VINCE's POV
Ba't ang ingay? Letche naman oh. Natutulog yong tao tapos ang ingay ingay nila? Bwisit. Ugh. Ang ingay nila mama.
"Syempre 'nak! Kayo na ba ulit ni Zoe?" sabi ni mama.
"Soon tita. Diba, Belly?" sabi ni Dane? Meron si Dane? Puta namiss ko yong kumag na yon ah. Hahaha.
"Ohh. Siya na ba, Belle?" sabi ni Dylan? Meron din siya? Anong nangyayari? Hahaha.
"Belly, sino siya?" sabi Dane. "Siya ba yong dahilan ng mga iyak mo kanina?"
"Oo, Daney." sabi ng prinsesa namin.
"Daney, tama na." sabi ni baby sis. La ano na ba ang nangyayari? Tss.
"H'wag na h'wag ka nang magpakita kay Zoe." sabi ni Dane.
"Wala kang karapatan na sabihin yan sakin. Kayo ba?" sabi ni Dylan. Nag-aaway ba sila? Takte. Subukan lang nila.
"Oo, kami na! May problema ka dun?" sabi ni Dane. Sila na ulit? Agad agad?
Bigla naman akong nakarinig ng dumura. Shet. Ano yon tf.
"H'wag na h'wag mo siyang sasaktan Dylan! Sino ka ba para sakin? Wala diba? Sinabi ko na sayo na wala ng tayo. H'wag kang umasta na tayo pa!" sabi ng kapatid ko.
Lalabas na sana ako ng bigla kong narinig yong sinabi ni Dylan.
"May iba agad? Bilis ha? Ang landi mo rin no? P*tangina! Magsama kayo sa hilaw na yan!" sabi niya. Ay gago ka pala Dylan eh! Anong karapatan pagsabihan ang kapatid ko ng malandi? Gago mo. Lumabas ako tapos nagsalita.
"Anong sabi mo sa kapatid ko?" sabi ko.
Tumingin sila lahat sakin. Halatang nagulat si Dylan sa paglabas ko. Hindi siya nakasagot. Nakita ko si Dane na dumudugo ang bibig. Si Dylan ang may gawa nito? Putangina, Dylan! Ang gago mo!
"Dylan! Ano ulit yong sinabi mo sa kapatid ko?!" galit na sabi ko.
"Kuya Vin---" hindi na niya naituloy yong sasabihin niya kasi sinuntok ko siya.
"Kuya!" sabi ni baby sis ko.
"Ano, babysis? Hahayaan mo nalang ba yong sinabi niya? Wake up, Zoe!" sabi ko.
"Oo nga, Belly. Hahayaan mo nalang?" sabi ni Dane kay Zoe.
"Ano ba kayo ha?! Pwede ba? Alam ko ang ginagawa ko." sabi niya samin. Aww kapatid. "Ikaw Dylan, don't ever go near of me! I love you but I hate you!"