Chapter 44 - Distance

560 14 0
                                    

Naglalakad lang akong mag-isang tahimik nang, " Nadine! " may biglang tumawag sakin. Napalingon ako.

" Ericka..? " Ngumiti ako, bakas ang gulat sa muka ko. Nakapila silang dalawa sa isang isang water sport. Haist, syempre kung nasan si Ericka ay nandoon din si James. Bakit pa ako napadaan dito, naman oh.

Mismong si James din ay halatang hindi komportableng nagkakausap kami ni Ericka.

" Wanna hop in? "

" Ay, hindi na- I mean.. No, thank you. I-I gotta go. " Pagkasabing-pagkasabi ko ng mga yon ay tumalikod na ako at naglakad paalis. Hindi ko na hinintay pa ang sagot o ang reaksyon nila.

Huminga ako ng malalim.. Magpapahinga nalang muna ako sa cottege ko.

...

Tanaw ko na ang cottege ko mula dito sa kinatatayuan ko. Grabe talaga, hindi naman ganon kalayo ang nilakad ko pero init na init na ako, pawis na pawis. Ek!

Pinunas ko ang noo at leeg ko gamit ang likod ng palad ko. Napakaini- Shit!

" Nadine! " Bigla-bigla nalang lumilitaw sa harapan ko tong si Sia. Jusko, nakakagulat!

Napahawak ako sa dibdib ko, " Oh? May problema ba? Bakit hingal na hingal ka? "

" Wa.. * Heavy breathing * Wala naman.. * heavy breathying * Nanggaling lang naman ako sa kabilang dulo ng mund- Este, kabilang dulo ng.. * Heavy breathing * Resort! " Ewan ko pero natawa tuloy ako sa sobrang hingal at pagod niya. Psh.

" Anong nakakatawa? " She frowned.

" Ano ba kasi yon? " Pinigilan ko nalang ang tawa ko.

" Nakahiram kami ng volleyball doon! Tara, dali! " Hindi pa ako nakakapagsalita nang hatakin na niya ang kamay ko at kaladkarin ako papunta sa kung saan. Teka, hindi pa ako nakakalapit man lang sa cottege ko, may tumangay na sakin!

...

" Volleyball? "

" Oo, volleyball. Muka ba itong badminton? " Pilosopong sagot ni Sir Pit.

" Maglalaro tayo ng volleyball? "

" Ah, so gusto mo magtitigan lang tayo dito. " Natawa ako, " Sir Pit naman eh. " Ang hyper-hyper, tanghaling tapat.

" Pero po.. College pa po yata ako nang huli akong maglaro- Ay! " Kahit na biglaan ay nasalo ko parin ang hinagis nila saking bola. Akala nila ah.

" Okay lang, ano ka ba. Kami nga hindi rin naman masyadong marunong eh.. Normal lang. " Sabi ni Sir Pit habang naglalakad papunta sa kabilang side ng net kaya napilitan narin akong pumwesto sa harapan nila.

" Okay, ito na. 1.. 2.. " I bended my knees and positioned my arms.

" 3! " Like a normal service, ay nagawa naman niya ng matiwasay at maayos.

Hinabol ko lang ang bola nang nakatutok lang dito. Waaah!

" Ha! " I recieved the ball. Nailipat ko siya ng net at.. At.. Nagtagumpay ako! Hindi nila nasalo ang bola! It touched the floor.

" Yeees!!! " Hindi ko akalaing kaya ko pang maglaro ng volleyball, wooh! Sa sobrang saya ay napasayaw pa ako ng hindi ko malaman-lamang mga dance moves ko. Saan nanggaling yun?

" Kung makasayaw ka diyan, first score mo pala- " Dinig kong natigilan siya pero hindi ko lang yon pinansin.

" I wooon, I wooon, I wooon. " Busy ako sa pagsasayaw ko. My victory dance!

" Victory dance! " Then I even did twirls with my feet. (More like a moonwalk na pa-sideways)

" Uh.. "

Do the victory dance! " Ah-huuuh, ah-huuuh. " I danced even more.

" Nadine. "

" Bakit? " Bakit parang muka siyang nakakita ng multo? Nakaharap naman siya sakin.. Muka ba akong multo? Imbis na sumagot ay ngumuso lang siya.

" Ano? " Kumunot ang noo ko. Ano ba yon, may sasabihin ba siya?

For the second time, hindi parin niya ako sinagot. Pinandilatan niya ako ng mata.

Di kaya..

Unti-unti akong lumingon..

Nang makita ko na ang kanina pang tinuturo sakin ni Sir Pit ay nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ako nakagalaw.. Sa hiya.

" Nice dance moves you got there, Nadine. " Nakangising sabi ni James.

" Hehe? " I just gave him a sarcastic smile.

" Alam mo, you're such a cutie. " Dahil sa sinabing yon ni Ericka ay pasimpleng tinakpan ko ang pagmumuka ko sa hiya at lumapit kela Sia.

Pagtalikod ko sa dalawa, " Nakakahiya. " I mouthed to Sir Pit.

" This seems a lot of fun.. Can we join? " Maligalig na tanong niya.

" ... " There was a long pause. Shit, bakit walang nagsasalita.

" S-sure, sure. " Sagot ko nalang habang nagkakamot ng batok. Bahala na.
Silang dalawa ang kalaban namin. Two versus three.

" Kayong mauna. " I rolled the ball to them.

" I'll serve, babe. " Sabi ni James kay Ericka bago damputin ang bola sa sahig.

Well, when we were in college naman, we used to play volleyball paminsan-minsan. Kaya alam kong kahit papano ay marunong siya.

Officially Yours Where stories live. Discover now