3
Pagkatapos kong umubo dahil sa biglaang pag inom ng tubig nung nalaglag kami eh napangiti ako.
"Sira na ang phone mo. Hahaha. Saklap!" Sabi ko.
Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa bewang ko.
Wait! Hindi ako marunong lumangoy!
"Oy--blub--blub--blub, di ako--blub--blub, marunong lumangoy!" Sabi ko na pilit pinapalutang ang sarili ko pero kumulubog pa din.
"Alien ka ba?"
Talagang tiningnan lang niya kong lumulubog, lumilitaw noh?
Hinawakan niya ang braso ko at hinila pataas.
"Itapak mo yung paa mo, wag mong ikawag para kang palaka"
Mapanglait na nilalang! Hmp! Hindi dahil sumama ko sa kanya eh close na kami. Akala ko ba naman Mr. Nice guy 'to.
"Hanggang dibdib ko lang ang tubig. Di ka malulunod kaya itapak mo na ang paa mo"
Huh?
Sinubukan kong itapak ang paa ko at shet! Nakakahiya. Mababaw lang pala ang tubig. Nagmukha akong ewan dun.
Tawa naman ng tawa si Kaizer.
Inirapan ko nga.
"Hahaha. Comedy ka! Sayang walang dyario"
"Eh kung ikaw kaya ang hampasin ko ng nirolyong dyario" naalala ko yung phone niya. "Wala ka ng phone" sabay ngisi.
Pero ngumiti siya ng nakakaloko. Tinaas niya ang phone niya at in-open. Umilaw.
"Water resistant" pagmamayabang niya.
"Hay, kainis! Basta wag mong ipo-post yan. Yari ka sakin" sabi ko at lumapit sa falls. Ang lamig ng tubig. Nakaka relax yung tunog ng tubig. Wala pang gaanong tao kasi weekdays. Parang solo niyo yung lugar.
Si Kaizer naman ayun, lumalangoy malayo sakin. Good. Bahala siya sa buhay niya, malaki na yan.
Ninamnam ko ang malamig na tubig.
This is life!
Walang stress, malayo sa daily routine, at nagagawa mo ang gusto mo.
Pumikit ako at pinakinggan ang tunog ng tubig. Mayamaya may nagpisik sa mukha ko ng tubig.
Dumilat ako.
Sino pa nga ba?
"Panira ka ng moment" sabi ko
"Akala ko natulog ka na" nilahad niya ang kamay niya "turuan kitang lumangoy"
"Baka ilunod mo pa ko"
"Wag ka ngang OA, mababaw lang dito. Kahit bata kaya to eh"
Tsk. Pagbigyan. Kinumpara ko sa bata eh. Nakakahiya naman.
Pinakapit niya ko sa bato tapos ipaddle ko daw yung paa ko. Tama ba yung word na 'paddle'? Haha.
"Hindi ka ba nagsu-swimming? Ba't hindi ka marunong lumangoy?" Tanong niya habang inaalalayan ako.
"Alam mo yung ironic? Pinanganak ako sa lugar na laging binabaha. Naliligo pa nga ako dati sa baha eh lalo na pag umuulan. Pero hindi ako natutong lumangoy"
"Pag pala mas mataas pa sa height mo ang tubig, malulunod ka na. Kawawang Pau. Namatay dahil hindi marumong lumangoy"
"Oo na"
After non tinuruan niya kong lumutang. Shemerut! Ang dalas lumutang ng utak ko pero hindi natutunan ng katawan ko. Haha.
"Ayan. Tama" sabi niya nung medyo nakukuha ko na.
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?