Chapter2

31 1 0
                                    

Not so Happy Marriage

Chapter2

Breaaaktayyyymm..

“Ano nga nangyari?” pangungulit ni Belle sakin. Nagpapakwento sya tungkol dun sa‘kagabi’ daw.

“Wala nga! Ganun pa din! Naihi ako, may mga babae sa bahay, natulog ako sa C.R, YUN LANG!” Pasigaw kong sinabi lahat yun. Maingay naman sa hallway kaya walang makakaitindi sa mga pinagsasabi ko.

“Aahh~  sure ka ah? Wag mag lihim friend..”

“Loka! Kelan ba ko nag lihim?” pinalo ko pa sya sa balikat.

Bukod sa family ko at family nya. Wala ng nakakaalam aboutsa marriage naming. (Syempre alam din ni Belle) Wala pa kasi ako sa legal age. 17 ako 19 naman sya. Nag stop ata sya ng pag-aaral kaya sabay tuloy kami ng ngayon.

 13 years old ako nung ikasal kami, kahit may-isip na ako noon, hindi ako nagreklamo o kahit na ano, hinayaan ko na lang sila mama at papa ang mamili ng makakasama ko sa buhay, alam ko namang parents knows best at hindi nila ako ibibigay sa isang walang kwentang tao. Nagtiwala ako sa magulang ko dahil wala din naman akong maisip na gusto ko sa isang lalaki, paano ako makakahanap ng magiging asawa kung wala akong gusto sa lalaki diba? At isa pa, kultura na sa family ng dad ko na ipakasal ang kanilang mga anak sa pinakamainam na tao na makakasama nito, paniniwala nila iyon, may lahing chinese kasi si papa kaya ganon.

Para sakin wala lang ang lahat, bata pa naman ako at pwede pang mag enjoy sa buhay, sinasabi ko lagi sa sarili ko na huwag munang isipin ang buhay may-asawa kahit may asawa na akong tao. Pero nagbago lahat last year, pagtapos ng 16th b-day ko niregaluhan ako nila mama ng isang bahay, nung una masaya dahil sweet sixteen pa lang bahay na ang regalo sakin (paano pa pag nag debut ako diba?) pero hindi ko alam na magsasama na pala kami ni Dan sa isang bahay, at yun ang bahay na niregalo sakin nila mama,papa at pati parents nya.

“Uy ayan na yung honeybunch mo.” Siniko siko pa ko ni Belle, if i know, patay na patay din tong bestfriend kong to kay Dan eh.

“Honeybunch your face.” Kinagat ko na yung sandwich na binili ko. Tumongo para hindi nya ko mapansin.

Expected madaming naglalaway kay Dan. Iniisip ko nga siguro sisikat ako kung malalaman nilang kasama ko sa bahay ang kanilang ‘One and Only Dan Neil Vergara’, at yayaman pa ko kung magbenta ko ng mga gamit nya.

Ballpens (no ink) – Php 150.00

Shoe Lace – Php 950.00

Socks – Php 1,500.00

Undershirt – Php 4,500.00

Shirts – Php 6,500.00

Underwear – Php 100,000.00

Wahihi diba? Yaman ko nyan.

“Oy tumungo ka nga Makita tayo nyan eh!” sigaw ko kay Belle, maingay sa café kaya hindi naman maririnig yun.

“Bakit naman? Yun nga gusto ko eh!” halos mabilaukan naman ako sa sagot ni Belle. Binato ko nga ng candy sa mukha.

“Walangya ka talaga! Tungo na!” tumungo naman sya, natawa nga ako nasaktan ata sya sa pagbato ko sa mukha nya.

Nakalagpas din naman agad si Dan samin, Hindi nya siguro ako napansin, kasi Kung napansin ako nyan mag ‘tsk’ yan for sure.

Wala lang naman sakin yun. Mag-asawa lang kami sa papel. No hard feelings, hindi kami magkaaway neither friends. As-in wala talaga he’s just somebody that i know lang. dinedescribe ko pa nga yung relationship naming na parang dun sa Sims2 sa phone ko (Sims2 laro yun).

Not so Happy MarriageWhere stories live. Discover now