•••••
|Yuan's POV|
Mabibigat ang mga hakbang ko papabalik sa opisina. Nagpaiwan naman ang sekretarya ko sa conference room. May inutos din kasi ako sa kanya kaya gano'n. Naalala ko ang nangyari kanina. That scene with Mico. That guy! Alam niya na may gusto si James sa akin may ginawa pang gano'ng stunt.
Kwinento ko sa kanya ang bagay na iyon kasi magkaibigan na ulit kami. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasabihin ko ba o hindi pero si Mico pa. Kukulitin ako hanggang sa wala na akong magawa kung hindi ang sumuko. Noong isang araw kasi nahuli niya akong titig na titig kay James. Nakakatuwa kasing titigan ang huli habang kumukuha ng kape sa vending machine. Bumaba kami para pamunta sa break room ng kompanya. Sakto namang bumisita si Mico at may dala-dalang kahon na puno ng mga cup cakes at dahil may extra pang upuan sa lamesang inuokupahan ko'y nakiupo siya. Doon niya nalaman ang lahat lahat at nagawa ko na ring sabihin sa kanya na may gusto ako kay James. Nagkaliwanagan na rin kasi kami no'n sa resort na wala na talaga kami at hanggang kaibigan nalang ang maibibigay ko sa kanya. Pagkasabi ko no'n ay hinahangad kong aalma siya pero tinanggap niya iyon. Nakakapagtaka no'ng una. Hindi ko talaga kasi ma-imagine na wala lang sa kanya pero ayos na rin 'to kasi finally nabawas-bawasan ang stress ko. Then he offered me this crazy yet very cunning idea. To make James wait a little longer while he's beside me. Para matest kuno kung gaano ba kaseryoso si James sa akin. Kaso matapos ang nangyari ngayon siguro dapat ko nang itigil iyon.
I really felt guilty sa ginawa ko kay James kanina. I'm just not ready yet. More like I'm shocked! Ugh! Walang taong hindi makakaramdam ng pagkakataranta kung bigla kang tatanungin no'n. Kaya no'ng tinanong niya ako iyon kaagad ang nasabi ko para kasing tinakasan ako ng katinuan ko at itong puso ko parang lalabas. Though I like him and he likes me. The feelings mutual. Iisipin lang na magiging kami parang may mga paro-parong lumilipad paikot sa loob ng tiyan ko. Ngunit kailangan ko nang magdesisyon kung oo ba ang sagot o hindi. Gusto ko siya. I feel comfortable when his around. Hindi ko na kailangan pang isipin ang nasa paligid ko. Maaring kong gawin ang gusto kong gawin. Sabihin kung ano ang nasa isip ko. Hindi niya ako hinahayaang makaramdam ng lungkot. Masaya ako kapag masaya siya. Ayaw ko siyang mawala sa tabi ko.
Nasa harapan na ako ng pinto. Tinititigan ito. Sa likod nito ay ang naghihintay na si James na may mainit na ngiti sa labi na bubungad sa akin. Ngiting ayaw kong mawala sa paningin ko. 'Di ko tuloy mapigilang mapangiti.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito paikot. Pagbukas ko nito'y kakaibang lamig ang bumungad sa akin. Agad namang kumunot ang noo ko. Parang may mali.
"James?" Tawag ko sa pangalan niya. This is odd. Why is the room so quiet? Nasaan siya? Tinawag ko siya ulit pero walang sumasagot. Nilapitan ko ang mesa at doon napansin ko ang polo niya. Nagsimulang kumabog ng malakas ang puso ko. Ito ang suot niyang uniporme kanina. B-bakit nandito ito? Kinuha ko ito at inangat pero may nalaglag na papel. Tiningnan ko ang papel at napansing may nakasulat do'n. Yumuko ako at nanginginig ang mga kamay na kinuha iyon. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot akong mabasa ang laman ng sulat. Napalunok ako ng laway at sinimulang basahin ito.
'Euphe, gusto ko mang labhan ito bago isauli pero baka matagal-tagalan ako sa pagbalik. May nangyari lang kasi at ayaw ko namang maging pabigat sa iyo sa pamamagitan ng pagkwento sa iyo sa mga nangyayari. May sarili kang problema e. Wala nang oras para problemahin ang iba. Ano ba itong sinusulat ko?
Pasensya ka na Euphe kung hindi ako nagpaalam sa iyo ng personal. Basta alagaan mo ang sarili mo. Paalam.'
Napapanganga nalang ako habang nanlalaki ang mga mata sa nabasa ko. James! Anong iniisip mo?!
Mabilis kong inilagay ang damit niya at papel sa mesa. Agad akong tumakbo palabas ng opisina. May sinabi si Sandra pero hindi ko siya pinansin bagkus ay mas binilisan ko pa ang takbo ko papunta sa elevator. Pagbukas nito'y dali-dali akong pumasok at pinindot ang buton. Naiinip na hinintay kong makababa ang elevator. Tinatapik ng hintuturo ko ang aking braso. Maraming naglalaro sa utak ko. James naman don't do this. Sabi mo ayaw mong madagdagan ang pinoproblema ko pero sa biglang pag-alis mo kahit pa may sulat kang iniwan hindi pa rin iyon sapat. Kailangan mo kong kausapin ng harap-harapan!
BINABASA MO ANG
Be Mine
RomanceHindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na m...