Chapter 1 - Sinong mas maganda?
VINA's POV
"Bakit ba ang tagal ni Kelly?! Kanina pa tayo dito a!" Inis na sigaw ko habang hinihintay ang trente minutos ng late na si Kelly.
"Vina kalma hahaha lumalabas na yang ugat sa leeg mo." Pang aasar na turan ni Max sakin ngunit naiinis na talaga ko.
"Eh kung pilipitin ko kaya iyang leeg mo?!" Sigaw ko kay Max na medyo napaatras. Badtrip kasi eh.
"Oy Vina wag mo naman sigawan ang boyfriend ko" pag awat ni Chelsey matapos kong sagutin ang manliligaw niya. Wait tama ba dinig ko? Boyfriend?!
"BOYFRIEND?! KAYO NA BA NI MAX?!!!" Gulantang na sigaw ni Jonas. Napansin ko rin na napatingin na ang iba namin kabarkada kay Chelsey dahil sa sigaw ng boyfriend kong si Jonas. OA kasi makasigaw eh.
"Oo kami na Pareng Jonas, bakit? " seryosong sabi ni Max na ikinatigil ni Jonas. Mangyare ay naoffend si Max dahil sa OA na pagkasigaw ng boyfriend ko.
"Ah wala naman. Eh kasi parang kahapon lang nagliligawan lang kayo. Hindi ko naman inexpect na kayo na pala ngayon. " mahabang litanya ni Jonas na ikinairap ko lang. Dahil sa badtrip talaga ko kay Kelly.
Napalingon ako kay Reca at Dan na nakatingin lang kila Max. Napakatahimik talaga nila. Napansin ni Reca na nakatingin ako sakanila kaya nabaling sakin ang mata niya at parang nagtatanong kung bakit. Umiling lang ako at binalik na ulit ang atensyon kila Chelsey.
"Sinagot ko na si Max kahapon hahaha. " sabay angkla ng braso niya kay Max.
Magsasalita pa sana si Teo pero humahangos na lumapit samin si Kelly kasama ang masugid nitong manliligaw na kapatid ko na si Radel. Agad na lumapit ako kay Kelly at matalim siyang tiningnan "Alam mo ba kung anong oras na Kelly?! Nauna pa sakin umalis ng bahay si Radel tapos kayo pa nalate?!" Galit na sigaw ko kay Kelly pero inirapan niya lang ako.
Masasampal ko na sana si Kelly sa ginawa niyang di pagsagot sakin ng pigilan ako ni Radel. "Ate kasalanan ko." Matiim na tiningnan ko si Radel at humawak din sa balikat ko si Jonas. Nakakainis!
"Vina kumalma ka babe." Bulong sakin ni Jonas. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko silang lahat na nakatingin sa ginagawa kong senaryo kaya huminga ko ng malalim at tinalikuran na sila Kelly at sumakay na sa sasakyan nila Athena.
"Bitch." Dinig kong bulong ni Kelly pero nagtimpi nalang ako. Tumatawa lang si Athena sa loob ng van habang ang boyfriend nitong si August ay tahimik lang na naka earphone.
Sunod sunod din na nagpasukan sila sa van naramdaman kong tumabi na sakin si Jonas at umakbay.
"Babe napakahot headed mo talaga." Sabi sakin ni Jonas pero hindi ako sumagot.
"Babe" tawag niya ulit sakin at binalingan ko na siya tingin kasabay nun ay hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti nalang ako ng kaonti.
Ilang taon na ba kami ni Jonas? 2 years na simula ng maging kami. 3rd year college ako ng manligaw sakin si Jonas. Nagkita kami ni Jonas nun sa isang coffee shop kasama ko nun si Chelsey at nag aasaran kami tungkol sa kung sino ang mas maganda saming dalawa ng biglang hiniklat ni Chelsey si Jonas kahit hindi pa niya ito kilala noon at tinanong "Sinong mas maganda saming dalawa? Si Vina" at tinuro ako ni Chelsey " o Ako?" Nakita kong nagulat nun si Jonas maging ako dahil sa hiya medyo naghope na din ako na sana ako ang piliin niya sa di ko alam na dahilan at sumagot si Jonas nga ng "Vina" at dahan dahan akong tiningnan at lumakas ang tibok ng puso ko. Gwapo si Jonas at ng time na yun ay naattract nako sakanya pero iniisip ko mamaya may girlfriend na ito. Ngunit nagulat lang ako after ng incident na yun ay hinanap niya na ako at nakipagmabutihang loob hanggang sa ligawan niya ako. Gabi gabi ko lagi iniisip si Jonas hanggang ngayon hindi nalang gabi. Mahal na mahal ko si Jonas. Iniisip ko nga pano kung si Chelsey ang pinili niya nun?
"Ano ba kasi Maxie babie!! Nakikiliti ako!" Tiling sabi ni Chelsey dahil sa kinikiliti siya ni Max. PDA.
"Tama na yang lambingan! Aalis na tayo!"sigaw ni Teo habang akbay si Sandra.
"Heh! Inggit ka lang. Kilitiin muna lang din si Sandra." Balik sigaw ni Max kay Teo. Napansin kong ngumiti ngiti si Reca sa kakulitan nila. Hindi talaga sila pasalita ng boyfriend niyang si Dan.
"Ok na ba ang lahat?" Tanong ni Athena nasa passengers seat siya dahil ang boyfriend niyang si August ang magdadrive.
"Oo ok na." Sabi ni Jonas at Chelsey ng sabay at natawa silang lahat pwera ako at si Max. Hindi naman kasi nakakatawa.
"Tara na." Sabi ni Radel ng seryoso at napuno na ng katahimikan ang van. Maaaring badtrip din ang kapatid ko dahil sa ginawa ko kay Kelly. Bwisit.
Tumingin nalang ako sa bintana habang binabaybay namin ang papuntang Kastilyo upang maglaro. Alam kong ang tatanda nanamin para maglaro pero ang larong sinasabi ko ay hindi isang ordinaryong laro.
Pabigat ng pabigat ang talukap ng mata ko at pamaya maya ay hindi ko na namalayang nakatulog ako na nakasandal ang ulo sa bintana imbes na kay Jonas.
******************************
JONAS' POV
Hindi ko maiwasan na mahiya minsan pag nakikipagtalo si Vina ng ganuon gaya ng ginawa niya kay Kelly. Masyadong maikli ang pasensya ni Vina kaya ang bilis uminit ng ulo niya pero sa kabila nun ay mahal na mahal ko si Vina. Naalala ko pa nung una kaming nagkatagpo sa coffee shop. May biglang humila sakin na magandang babae akala ko nga ay kung anong gagawin sakin pero hinarap lang ako sa table nila at tinanong kung sinong mas maganda si Vina daw o siya. Gusto ko sana tumawa nun pero pinigilan ko at tiningnan ang sinabi niyang Vina. Napamura pa ang utak ko nun dahil maganda na nga ang humila sakin ay mas may gaganda pa pala doon at yun ay si Vina kaya isinagot ko ang pangalan ni Vina. Ang bilis ng tibok ng puso ko nun ng pagkatitigan ko si Vina at nang nakatingin din siya sakin. Hindi ko maintindihan pero sa lahat ng babae na nakita ko sakanya lang nagreact yung puso ko.
Mula nga nun ay hindi na ako makali dahil gusto ko makita ulit si Vina kaya hinanap ko ito sa facebook at di naman ako nabigo dahil famous si Vina sa ganda niyang iyan. Elvina San Miguel. Napangiti nalang ako nun ng kusa ng makita ko yung profile pic niya sobrang ganda niya talaga at inadd ko nga siya sabay stalk at dun ko nalaman ang school niya. Nakipaglapit ako kay Vina nun at medyo nahirapan ako dahil mataray siya at suplada. Akala ko nga nun wala akong pag asa eh pero nalaman ko na gusto din pala ko ni Vina kaya lalo ko ginanahan na ligawan siya at after 2 years na ligawan ay sinagot niya ako. Sobrang lutang ako nun sa ere dahil sa saya.
Napatingin ako kay Vina na tulog na pala na nakasandal sa bintana dahan dahan ko pinatong ang ulo niya sa balikat ko at pinatong ang ulo ko sa ulo niya sabay hawak ng kamay niya. Maaaring warfreak,suplada at mataray si Vina pero mahal na mahal ko siya. Hindi ko na maiisip pa na ipagpalit siya. Tanga ako kung iiwanan at ipagpapalit ko pa si Vina sa iba.
Hinimas ko ang kamay niya at bumulong sakanya ng "I love you babe.." Sabay halik sa kamay niya na hinihimas ko. At hindi ko na namalayan na nakatulog na din ako.
- - - - - - - - -
End of Chapter 1
BINABASA MO ANG
Deep Inside
Misterio / SuspensoKung kamatayan ang hatid ng pagmamahal, magmamahal kapa ba?