CHAPTER FOUR:

0 0 0
                                    

Nilagay ko sa isang itim na plastic yung drugs at hinagis ko sa dalawang lalaking naghahabol sakin. Tumama naman yun sa kamay ng lalaki kaya nalaglag yung picture na hawak niya.

"Ano yan?" Tanong nung kasama ng lalake

"Shit. Drugs to"

Pagkasabi niya non ay ay sinenyasan ko naman yung bata kaya pumunta agad siya sa may kalapit na police station

"Mamang Pulis! Mamang Pulis! May nagbebenta po ng drugs dun oh!" Sigaw nung bata

Agad naman lumabas ang pulis at nakita nila yung dalawang lalaki na may hawak ng drugs na hinagis ko kaya agad sila nitong hinabol.

"Shit. Takbo!" Sigaw nung isa at tinapon din yun drugs na hawak niya

Ng makalayo sila ay pinulot ko yung picture na nalaglag nung lalaki.
picture ko nga iyon kaya lang mukhang 3 years ago pa itong picture na hawak nila.

"Ate hinahabol ka po ba nila?" Tanong nung batang pinatawag ko ng pulis kanina

"Oo eh. Tara na iuuwi na kita sa inyo. Nasan ba ang mama mo?" Tumayo na ako at hinawakan yung kamay niya. Base sa itsura niya mukhang nasa 7 or 8 lang siya

napayuko naman siya sa sinabi ko "wala na po sila"

"Huh? Eh kapatid? O kamag anak?"

"Wala na po. Ulila na po ako"

"san ka naman natutulog? Wag mo sabihing dyan ka lang natutulog" sabay turo ko doon sa may gilid na mayroong nakalatag na karton

"O-opo" ng marinig ko iyon ay niyakap ko siya. Ewan ko ba I feel the urge of hugging him siguro kasi alam kong nahihirapan na siya. Naramdaman ko namang umiiyak na siya

"H-hala *sniff* ate *sniff* ang dumi na po ng *sniff* damit niyo *sniff*" he said while crying

"Okay lang. Tara na" sabi ko at hinila siya

"T-teka ate saan tayo pupunta?" Sabi niya

"bibili tayo ng damit. Ang dumi na natin oh"

"Pero wala po akong pera"

"Ako ng bahala" sabi ko while smiling

Sumakay na ako kay Grey at pinaangkas ko siya

"Kapit ka ng mabuti kay ate ha? Baka mahulog ka" sabi ko at kumapit naman siya ng maigi

I start the engine and drive fast. Gusto ko na kasi talagang makapagpalit eh. After a couple of minutes nasa may harap na ako ng mall.

"G-grabe a-ate ambilis m-mong m-magpatakbo" sabi nung bata sa likod

"Ah hehe nakalimutan kong may bata pala akong kasama hehe"

Pagpasok namin ng mall halos lahat ng tao nakatingin samin. Oh wait. mali pala. Hindi halos LAHAT pala ng tao nakatingin sa amin. Di ko nalang sila pinansin at dumire-diretso kami sa entrance.

"Ah maam wait lang po. Ii-inspect lang po namin kayo" sabi ng security guard

tinaas ko nalang ang kamay ko at hinayaan silang mag-inspect. Wala na akong energy para makipag- away sa kanya

"Okay na po maam pwede na kayong pumasok" -security guard

"Sorry bata pero bawal palaboy dito. Shoo" sabi nung security guard na nag-inspect sakin kanina

Agad ko naman silang nilapitan "excuse me, may problema ba?"tanong ko at hinawakan ko ulit ang kamay ng bata

"Ah maam kasama niyo po ba siya?"

 ‏♡ OPPOSITE ATTRACTS ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon