Chapter 10

11 4 0
                                    

Chapter 10

"Ay! Ang bongga ng room ko!" Tili ni Meira. Napalingon naman ako agad sa left side ko kasi nandoon yung kwarto niya at nakita ko nga na nagpapa-ikot-ikot siya doon.

"Mas malambot pa kesa sa kama ko sa bahay etong kama na ito! Itatanong ko mamaya sa management kung saan nila binili 'to para makabili na ako agad ng isang dosena!" Sabi ni Crysel sabay tumawa pa. Pagkalingon ko sa right side ko eh nakita ko na tumatalon-talon siya sa kama niya.

"Tignan niyo yung view ng dagat, dali! Ang ganda-ganda, oh! Excited na akong mag-swimming dyan!" Sabi ni Noreen. Feeling ko sinigaw niya yung mga narinig kong sinabi niya pero parang ordinaryong pagsasalita lang ang dating sa akin kasi medyo malayo yung kwarto niya.

Connecting rooms kasi ang pina-reserve nila Meira. At yung katabing kwarto ng kwarto sa right side eh yung kay Crysel tapos sa left side naman eh yung kay Meira. Tapos yung kwarto ni Noreen eh katabi nung kay Crysel at yung kay Kristal naman eh katabi nung kay Meira. Bali nasa pinaka-gitna yung pwesto ng kwarto ko.

"Speaking of swimming, eto na yung swimsuits niyo!" Sabi ni Meira sabay humagikgik pa.

"Punta kayo dito, dali!" Sabi niya pa at kahit ayoko eh sumunod na rin ako. Baka magwala pa siya kapag tumanggi akong i-suot yung dinesign niya eh.

"Para sa 'yo 'to, Crys." Sabi niya sabay abot ng isang kulay yellow at isang kulay black na two-piece swimsuit kay Crysel na hindi pa ata alam kung tatanggapin iyon o hindi pero sa huli eh kinuha niya rin naman.

"Eto, sa 'yo 'to, Tal." Sabi niya pa sabay abot ng isang kulay pink at isang kulay peach na two-piece swimsuit kay Kristal na napabuntong-hininga pa matapos tanggapin iyon.

"Sa 'yo naman 'to, Reen." Sabi niya sabay abot ng isang kulay teal at isang kulay blue green na two-piece swimsuit kay Noreen na medyo napangiwi pa nung nahawakan niya na ang mga iyon.

"Parehas kayo ni Noreen ng favorite ang blue kaya pinag-iba ko ang shade." Sabi niya sa akin sabay abot ng isang kulay aquamarine at isang kulay midnight blue na two-piece swimsuit sa akin. Nung makita ko yung mga kabuuan no'n eh parang gusto ko na lang na itapon sa dagat. Hindi ko ata kakayanin na mag-suot ng mga gano'ng klase ng swimsuit. Ang huling beses na nag-suot ako ng ganito eh nung 13 years old pa ako.

"Anong mukha 'yan, ha?" Taas-kilay na tanong niya. Napansin niya ata na ayoko talagang isuot yung mga ginawa niya.

"Pwede bang next time ko na lang isuot 'tong mga 'to? May dala naman akong swimsuit eh." Sabi ko. Super revealing kasi talaga at baka mas piliin ko pang huwag na lang na mag-swimming kesa suotin 'tong bigay niya. Buti sana kasi kung one-piece 'to at medyo matatago ko ang mga dapat itago kaso hindi eh.

"Hindi! Ngayon mo isusuot 'yang mga 'yan! Ang ganda-ganda ng katawan mo tapos tinatago mo lang! Be proud of your body, gurl! Kaka-onti lang ang biniyayaan ng ganyan!" Sabi niya. Napa-irap naman ako.

"At saka, Be, nagsusuot ka naman ng mga shorts at saka ng mga cropped tops eh! Kayang-kaya mong irampa 'yang mga two-piece na 'yan!" Sabi ni Kristal.

"Whatever. Matutulog na lang muna ako. Gisingin niyo na lang ako kapag kakain na tayo ng dinner." Sabi ko tapos pumunta na sa sarili kong kwarto. Hindi ko na nilock yung mga pintuan sa magkabilang side para mapupuntahan nila ako anumang oras para gisingin.

-

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Teka. Sinag ng araw?!

"Oh, gising ka na pala." Sabi ng isang boses. Pagkalingon ko sa kanan ko eh nakita ko agad si Crysel na naka-sandal sa hamba ng pintuan na nagko-connect sa kwarto namin.

Change Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon