officially on

10 0 0
                                    

hindi ako makapaniwala na talagang talagang talaga sa mga nangyari kahapon. Parang ang gulo yata nun. Anyway...pano ko ba sasabihin to... pano ko ba ibabalita ang mga kaganapan.

hingang malalim!

"kami na!!!!!!" sigaw ko. Syempre sa isip lang yun, baka pagalitan ako ni mama kapag sumigaw ako dito. Nandito kasi ako sa mini library ng bahay namin. Ang sarap lang alalahanin ang lahat ng gabing iyon.

FLASHBACK

"alice...will you be my girl?"

ngumiti lang siya ng pagkatamis tamis saka umiling. Muntik nang gumuho ang mundo dahil sa pag iling niyang iyon pero biglang nag liwanag ulit ito dahil sa mga narinig ko.

" hindi mo naman na ako kailangan pang tanungin dahil noon pa man ay mahal na kita"

sa mga narinig ko ay halos mawala sa pwesto ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito.

"ibig sabihin ba ng mga sinabi mo ay...tayo na? "

" bakit? ayaw mo ba? "

"hindi noh! gustong gusto ko nga !"

...

at yun naging kami na ng gabing iyon.

at sa sobrang saya ko ay halos hindi ako nakatulog buong gabi. Bukas pala may date kami. San kaya kami pwedeng pumunta. Bahala na nga basta ang importante ay masaya kami at kami na! hahaha! kami na! ang sarap pakinggan ng salitang "kami na" kami na! kami na! kami na!

anu bayan para na akong tanga dito pero ang sarap pakinggan ei...kami na!

pag katapos kong ulit ulitin ang salitang "kami na" ay nag sawa na din ako. De joke lang! Hindi ako mag sasawang sabihin.ang salitang kami na! Anu ba yan paulit ulit nalang pero anong magagawa ko ei kami na!

pumunta ako ng court. May usapan kasi kami ni Art ngayon. May sasabihin yata siya sa akin na importante. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit kailangan pang kaming dalawa lang ganun ba talaga kaimportante yun?

Nakita ko siya sa isang bench dun na naka upo.

"pre! muzta?" bati ko sa kanya sabay upo sa tabi niya. " may problema ba at gusto mo akong makausap? at muka yatang seryoso ang pag uusapan natin...ano bang meron?"

"kilala mo si Alice diba?"

"oo si alice...girlfriend ko yun pre"

"ahhh...girlfriend mo na pala siya...seryoso kaba sa kanya?"

"oo. seryosong seryoso! Hindi ko na nga yata kayang mabuhay kung wala siya, pre."

"ganun ba? ingatan mo siya pre...wag mong hahayaang mawala siya sa paningin mo dahil baka isang araw mawala siya sayo!" pagkatappos niyang banggitin ang mga katagang iyon ay agad na siyang umalis.

ano kayang ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako. Wala naman siguro siyang balak na iparating sakin diba?

Masyado na akong nag iisip ng king ano ano. Kailangan kong mag relaxs.

Pinuntahan ko si Dino sa bahay nila at niyaya kong mag x box. Sa kasagsagan ng paglalaro namin ay naitanong niya kung nag kausap naba kami ni Art kaya naman ikinuwento ko ang lahat ng napag usapan namin including yung huli niyang sinabi.

"Pre, wag kang masyadong magtitiwala sa mga kaibigan mo dahil minsan sila pa ang tatraydor sayo." Yan ang huling sinabi sakin ni Dino na hindi maalis alis sa isip ko. Ano ba kasing nangyayari? May hindi na ako alam?

Hay ! Akala ko makakapag relax ako kila Dino pero eto at binigyan pa ako ng iisipin. Sabi pa niya...

" ang pagiging kasintahan ni Alice ay lubhang napakahirap...maraming mangyayari na dapat mong pag handaan. Maarring sa ngayon ay wala ka pang alam ngunit dadating ang panahon na malalaman mo din ang lahat at kapag dumating ang panahong iyon, dapat maging handa ka!"

Masyadoong makahulugan ang mga sinabi ni Dino. Nakakainis. Ano ba kasing hindi ko alam?

Dumaan nalang muna ako sa mall at tinungo ang bear cudler. Pinili ko yung hugable teddy bear na may dalang lapis. Binili ko iyon para pan regalo kay Alice bukas? Anong okasyon? Wala! Gusto ko lang siya bigyan ng teddy bear.

Siguradong matutuwa siya nito. Pag kaalala ko ay mahilig sa teddy bear si.Alice kasi nung bata pa kami ay lagi siyang may dalang teddy bear pag pumupunta sila sa bahay. Binigyan ko din siya noong bata kami ng pink na teddy bear.

Hay Alice...Hows my life without you...

..........

comments?

when i fall in love...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon