Kakainis yung pangyayari nung saturday! parang halos saturday at sunday night ko hindi ako makatulog kaya ang sakit ng ulo ko at puyat.Hindi kami nagpapansinan ni bes dahil sa nagawa nyang mali.hayss
Baka imention yung pangalan ko ni ma'am dahil parang problemado yung mukha ko......
"Michaela!....bakit parang problemado ka dyan!" agad na sigaw ni Ms.Ramirez.
"Hindi po ma'am....may iniisip lng po ako" agad kong sabi kay Ms.Ramirez.
"Cge....maupo ka na!" sabi ni Bb.
Si Ms.Ramirez ang pinakamabait na guro sa Grade 7 kaya love ko itong teacher na ito! ^_^....Paano na kaya si bes ko??? mapapatawad ko na ba sya??? hayss.
"Kawawa naman itong kapatid ko mukhang puyat at kulang sa tulog....ito kasi si Christine ehhh nadagdagan tuloy yung problema ni Micha!" sabi ni Michael.
Walangya kasi si Christine na ito ihhh...bwisettt!...kainis naman tong bes ko! Sa dami daming lalaki dyan pwedeng landiin...si Nix pa yung napili nya!...hayss.
"Micha! kain na tayo!" aya ni Nicole.
"Micha....nabalitaan ko daw na nagaway kayo ni Christine....ano ba nangyare sa inyong dalawa???" agad na tanong ni Nicole.
"Basta Nicole!....wag mo na alamin...kaming dalawa lng ang nakakaalam kung bakit kami nagaway! :( " emotional kong sagot.
"Cge Micha! alis na ako....kung gusto mo lng may kausap andito lng ako ^_^ " sabi ni Nicole.
toot toot
From: bes kong baliw
Micha sorry na uy!....kung nasaktan man damdamin mo..sorry na please! Micha naman Wawa Zoned ka nanaman dyan....basta sorry na talaga.
Nagtext naman itong bwisettt! kong bespren...hayss bakit ayaw nya sabihin sa akin ng personal...nagtext pa sya...sayang ang load nya...mareplyan nga itong bwisset kong bespren.....
To: bes kong baliw
Hoy Christine...hindi mo ako makukuha sa patawad...kasalanan mo dahil sinaktan mo damdamin ko...bahala ka dyan lumuhod sa tapat ko para mapatawad mo lng kita....hahaha!!!
"Micha! Hi!" sabi ng isang ka section ko.
"Hello! anong name mo???" agad kong tanong.
"Ako pala si AJ! Citrine din section ko :) FYI bakla ako" sabi ni AJ.
"Pwede ba kita maging baklang bestfriend???" agad kong tanong.
"Pwedeng Pwede!!!! ito pala phone no. ko...." agad na sagot nya.
"Papangalan kita sa phone....bes kong bakla!" pangaasar kong sabi.
"Ikaw papangalan kita sa CP ko bes kong ganda!" sabi ni AJ.
"Cge baks! andyan na yung bes kong baliw!" sabi ko
"Kita na lng tayo kapag dismissal na!" sabi ni baks.
"Micha!...sorry na uy!!! patawarin mo na ako!" emotional na sabi ni Christine.
"Che! hindi mo ako mkukuha sa ganyan!" pagalit kong sabi.
"Baks!!! alika na....iwan na natin si Christine!" sabi ko kay baks.
Pagkatapos ng 3 oras.....uwian na...hayss andyan na pala si mom at yung kotse....salamat dahil may bago na akong bestfriend...yay!....see you tomorrow Baks or AJ!!!.....