CHAPTER 9: The Twins

102K 3.1K 66
                                    

-Liera's Pov-

Kasalukuyang nasa cr ako ngayon ng mga girls dito sa school namin. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin. Hinimas himas ko ang aking pisnging nasampla ng libro kanina.

"Ang ganda ko parin kahit ganito itsura ko." pagbibiro ko sa aking sarili.

Naghilamos na ako para matanggal na yung mga glueng nakadikit sa mukha ko kasi nalalagkitan na rin ako. Pagkatapos ay muli akong humarap sa salamin. Bakat na bakat sa mukha ko ang librong hinampas sakin nung Emely na yun. Huhuhu ang sakit parin. Pakiramdam ko ay tila may lumabas na mga stars na nagliliparan paikot ikot sa ulo ko kanina.

"Kaya mo yan Liera. Wag mo nalang papatulan. Mabait ka naman diba." pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Yun na nga yung problema, kapag sobrang mabait ka. Mas lalo ka lang nilang aabusuhin. Mga tao nga naman ngayon. Pag alam nilang mabait ka, kakaya-kayanin ka nalang nila. Kaya dapat hindi sa lahat ng oras mabait ka, kailangan mo rin minsan lumaban, depende na rin yun sa sitwasyon siguro.

Tumagal ako ng halus isang oras dito sa c.r. Paglabas ko ay sakto namang naglabasan na rin yung ibang estudyante.

Naglakad na akong papuntang canteen habang yung dalawa ko namang kamay nakatago lang sa likod. Bakit? Wala lang. Trip ko lang naman.

Maya't maya pa'y nakaramdam ako ng may gumagapang sa aking likuran, nakakakiliti. Di ko maiwasang hindi mapagiling sa sobrang kiliti nito sa aking likod. Kinapa-kapa ko iyon at baka kasi may uod. Pero wala naman akong maramdamang kahit anu doon. Para itong gumagapang sa bandang likod ng aking kaliwang balikat.

"Aray!" mahinang pagdaing ko sabay hawak doon sa aking balikat. Bigla kasi itong sumakit na para bang may tumutusok sa aking likuran.

Sandali lang ang pananakit nun dahil nawala din naman agad.

Mamaya ko nalang siguro titingnan kung anu yun. May world war three na kasing nangyayari sa loob ng aking tiyan.

~~~

Sa aking paglalakad ay napadaan ako sa isang music room. Sumilip silip ako doon kung may tao ba kasi may naririnig akong may tumutugtog ng guitara. Ang sarap pakinggan ng bawat pagkaskas niya sa guitara. Napakagaan sa loob. Bawat tunog parang may pinanghuhugutan.

Kumunot ang aking noo dahil doon, broken hearted ba to?

Sumilip akong muli para makita ko na talaga kung sino ang tumutugtug. At aba! hindi ko alam na magaling pala sa guitara tong mokong na to. Di man lang nagsabi. ay? bakit tinanung mo ba? pangunguntra ng kabila kung isipan. Tae naman!

"Wetwew!"

Pagsipol ko doon kay Genson na sige parin ang pagtutugtug ng gitara. Umecho pa talaga sa loob ng music room ang sipol kong iyon. Tumigil naman ito sa pagtutugtug at tumingin tingin sa paligid kung sino ba ang sumipol. Natawa ako ng palihim kasi ang cute niya tignan kapag curious. I mean mas lalo siyang kumu-cute.

Pinagpatuloy niya na lamang ulit ang pagtutugtug ng guitara dahil wala naman siyang makitang tao. Sinipolan ko nanaman ito ulit pero di na niya ito pinansin pa kaya binuksan ko na ang pinto ng music room at pumasok doon.

"Wow. Ang galing mo palang tumugtug niyan? paturo naman ako sayo kung merun kang time, pwede?" tanung ko sakanya na sinabayan ko pa ng palakpak at ngiti.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon