ko pa muna ang sasakyan niya na papasok sa parking lot ng college campus bago ako nagsimulang maglakad papasok sa gate. Walang parking lot ang highschool campus kasi bawal pa naman daw kaming mag-drive kaya balewala din. Ang mga may kotse at may driver ay hanggang gate lang talaga kaya maoobliga ka talagang maglakad para makarating sa classroom mo. Desiplina din daw ang tawag doon. Ewan ko ba sa kanila.

Hawak-hawak ko ang strap ng backpack ko ng mapahinto ako sa paglalakad. Nasa harap ko na halos ang Dean's office. Naagaw kasi ang pansin ko sa mga taong nandun sa labas.

May ilan-ilan din mga estudyante na nakikiusyoso kaya hindi ako nag-iisa.

"Welcome home, Rem!" masiglang bati ng babaeng naka-uniform din tulad namin, senior student din siya base sa tatak at kulay ng necktie niya. Siya si Erica Faye Montecillo. Pero mas kilala bilang Faye. Kilalang pamilya ang angkan nila dito sa lugar namin. At popular din siya kasi isa siyang model ng isang sikat na clothing brand. Maganda, mabait, sosyal at halatang mayaman. Madaming lalakeng nagkakagusto sa kanya pero alam ko na kung sino ang hinihintay ng babaeng ito, team mate ni Cyrus sa soccer.

"Tss. I've been here yesterday but you're not around." nakangusong sagot ng lalaki. He looks really familiar pero hindi ko matandaan kung sino ito.

"What?! Kahapon ka pa pala nakarating but you didn't bother of showing up your ass!" sabat ni Han na hindi ko napansin na kasama pala nila. She's Jehan Rue Yee. Kilala bilang Han. I know her, well actually lahat kilala siya dahil apo siya ng may-ari nitong Southford Academy. At sa pagkaka-alam ko, may kambal siya.

Wait. Don't tell me...

"Come on, Jehan. You're just my twin. Not my Mom." nakakunot-noong sagot ng lalaki sa kanya.

Natigilan ako.

Siya na ba si Jeremiah Roi Yee?

----

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang si Rem na yung lalaking nandoon sa harap ng dean's office kanina. Kaya pala familiar siya sakin.

Si Jeremiah Roi Yee. Kilala bilang Rem. Kambal siya ni Han. Dito din siya nag-aaral noon pero bigla ipinatapon siya ng Lolo nila sa Korea kasi sa sobrang tigas ng ulo nito. He's a baddass. Palaging sangkot sa gulo at napupunta sa Dean's office. Ginagamit kasi nito ang pagiging apo ng may-ari kaya ito palaging nakakalusot.

He has a circle of friends here before leaving. They're six in their group. At isa na dun si Faye.

I mentally face palm. Bakit ba di ko agad napansin yun? They were bestfriends for godsake! Syempre kapag bumalik na si Rem, si Faye agad ang unang sasalubong sa kanya.

----

Natigil ako sa pag-iisip ng may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko si Jam na nasa tabi ko na ulit nakaupo.

Could I Have This Kiss Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon