WFMLS 1

8 0 0
                                    

Waiting for a Love Story

WFMLS 1: Dragged and Errand


Alexandria

"I feel so depressed..." lantang-lanta kong sabi sabay baon ng mukha ko sa unan ko. It's Sunday, at bukas back to school na naman. Meaning...

"Back to kausap to human beings na naman. Why?!" I cried out as I tossed and turn on my bed. Habang ginagawa ko ito, bigla na lang may nagbukas ng pintuan ng kwarto ko dahilan upang mapatingin ako sa direksyong kinalalagyan nito.

And a sigh escaped my lips almost immediately ng mapansin ko kung sino yung walang pasintabing nagbukas ng kwarto ko.

"Ano 'yon?" walang gana kong tanong sabay binalik ko na ang pagkabaon ng mukha ko sa unan ko.

Nakarinig naman ako ng hakbang na papalapit sa kama ko at maya-maya pa ay may naramdaman na akong umupo sa gilid. Mas napabuntong hininga na lang ulit ako.

Ano na naman ba kasi kailangan ng kuya kong ito?

"Alex, gusto mong sumama?" pagyayaya niya.

Napaangat naman ako ng ulo ko sabay umayos ako ng higa. With my back lying on my bed of course sabay nakatingin na ako sa kanya.

"Saan?" may pagkasuplada kong tanong sa kanya kaso ngumiti lang yung loko sa akin. Ano kaya't ang saya-saya niya? Ka-badtrip.

"Sa Mall. Bibili ako ng mouse ng laptop, pati may pinapabili si Ma kaya isasabay ko na rin."

Napasimangot naman ako dun. Magtatakbo lang pala ng errand kailangan pa ako idamay? Depress kaya ako. And going out means makakakita ako ng mga tao. Maraming tao.

Brrr... Just thinking about it sends shiver down my spine.

"Bakit ako pa? Ayaw... katamad e," sabi ko sabay tinalikuran ko na siya.

Kaso hindi napagtigil si brother dear at nagsimula ng kalabitin yung balikat ko.

"Sige na oh. Bilis, lilibre kita ng isang libro. Kailangan ko ng kasama."

The moment he said that agad na akong tumayo at naglakad papunta sa closet ko na nasa kwarto. Nanatili pa rin siyang nakaupo sa may gilid ng kama ko and when I turned to face him, mukha siyang nagulat.

I smirked.

"Ano pa hinihintay mo diyan? Labas na at di ako makakapagbihis. Gusto mo ng kasama diba?" sabi ko and he smiled then immediately stood up and started walking out whilst saying na hihintayin niya na lang daw ako sa sala.

I sighed for the third time ng makalabas na siya and find a smile appearing on my face

What? Can't say no to a free book now, can I?

__

Pagkalabas namin ng bahay agad kaming pumunta sa sasakyan niya at dali-daling dumiretso sa destinasyon namin. Tanghaling tapat kaya mataas ang sikat ng araw kaya buti na lang talaga, may kotse itong kapatid kong 'to kundi maglalakad pa kami para lang makahanap ng sasakyan.

Ilang minuto lang ang binyahe namin. At ng makarating na kami sa destinasyon namin, nakapark na siya, at nakapasok na kami ng tuluyan sa mall, isa lang ang masasabi ko—bakit ba kasi mahal na mahal ko ang libreng libro?! 'Yan tuloy... na-expose na naman tuloy ako sa maraming human beings na naglalakad sa paligid. Shet, kaiyak.

"Tara na, Lex. 4th floor," sabi niya sabay nagsimula na siyang maglakad. Ako naman, lantang-lanta lang na sumunod sa kanya.

Okay, you might think that I'm weird. Well sad to tell you, that what you thought about me is right. I am weird. While most people enjoy going to the mall, I on the other hand, do not. Lalo na tuwing weekends. This is because ang weekends ang tinuturing ko na happy rest day ko. Tuwing weekends lang kasi ako nakakapagkulong sa kwarto ng hindi kailangang mamroblema ng mga bagay-bagay katulad na lang na pakikisalamuha.

Waiting for a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon