I: Cas

2 0 0
                                    

Farra Yhen♥: Hapon, maulap at masasabing maganda ang panahon. Ang magbestfriend "daw" dati na si Ash at Cas ay naghahabulan sa hardin.

ASH POV

" Ahahahahaha ! Ash habol ! Ang bagal mo para kang lolo ! Ahahaha. "

"Hoy hindi ako lolo ! Akin na yang Sketch pad ko ! Di pa ako tapos !"

Grabe ang bilis niya talagang tumakbo. Di ko siya mahabol.Hinahabol ko siya ngayon kasi kinuha niya yung sketch pad ko. Andito kami ngayon sa Garden, sa likod ng bahay nila. Medyo malaki dito kaya nakakatakbo kami. *hingal*. Napahawak na ako sa tuhod ko kasi napapagod na ako. Diba siya napapagod ? She stop and stare at me for a second and,

"Oy ano suko ka na ? Suko na si Lolo ! Suko na si Lolo ! Lalala lalala .Hahahaha. "

Kanta niya habang winawagayway ang sketch pad ko. This girl is very beautiful. May mga bumabagsak na maliliit na dahon sa buhok niya pero kusa itong dumudulas pababa.Woah ! O.O Ang mga mata niya parang mata ng isang anghel. Di ko mapigilan ang sarili kong mapangiti sa nakikita ko. :)

Lumapit siya sa akin at ibinalik ang Sketch pad ko. Pumunta siya sa ilalim ng puno at umupo sa ugat nito na naka angat sa lupa. Sinundan ko siya at umupo narin dun.

"Nakakapagod pero masaya. Uy Ash, sa susunod na araw o kaya bukas ayain mo uli yung Dad mo na pumunta kayo dito." nakangiti niyang sabi sakin.

"Paano pag ayaw ko ng pumunta dito kasi tinatawag mo akong lolo ?" Nagpout naman siya agad bigla.

"Ayaw mo na ba ko makasama Ash ? Joke lang naman na lolo ka eh." Bigla niyang pinisat yung ilong ko. Sadista. ><

"Oo na sasabihin ko na kay Papa. Asus, gusto mo lang akong makasama eh. Ayieeeee may gusto siya sakin ! Ayiee." Pagbibiro ko sa kanya habang tinutusok ko yung pisngi niya.

"Baliw ! Syempre mag bestfriend tayo noh !"

"Ahahahahaha, defensive ! May gusto nga siya sa akin !" Nakakatuwa siyang asarin kasi namumula yung pisngi niya kapag naiinis. Lalo siyang gumaganda.

"Che ! Bahala ka nga diyan !" Tumayo na siya at naglakad papalayo. Sinundan ko siya saka inakbayan.

"Eto namang napaka cute na bestfriend ko di mabiro." Ngumiti lang siya saka kinurot ako sa braso. Napasigaw naman ako sa sakit.

"Ahahahahahaha, habulin mo uli ako lolo ! Ahahaha."

"Ahh ganun ahh ! Humanda ka sakin pag nahuli kita !" sigaw ko sa kanya at nagsimula nang tumakbo.

Ako si Aaron Shean Houghton. Also known as "Poging Ash". Hahahaha. 17 years of age mas bata lang ng dalawang taon sa diyosa na nakikipag habulan sakin kanina pa. Siya si Charlene Afy Soriano also called as "Cas". A beautiful girl na napaka kulit.

My Dad and her daddy are classmates in highschool. Kaya naging magbestfriend narin kami ni Cas. Una, palagi kaming nag aaway pero sa huli nagkabati din. Kapag pumupunta si Dad dito sa bahay nila Cas ay sumasama ako para makita ko rin ang bestfriend ko.

Aaminin ko sa inyo mahal ko si Cas. Higit pa sa pagiging mag bestfriend. Di niyo ako masisisi, she has the beauty, kindness at higit sa lahat napaka lovable. At kahit sobrang kulit niya, I can't help it but to like her. Hindi lang ata like, love ko na siya. Di ko alam kung kailan, basta ang mahalaga ay ang ngayon at kung ano tong naradamdaman ko.

Oo na torpe na ako. Mahirap para sa akin na sabihin ang nararamdaman ko lalo na at mag bestfriend kami. Alam niyo na, mahirap na at baka magbago siya. Ayokong layuan niya ako. Kaya mas mabuti nang wag muna sabihin sa kanya. Ang hinihiling ko lang na sana kapag sinabi ko na sa kanya ay walang magbago. Kung magbabago man ay isang magandang pagbabago. Masaya ako na maging bestfriend niya. Nakakasama ko siya lagi. Nakakausap ko siya. Nagtatawanan kami. Blessed na ako dun kasi kapiling ko ang babaeng mahal ko.

WAITING FOR YOU (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon