Darkness Six: Royal Dinner

41.1K 1.8K 460
                                    

Dedicated to Otacute-cute


~•~•~•~•~•~


Summer's POV

Sky Academy. Seriously? School pa ba ito? Ganda~ Iparenovate ko kaya ang school ko para maging ganito? Kaya lang baka ubos na ang yaman ko, gate palang ang naipapagawa ko. Hard.

"Ganda ng school namin, noh? Partida, gabi pa ngayon kaya hindi masyadong aninag ang kabuuan."-West
"Yeah, ansave ng school ko? CR lang yata nito yon"
"Ahahhaa grabe ka din sa school mo"-west

"West, pwede bang ikaw na ang magturo kay Summer ng kwarto nya? Magka floor lang din naman kayo dahil kasama na sya sa Elite Circle"-dad
"Saan ka pupunta Dad?"
"May kailangan lang akong asikasuhin sa opisina. But don't worry, we'll have a dinner later" he said smiling

Tumango nalang ako ng nakangiti hangang sa makaalis na sya papunta sa isang building sa bandang kaliwa. Inaya na rin ako ni West at nagtuloy na kami sa isa pang building na may kalayuan dito sa entrance.

"Ito yung building ng mga Dorm" sabi ni West pagkapasok namin sa parang lobby o receiving area

Grabe talaga ang structure ng mga building dito, I wonder kung sino ang Architect? I swear ang galing nya, napaka pulido ng designs ng buong lugar, may pagka Greek nga eh. Tapos may mga kung ano anong paintings pa na nasa pader, may mga tao at may lugar din.

"Yung mga taong nasa painting ay yung mga importanteng tao dito, yung mga may nagawa nang maganda para sa Sky. Kita mo yung pinakamalaking painting?" Turo nya sa painting ng lalaking may makapal na balbas at brown na buhok, mukhang masungit at maotoridad "Yan si King Sky Gemstone, ang kaunaunahang hari ng Sky. Obviously, sa kanya ipinangalan ang Sky."
"Akala ko Sky ang pangalan ng lugar na ito dahil sa nasa langit"

Sumakay na kami sa elevator na kulay ginto at pinindot nya yung 6. My gash. Pati elevator mamahalin?

"Yung 2nd at 3rd floor ang dorm ng mga babae, 4th at 5th sa lalaki at ang 6th floor naman ay sa atin"
"Buong 6th floor? Ang laki naman yata"
"Malaki talaga, parang isang condo unit na yung kwarto natin, kagaya ng sa mga teachers"

Ayos ah, special treatment. Pagkarating namin sa 6th floor ay itinuro nya sa akin yung kwarto na may pangalan ko na agad, di naman sila ready noh?

Summer Diarnhey Sylvan

"Bakit Sylvan? Harrisburg ako" reklamo ko
"Pinapalitan na yung apilyido mo ng gaya ng kay Headmaster Dylan, middle name mo nalang yung Harrisburg. Sige na, maligo ka na then dress nicely okay? Nagpadala na sila ng damit natin, nanjan yun sa kama mo." Paalala ni West
"Kailan ba ako hindi nice?" Biro ko
"Hmmmm" inilagay nya ang hintuturo nya sa baba at tumingin sa taas na aktong nagiisip "Mga every minute lang naman, ay every second pala"
I slap him lightly and laugh "Loko!" Then get himself inside his own room

Napansin ko na nasa dulo ang room namin, sya sa kaliwa ko then katapat nya yung may pangalan ng Prinsipe na katabi naman yung kay Night. Magkatapat kami ni Night! Hihi
Sa kanan ko naman ay may mga kwarto pa na bakante, nasa walo pa yata. So bale 20 lang ang kwarto dito sa floor namin.

Pinasok ko na yung kwarto ko at natuwa ako kasi halos lahat ng mga gamit ko ay kulay sky blue at black, which is my favorite color. Maging yung kwarto ko ay ganun din, kahit papaano I feel at home, halos ganito kasi yung kwarto ko sa mansyon.

Magugustuhan mo rin ang

          

Naligo na ako at nagayos na rin ng sarili para magmukha naman akong presentable sa first dinner ko with my Dad, late dinner na pala ito kasi almost 10 pm na.
Tiningnan ko ang reflection ko sa full length mirror ng walk-in closet ko na walang laman haha, I'm wearing a white dress na long sleeves at above the knee at tinernuhan ng white wedged sandals na nasa 4 inches siguro. Yung buhok ko naman ay hinayaan ko lang na nakaladlad sa likod ko, medyo bumabackless kasi itong damit.
Napangiti ako sa nakita ko sa salamin, ang sexy ko na nga, maganda pa! Haha Partida wala akong make-up nito.

Ilang saglit lang ay may kumatok na sa pinto, si West. Pagbukas ko ay napangiti nanaman ako sa kagwapuhang taglay nitong kaibigan ko, naka black tux sya, parang men in black.haha

"Gwapo natin ah!"
"Ang init nga eh, ayoko talaga ng formal formal na ganito!" Reklamo nya habang hinihila paluwag yung neck tie nya

"Bakit kasi yan ang suot mo? Kakain lang naman tayo" Pinanliitan nya ako ng mata na para bang hindi sya makapaniwala
"Kasama kaya si Headmaster! At isa pa, ito yung damit na hinanda nila sa kama ko"

"Oh kalma lang, tara na nga. Saan ba tayo?"
"Sa garden nitong school, nagpahanda daw sila doon"

Garden dinner? Ansabe!

Nagumpisa na kaming maglakad kasi sabi ni West eh medyo malayo daw dito yun.

At hindi sya nagkamali, ang layo kaya! Wala manlang bang sasakyan dito? Mygash. Baka mukha na akong dugyot.

"Ang layo naman!"
"Bawal ang sasakyan sa loob ng school, required maglakad. Wag kang tamad, malapit na tayo"
"Malapit eh kanina pa tayo lakad ng lakad, ang sakit kaya sa paa mag heels. Try mo!"
"Ihagis kaya kita para hindi ka na magreklamo?" At ang sama po ng tingin nya. Scary.
"Hindi, ang sarap nga maglakad eh"

"We're here" he finally said after I think 20 minutes of walk
"Nice" puri ko

Maganda kasi. Simple yet elegant. So candle lit dinner pala ito?

"Buti dumating pa kayo?" Bungad sa amin ng prinsipe

Nandun na sya nakaupo katabi si Night, mukhang inip na inip ang munting Prinsipe=_= Di nalang sya umuwi.
Umupo na rin kami ni West, hihintayin pa daw ai Papa.
Nakakainis nga eh, tumabi si West kay Night, gusto ko kayang katabi ni Night. Kaya ang nangyari naging katapat ko ang munting Prinsipe, paikot kasi yung lamesa.

"Oh? Buti buhay ka pa?" Pang aasar ko sa kanya. Nakakairita talaga ang existence ng nilalang na to.
"Tuwa ka naman? Nasilayan mo ulit ang kagwapuhan ko." sagot nya
"Tinamaan ka ba kanina sa ulo? Ang lala mo na eh, kawawa ka naman."
"Ikaw, may problema ka ba sa mata at hindi mo maappreciate ang mukha ko?"
"

Ano namang ikaka appreciate ko sa mukhang yan?"
"Arggh! Panira ka talaga ng araw noh? By the way bagay sayo yang damit mo, mukha kang white lady"
"FYI gabi na ngayon. Tingnan mo naman yang sayo, T-shirt inside a formal suit?"
"Paki mo? Sa mainit eh!"

"Guys, stop. Nanjan na ang Hari at Reyna at ang Headmaster" suway ni Night

Sa sobrang pagka asar ko sa Aeon na to hindi ko na tuloy napansin ang Night my labs ko, kailan kaya kami maguusap na kaming dalawa lang? Hayys ang gwapo nya talaga, mapa gabi o araw. Ang puti puti nya kasi!

Pero wait wait wait, sino daw ang dadating?

"Akala ko si Headmaster lang?"-west
"Sumama si Papa at Mama, gusto nilang makilala ang anak ng Headmaster"-aeon

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon