{ TBUP –28: Thank you }
--Scarlet’s POV--
Damn! Bad trip talaga ‘tong Chron na ‘to! Anong oras na ba?! Quarter to 8 na! At anong ginagawa namin? Tumatapos pa rin ng mga papers para sa Organization! Bad trip na! Gusto ko ng umuwi at magpahinga pero ayaw pa rin akong pauwiin nitong gagong ‘to. Watdapak! Nakakainis na eh! Kanina pa kami rito pero tambak pa rin ang gawain! Bwisit >________<
“Hoy! Anong oras ba tayo uuwi?! Hindi ka ba aware na malapit ng mag-8?!” Tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagsusulat.
“Ang dami-dami pang trabaho. Hindi pa pwedeng umuwi.” Seryoso niyang tugon.
“Eh paano naman ako?! Gabing-gabi na kaya!”
“Eh ‘di ihahatid kita. Kailangan nating tapusin ‘to.”
Ihahatid niya ako? Di ba ginagawa lang ‘yun ng mga nagliligawan or magboypren at girlpren? Aish! Nakakainis! These past few days palagi na lang kaming magkasama ni Chron –palagi niyang rason kasi raw secretary niya ako kaya dapat kung nasaan siya nandun din ako. What the hell ‘di ba?! Ano ‘yun yaya na ang dating ko?! Walanjo! Super duper mega ultra BAD TRIP!
Ilang sandal pa ay biglang kumatok si Manong Janitor.
“Mr at Miss, kailangan niyo nang lumabas sa campus. Ilo-lock ko na kasi ‘tong room at ‘yung buong school para na rin makauwi na ako.”
Oh yes! Makakauwi na ako sa wakas! Maraming salamat Manong! Maraming salamat because you saved me from this monster! Takte, kung hindi pa siguro dumating si Manong janitor eh baka mga alas dose na kami makakauwi. Yes! I’m free!
“Sige po Manong, bigyan niyo na lang kami ng 5 minutes para mahakot ‘tong mga trabaho namin.” Tapos tumango si Manong janitor.
Ay wait… MAHAKOT?! Di ba dapat iiwan dito ‘yan?! Damn parang hindi maganda ang kutob ko rito ah…
“Di ba dapat iwanan natin?”
“Hindi NATIN pwedeng iwanan ‘to.” NATIN?! What the hell? What do you mean?! “Itutuloy natin ‘to sa bahay namin. Kailangan ko na talagang matapos ‘to. Lagot na ako kay Mrs. Perez ‘pag hindi ko pa natapos ‘to. Baka tanggalin niya ako sa Student Council.”
Paawa epek? Wala! Hindi uubra sa akin ‘yan! Takte kailangan ko ng umuwi, okay? Kailangan ko pang gumawa ng assignment ko sa Chemistry at 800 words na essay! Kung para sa kanya, madali yun, pwes sa akin hindi!
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Teen Fiction"Break na 'yan sa Sabado!"