***
Part 4- Roommates
"Fren, paano ba yan? Maghahalo na ang balat sa tinalupan? Magko-collide ang past and present? World war III na ba? Siomai! Exciting itey. Hihihi. Lol."
Sino bang tinutukoy nila? Haay. Makakapagpahinga na rin sa wakas. Hindi ako maka-connect sa dalawa. Hindi na ako natutuwa. Parang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Kaibigan din naman nila ako ah? Tsk. Low gets na ako? Yaan na nga. Keri na to. Sabay sabay kaming tatlo na pumunta sa taas. Second floor yung rooms namin. Asan na kaya yung Pauline? Nakaka-curious kung sino siya. Kasama ba namin siya sa bus namin? O baka sa kabila siya. Baka nga.
"Hoy Kim! Tumigil ka nga. Kanina ka pa dyan eh. Namumuro kana." Pagbabanta ni Anne. Kung titignan parang sila si tom and jerry sa totoong buhay. Kaloka! Magbangayan wagas! Pero kahit ganyan sila yan mag usap. Mahal nila isa't isa. Ganyan lang talaga ang lambingan nila. Ang magbangayan. Para ngang wala ako dito pag sila na nag away eh. Hindi ko nga rin alam kung bakit naging kaibigan ko sila. Lalong lalo na si Kim. You know? Weirdo.
Hindi rin halata na mahilig si Kim sa famous line niya na 'Lol' trademark niya na kasi yan. Sanay na kami dyan.
ROOM 4
Kinuha ko na yung susi sa wallet ko at binuksan yung pinto. Wala naman akong mapapala sa dalawa kong loka lokang kaibigan. Ayun, nagbabangayan na naman. Tss. Wala na bang bago?
"Hoy mga babae, pumasok na nga tayo. Tama na yan!" Sigaw ko sakanila. Dun lang sila natauhan.
Sabay pa silang tumakbo papasok sa loob at nag unahan sa pagpili nang pwesto.
Pumasok na rin ako. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Malaki siya. May apat na kama. May dalawang banyo. Ang ganda.
"Dito ako! Bleeh! Nauna ako sayo, Kim! Hahaha." Pagmamayabang ni Anne. Ayan na naman sila. Pati ba naman sa kama? Tss. Walang pinapalagpas tong dalawang to. Ako lang ata matino saamin. Pinapanuod ko lang sila mag agawan nang pwesto. Mga to talaga. Parang hindi napagod sa byahe.
Inilapag ko sa higaan ko ang mga gamit ko. Dito ako sa malapit sa may bintana. Wow, may veranda pa. Lumabas ako saglit. Ang ganda talaga ng tanawin. Nawala ang pagsisisi ko na sumama ako dito. Umakbay saakin si Anne.
"Kaibigan, mamaya na yan! Tara na sa labas. Pasyal tayo. Dali. Maraming stores ng souvenir doon." Pang eengganyo niya saakin. Ngumiti na lang ako sakanya. "Susunod ako." Actually gusto ko naman, pero gusto ko muna ayusin ang mga gamit ko. At magpahinga saglit.
Hinila ni Kim si Anne sa labas. Si Kim talaga, tinotoo ba naman ang patu-two piece? Napailing na lang ako. Pero sexy naman kasi talaga siya eh.
Ilang minuto ang nakalipas. Natapos na ako sa pag aayos. Nakapahinga na rin ako saglit. Biglang bumukas ang pintuan at napatingin ako sa pumasok. Akala ko bumalik na sila Anne at Kim.
"Anne? Kim? Kayo ba yan?"
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa mini sala.
Natigilan ako.
Sino siya?
Siya na ba yung Pauline?
"H-hi." Naiilang niyang sabi. Maganda siya. Maamo ang mukha. Kulot ang buhok. At ang ganda ng ngiti.
"H-hello? Pauline right?"
"A-ah oo. I'm Pauline. Pauline Ramirez. Girlfriend si David Reyes. Actually sinama niya lang ako dito sa reunion niyo. And Maria invited me. It's okay lang naman daw." Inalok niya akong makipag kamay.
Nabingi ako sa sinabi niya? Pauline? David? Girlfriend siya ni David? So siya yun? Oh god! Of all people siya pa talaga yung ka-roommate ko? Why? Tsk.
Syet, anong gagawin ko? Ah bahala na. Bakit ba ako maiilang? Tsk. Dahil siya ang girlfriend ngayon ni David? No,no,no.
Inabot ko na rin ang kamay ko para makipag shake hands.
Nakatulala lang ako sakanya. How insensitive she is? Hindi ba niya alam na ex ako nang boyfriend niya? Wow lang.
"I see." Nginitian ko siya ng pilit.
"And you are?" Nakangiti niyang tanong. Tss. Fake!
"I'm Ella Ramos. Nice to meet you."
"Same here! So we are roommates."
May nakalagay na question mark sa ulo niya. Gahd! LG teh?"Obviously." Sarcastic kong sabi pero ngumiti ako para kunyari joke ko lang. Obvious na nga diba? Slow poke. Tsk.
Okay, bat bigla akong naging maldita? Not so me. Mainit lang dugo ko sakaya. I dunno.
Nilapag niya na lang ang mga gamit niya at nagpaalam na ring lumabas. Nagpaalam pa. Paki ko naman diba? Magsi-swimming daw sila. And so? Aish! Napatingin ako sa suot niya. Yellow bikini. Ang sexy niya, maganda siya, kulot ang itim niyang buhok. Walang wala talaga ako. Edi siya na! Sus. Nahiya naman sexy body ko no! Duh!
Huminga ako ng malalim.
Ang plastik ko na tuloy. Tss.
Actually she's nice.
But I don't think magkakasundo kami. Bitter pa ako eh.
Humiga na lang ulit ako pumikit habang pinagsusuntok ko ang unan ko. Ugh! Nakaka-frustrate. Am I being jealous?
Insecure?
Arghhhhh!
I hate this feeling!
xxx
To be continued ....
BINABASA MO ANG
Still In Love (Can't Get Over)
RomanceThey say, life goes on. Sana nga ganun kadali. Ni ang mag-move on hindi kaya ng powers ko. What if hindi ko parin siya mai-let go? What if in love parin ako sa ex ko? Ang daming what if's sa isip ko. Isang pagkakamali nagbago ang lahat. Sana mai...