Kabanata 24

790 24 14
                                    

Jessey's POV

Halos mag-iisang buwan na din ang tinatakbo ng relasyon namin ni Ria. Tsaka malapit na din pala ang first monthsary namin. Napapangiti nalang ako kasi minsan hindi talaga maiiwasan na magkatampo kayo. Mag-aaway. Tapos biglang magiging sweet ulit sa isat-isa. Alam ko naman na part ng pagmamahal yun. Pero yung sa amin ni Riri ay hindi na namin pinapatagal ang tampuhan at kaagad naman nagiging okay.

"Babe." Napatigil ako sa pag muni-muni ng tawagin ako ni Ria. Kaagad ko naman tiniklop ang librong binabasa ko at kaagad siyang hinarap.

"Bakit babe?"

"Magpapaalam sana ako eh." Sabi nito.

"Huh? Saan ka naman pupunta?" Tanong ko. Actually nasa bahay namin kasi kami ngayon.

"Ano kasi. Pinapadala ako ni Daddy sa Cebu so mamayang 7pm na ang alis ko. Kailangan daw dahil importante yung meeting. Tsaka alam mo naman si Daddy ayaw nun mag byahe na." Explain nito.

"Ganun ba?" Medyo malungkot kong sabi. Sa totoo lang kasi first monthsary namin ang friday na araw. Tsaka mukhang hindi niya din naman naalala. At masyado ngang mahalaga ang meeting na yan para mag inarti ako dito.

"Ano. Sige babe. Alam ko naman na importante yan." Sabi ko nalang.

"Talaga babe? Okay lang? Babalik din naman ako sa sunday eh. Tsaka wala naman akong mahalagang asikasuhin dito. Maiintidihan mo naman ako diba?." Aray ko beh. Para akong sinakal dahil sa sinabi ni Ria na wala naman siyang mahalagang aasikasuhin. Baka ako lang itong mahilig sa monthsary? Ano ba yan?

"Sige. Sige babe. Wa-walang problema." Ngumiti ako sa kanya para ipakita na wala ngang problema.

"Okay babe. Thanks. Ay nga pala. Tumawag si Mika sa akin. Tawagan mo daw siya dahil may importante daw siyang sasabihin babe."

"Sige babe. Tatawagan ko lang si Mika saglit." Paalam ko sa kanya at saka lumabas ng kwarto.

.

.

.

.

"Alam mo yun? Nakakainis. Pero wala naman akong magawa diba? Kasi nga inportanteng meeting yun Bf. Tsaka hindi man lang niya sinabi sa akin na happy monthsary kahit ngayon na. Aalis na siya mamaya bf eh. Tapos.tapos. Arrgggghh.." Hindi ko na mapigilan ang emosyon kaya nilabas ko na ang sama ng loob ko kay Mika.

"Ano ka ba Bf? Baka masyado lang busy si Ria kaya hindi niya maalala? Ikaw nalang kaya maunang bumati? Tutal ikaw din naman nakaalala."

"Ano? Ayoko nga Bf. Kilala mo ako. Ayoko talaga na kinakalimutan ang ganitong araw."

"Naku Bf. Basta hayaan muna si Ria. Sasabihan ka din noon. Sa friday pa naman yun eh."

"Thursday na kaya bukas Bf. Ano? Hahayaan ko nalang ba kung indi niya maalala? Nakakainis talaga kasi eh. First monthsary yun. Tapos."

"Hay naku. Ganito nalang. Sumama kana lang sa akin sa bahay. Tutal wala naman si Ria nun at hindi niyo din ma celebrate ang monthsary niyo. Para maaliw ka nalang na kasama ako. Tsaka miss kana ni Mommy."

"Hay. Sige nalang Bf. Para kahit papano hindi ko maalala at di ako masaktan."

"Don't worry mag-eenjoy ka din naman sa bulacan kaya okay lang yan."

"Sige Bf."

"Oh i'll hung up na. See you on Friday Morning. Susunduin ka ni Vic diyan."

"Okay Bf. Ingat ka."

"Ikaw din. Wag mo nang isipin masyado si Ria."

"Oo na. Sige babye."

"Bye bf." Sabi nito na tumatawa pa sa kabilang linya.

The Painting (Jessey De Leon & Ria Meneses story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon