hi! nakakatuwa naman.. kahit first time kong gumawa ng ganito eh may nagbasa pa din.. thank you po uli. pasensya na din kung medyo magulo.. magulo po ang utak ng gumagawa.....
___________
Chapter 2
Yup, definitely... I still love him...
12 years ago...
Sa playground sa subdivision...
"Len-len.. Smile na.. Andito na tayo sa playground.. Makipaglaro ka na sa mga kaibigan mo." Pilit sa akin ni yaya.
"Ayaw ko po, yaya. Sasabihin na naman po nila di ako pwedeng isali kasi wala akong Mommy." naiiyak kong sabi.
"yaya, kelan po ba uuwi si Mommy galing sa heaven?"
"Len-len..." naaawang sabi ni yaya sa akin.
"Sige, dyan ka muna.. dun lang ako ha? Makipaglaro ka na.."
at lumakad na papunta sa lilim si yaya.
Mommy, kelan ka ba uuwi? Miss na kita.
sabi ko habang nakatingin sa langit.
Umupo lang ako sa isang tabi, gusto ko mang sumali sa mga batang naglalaro eh ayaw naman nila akong isali.
Pangit na nga daw ako wala pa akong Mommy.
Naiinip na ako, patayo na ako ng may batang lalaking umupo sa gilid ko.
"Hello. Ako si Len-len. Ikaw?" bati ko sa kanya.
Ngayon ko lang sya nakita sa playground, marahil bagong lipat siya o may binisitang kakilala.
"..."
"Ano.. kapag ba ung isang tao nagpunta ng heaven, gaano sila katagal dun?"
tanong niya dito kahit di niya alam kung sasagot ba ito.
Naiiyak na siya. Miss na miss na nya ang Mommy nya.
"....."
"Hindi na sila babalik"
Napalingon ako sa sinabi nya.
"Bakit naman? Di na ba ako love ni Mommy ko kaya di na siya babalik?" tanong ko uli sa kanya.
"Ang isang tao, kapag napunta na sa heaven, ibig sabihin, namatay na di ba? Hindi na bumabalik ang taong namatay."
"Uhhaa! Uhhaa!" Iyak ko sa kanya. "Di na babalik si Mommy, di ko na makikita si Mommy.. di na din ako magkakafriends... uhaa... uhaa.."
BINABASA MO ANG
my 12-year-old love (ON HOLD)
Teen Fiction"I'm your master di ba?" "I know and I'm your slave." sabi niya sabay yuko para halikan ako.