Chapter 15

2 1 0
                                    


"ANO TOH?" Pasigaw na tanong ni Hanayo habang tinitignan naming yung mga posters na nakalagay sa Gate namin at kahit saan na yata makikita mo.

"SHOWDOWN?" tanong din ni Faith

"Parang narinig ko na din to" bulong ko sa sarili ko.

Habang tinitignan naming yung details. "Saint Therese VS. PDMHS? Seriously?" bulong sakin ni Faith.

Narinig naming na may nag-uusap din tungkol dito. "Grabe, ang balita ko yung St. Therese daw magagaling lalo na sa KPOP and HIPHOP dances." Girl 1 "Sa pagkakaalam ko din, isa sa member si Patrick Mitzell." Girl 2 "Anong member!? Siya na nga yung leader eh!" Girl 3 "Tapos ang pogi pogi niya pa. Manonood talaga ako nito para makita ko si Patrick" Girl 2.

Lumingon lingon ako kahit saan. At nakita ko kaagad sila Ken at JP na lumapit saming tatlo. "Alam niyo ba kung sino ang may pakana nito?" Naiinis na tanong ni JP saming tatlo. "Hindi" sabay naming sabi.

"Parang alam ko na." sabi ni Ken. Siguro yung tinutukoy niya yung tumawag sa kanya? Agad namang nag ring yung phone niya at sinagot niya din kaagad. "Ano toh Patrick? Kailangan bang agaran mo ng ipaalam sa buong campus?" tanong niya don sa kausap niya. "Kahit kailan talaga Patrick. Tignan nalang natin kung hanggang announcement lang ang kaya ng grupo mo." Sagot niya ulit. "We'll see." Agad niyang pinatay yung tawag.

"Ano yun bro?" tanong ni JP.

"Si Patrick, siya may pakana nito." Sagot ni PJ

"Patrick? Yung Mitzell?" tanong ulit ni Jp

"Oo." Naiinis na sagot ni Ken. Napabuntong hininga naman kaagad si JP.

Nakita ko naman kaagad si Mike na papalapit samin. Na agad namang ngumiti sakin atnag wave, napa wave din ako. "Good Morning guys!" bati niya samin. Agad naman siyang napatingin don sa poster. "A-anong meron dito?" nagtatakang tanong niya

"Showdown bro!" sagot ni JP. "Pakana nong kanong si Patrick." Pahabol ni JP

"What the, si Mitzell?" tanong ni Mike.

"Yeah, that bitch" natatawang sagot ni JP

"Teka! Ba't kayo kilala niyo si Patrick? Bakit kami hindi." Tanong ni Faith kila JP

"Ano ka ba babes! Wag mo na siyang kilalanin. Tsaka mas pogi naman ako don kahit wala akong Half Genes ah" pagmamalaki ni JP. Agad namang napapout at lumapit si JP kay Faith at umakbay. "Una na kami guys!" Naglakad silang dalawa papalayo samin.

"Hayssss, nakakainggit silang dalawa noh?" tanong ni Hanayo.

"Wag mo na silang pansinin Hana" natatawang sagot ni Ken sa kanya.

"Oh may klase pa tayong lahat diba?" singit ni Mike sa usapan.

"Ah, oo. S-sige mauna na kami sa inyo!" sagot ko sa kanila Mike, at agad kong hinila si Hanayo papalayo na alam kong kinikilig.

"Narinig mo sinabi niya?" tanong niya sakin habang papasok kami ng room.

"Oo naman, Kinilig ka na non?" tanong ko sabay di na siya umimik. Nadatnan ulit naming yung klase na magulo. LAGI NAMAN EH.

----------------------------------------------------

"Ibig mong sabihin, yung grupo ni Mitzell makaka-showdown natin?" tanong ni Jordan habang nagpapaliwanag pa si JP

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon