Unmasking XXIII

1.7K 52 3
                                    

-E F F I E-

Natuon ang paningin ko sa pagpasok nina Casper at Sebastian sa pinto ng office ni Deo.

"Hay naku! Umagang-umaga talak nang talak yang CFO na yan ha! Akala mo naman eh kung sino." Sebastian giggled from what Casper said.

We're waiting for Deo bago magsimula ang meeting. Hinahatid niya pa si Lisha sa University. Azul is on his mission right now kaya hindi namin siya kasama. Ilang saglit pa ay tinawag na kami dahil magsisimula na ang board meeting.



As expected, Deo was late. He didn't bother though. Walang ganang inagaw niya ang spotlight nang pumasok siya ng meeting room habang may hawak na tasa ng kape.

"Shareholders are pulling out and you're not doing anything!" George Williams, the CFO, shouted. Ang sakit talaga sa tenga ng boses niya.

Hindi gumalaw si Deo at prenteng nakaupo lamang ito habang sumisimsim ng kaniyang kape.

Bored na bored na ako sa aking nakikita. Isa ako sa mga shareholder ng CGC as well as Casper and Sebastian kaya kami nandito. Azul's parents are board of directors.

"Mr. Williams, sa tingin ko ay mas maayos kung kakalma ka muna." Puna sa kaniya ni Mr. Saledo. Masamang tingin ang ibinigay ni Mr. Williams sa kaniya.

"How can I calm down? This kid can't handle the whole company the way his father did!" Some of the shareholders gasp from what they've heard.

Napansin ko ang pagtalim ng mga mata ani Deo. Mr. Williams is hitting below the belt.

Tumikhim si Deo at natuon ang lahat ng atensiyon sa kaniya.

"I'm sorry for that Mr. Williams." He paused for a bit at saka tumango kay Dailene. Dailene handed everyone folders containing his plans.

"As you can see, some of our shareholders are pulling their shares out with the reason na wala na si Theodore Carson. They are all pulling out because some of them—of you, still don't know me. Am I right?" ang ilan sa mga kasama namin sa loob ng silid ay sumang-ayon sa sinabi niya.

"Who are you by the way? And bakit niyo hinahayaan ang batang iyan na guluhin ang meeting natin?" one of the new board of directors ask. Deo smirked.

"See, Mr. Williams?" natutop ang bibig ni Mr. Williams dahil doon.

"And as for you mister, let me introduce myself..." he stood up and fix his suit.



"I'm Thaddeus Andrei Carson, your future boss."





-L I S H A-

Agad kong niligpit ang mga gamit ko nang matapos ang aking huling klase. As usual, wala akong kasabay sa mga kaibigan ko. Dolly and Jaimie is still in their class. Si Mitch and Albert ay kanina pa tapos ang mga klase at malamang sa malamang ay nagde-date na sila sa kung saang lupalop ng mundo.

I walk myself through the hall way. Mula sa building na ito at nasilayan ko na naman ang Aster Building na tinatapos na lang pinturahan.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad nang mapansin ko si Orien na kalalabas lang mula sa Aster Building.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon