Chapter 34- Three

1K 42 2
                                    

CHAPTER 34- THREE

Nasa kwarto ako ngayon. Hay naku. Tatlong araw nalang, aalis na kami dito sa Bora. Nakakainis naman. Nakatapak kasi ako ng seashell kahapon e. Worst, muntik pa akong mamatay kahapon.

Grabe. Pinagalitan pa ako ng boss ko.

"Are you okay? Sungit will get mad once he hears this." Hindi ko makita yung reaksyon niya kasi nakatingin ako sa likod e. So, galit siya? "Just..." Okay na rin yata yung namatay ako kesa sa makapanira ako ng relasyon ng iba diba? Argh! Gulong-gulo na ang utak ko.

Dinala niya ako sa kwarto ko at pinahiga. "You're not allowed to swim, unless your sole heals completely." Sabi niya saakin.

"You're also not allowed to cook. I'll cook everything from now on, unless your sole heals completely." Sabi niya pa. Tumalikod siya pero bigla din siyang humarap.

"Oh, and you're not going to swim anymore, unless I'm there or Ethan's there. Do you understand?" Wow. Parang tatay ko lang talaga. Tumango nalang ako.

"I won't let my secretary be absent for days." And he folded his arms with a scowl on his face.

"Sorry." was all I could say. Kung hindi kasi nalaglag yung bracelet na binigah ni Ethan, hindi 'to mangyayari e.

Ngayon, nakaupo lang ako sa may couch, nanunuod ng TV. Habang si Max nagluluto at yung iba nags-swimming yata.

Pinatay ko yung TV at lumabas ng sala. Biglang sakto papasok si Ethan. Myghad. Nagulat ako.

"Hi, Ethan." Ngumiti ako sakanya. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong saakin ni Ethan. Ba't siya seryoso? Loko 'to. "Sure." Tumingin muna ako kay Max bago sumunod kay Ethan.

Akay-akay ako ni Ethan habang papunta kami sa may cottage.

"Ano bang pag-uusapan natin, Ethan?" Tanong ko. Tumingin ako sakanya.

"Diba... may naaalala ka na?" Tanong niya rin pabalik habang nakatingin sa malayo. Tapos bigla siyang tumingin saakin. Tumango ako. "Oo." Sagot ko.

"Kung bumalik na 'yung alaala mo, ibig sabihin ba nu'n mahal mo na uli si Max?" Tanong niya saakin. I stopped breathing for a mere second.

"Ha, Chaiira?" Hinihintay niya yung sagot ko.

Mahal ko nga ba si Max kasabay ng pagbalik ng alaala ko? Hindi ko alam e. Hindi ko alam.

"I... I don't know." Pagsagot ko honestly. Tumingin ako sa baba. Tumahimik kami saglit. Mga dalawang minuto yata kami hindi nag-imikan.

"Naalala mo yung sinabi ko sa'yo nung nasa Cebu tayo?" Tanong niya na bumasag sa katahimikan. Tumango ako. "Totoo yun, Chaii." Sabi niya.

I blinked my eyes twice.

"Totoo lahat yun." Aniya. "I know you don't feel the same way as I do." Tuloy niya. "But I'm hoping that you give me a chance." Napatingin ako sakanya at nakatingin siya saakin ng seryoso.

"Minsan lang ako tamaan ng kupido, Chaii. Minsan lang." Kwento niya. Tahimik lang akong nakinig sa sinabi niya.

"I hope you decide well. Give me a chance or not. Depends on you." Sabi niya at naglakad palayo. Napatingin ako uli sa bracelet na binigay niya saakin.

He loves me that much? Naguguluhan na ako. Sobra na akong naguguluhan.

Saka ko lang napansin na iniwan pala ako ni Ethan. "Oy Ethan!" Tawag ko sakanya. Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo e. Lumingon siya. "Magwa-walk out ka diyan, nakalimutan mong kasama mo ko!" Inis na sigaw ko sakanya.

"Hello! May sugat paa ko! Just in case you forgot!" Sabi ko sakanya. Patakbo siyang bumalik habang tumatawa. "HAHAHAHA. SORNA, Chaii!" Tas inakay uli ako. Loko talaga 'to.

Binalik niya ako sa couch sa sala. Pagkapasok palang namin, ang sama na naman ng tingin ni Max. Napailing nalang ako.

Naalala ko na naman yung sinabi saakin ni Ethan. Bigyan ko siya ng tsansa. Bibigyan ko ba o hindi? Hindi ko pa alam. Hindi ko alam. Nalilito ako.

Bigla akong nakaramdam ng pagbigat ng couch. Umupo pala si Max sa tabi ko. Tapos na yata siya magluto.

Bibigyan ko ba? Ethan has been my friend for so long. Maybe, I can give him a chance. I will. Hinanap ko ang phone ko para i-text si Ethan.

TO: Ethan

Ethan, let's talk again tonight.

SENT!

Umupo lang ako du'n at saglit na ipinikit yung mata ko. Ipapahinga ko lang. Medyo nastress talaga kasi ako kagabi.

Nung nalunod ako kagabi akala ko mamamatay na 'ko. Akala ko hindi na pwede. Akala ko... hindi ko na makikita si Sungit.

***

Lumipas ang dalawang araw at pauwi na kami sa Manila. Wala naman masyadong espesyal na ginawa kasi hindi pa rin masyadong gumagaling yung sakit ko.

Pero, may advantage din yung hindi ko pagswimming. Lahat sila nangitim. Ako lang at si Max ang hindi. Binabantayan niya kasi ako e. Inaakay pag gustong maglakad-lakad. Kaya halos buong dalawang araw na 'yun, siya ang lagi kong kasama.

"Ang pangit mo, Ethan!" Tatawa kong sinabi. Ang itim kasi. Sobra. Hahahaha! Chrt lang. Hindi naman mukhang nog nog. Napakanta tuloy ako. "Hala! Nasunog nog nog nog nog nog!" Tumawa na rin silang lahat. "Nagkasugat ka lang kaya hindi ka umitim!" Inis na. sabi niya saakin pabalik. Binelatan ko lang siya.

Hindi pa rin maayos yung paa ko. Masakit pa rin kapag dinidikit sa sahig kaya kailangan ko ng may umaakay sakin.

Tinulungan uli ako ni Max sa pagakyat namin sa private plane niya. Bago kami umalis sa Bora, nag groupie muna kami para daw may memories. Oha?

As usual, du'n ako sa inupuan ko dati kaya katabi ko si Max.

Anyway, pumayag na akong ligawan ako ni Ethan. I gave him the chance. Jusko. Nung marinig niyang binigyan ko siya ng tsansa, makayakap sakin wagas. Tas makasigaw ng "Yes!" e akala mo sinagot ko siya sa proposal niyang pakasalan ko siya.

Loko talaga.

Napansin kong kinuha ni Max yung phone niya sa bulsa niya at nagdial. Nakita ko yung number ni Mich ang dina-dial niya.

Bakit ganun? Parang naninikip dibdib ko? Dahil ba sa bra? Jusko.

"Hello? Let's meet later in my office. Yes. Bye..." Sunod-sunod niyang sagot. Wala pang pasok dahil Saturday ngayon. Pero, bakit kailangan nilang magkita ni Mich? Umiling-iling ako.

'Wag mo nang problemahin yung problema ni Max, okay? Du'n ka nalang kay Ethan. Let him prove himself to you.

Tumango ako. Tama. I gave him the chance kaya sakanya nalang ako. Tutal, single din naman si Ethan, 'di katulad ni Sungit na may girlfriend na at si Mich 'yun.

Isinaksak ko na yung headset sa tainga ko para forget the problems of the world ang peg ko.

Sinara ko uli yung mata ko. Hay... Gusto ko na matulog.

***

END. TO BE CONTINUED...

MSAM 2: Amnesia ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon