Johnson's P.O.V.
Anthony: "Babe, wag mo kong iiwan ha."
"Never. Di ko gagawin yun babe." Habang naglalakad kami sa quadricentennial park na magkahawak ang kamay.
Anthony: "I love you babe." Sabay kiss sa noo.
Almost 5 months na rin kaming mag-boyfriend ni Anthony. May mga oras na nag-aaway kami dahil sa maliliit na bagay pero hindi yun naging hadlang para iwanan ang isa't-isa. Mahal na mahal ko ang taong to.
Pumunta kami sa palaging tambayan namin sa may P. Noval street. Isang kainan na pang-masa ang presyo ng mga pagkain. Si Anthony ang pumili ng pwesto at sa may bukana nya napiling umupo.
Nakapatong ang mga kamay namin sa lamesa habang naghihintay sa pagkain. Grabe nagugutom na ako. Naisipan kong hawakan ang kamay ni Anthony pero bigla nya itong inalis sa pagkakahawak sakin. Hinawakan kong muli ang kanyang mga kamay ngunit nagpupumiglas pa rin sya. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante sa loob.
Anthony's P.O.V.
Adik yata 'tong jowa ko eh. Nakakahiya! Pinagtitinginan na kami ng mga customers dito! Nagulat na lang ako nang bigla nyang halikan ang mga kamay ko habang hawak pa rin nya ang mga ito. Namula ako. Kinilig? Oo. Feeling ko babaeng babae ako noong mga oras na 'yon. Pero iniiwasan ko lang naman na mapagusapan sya ng mga tao sa paligid.
Nanatili kasing lihim ang relasyon namin, ayon na rin sa kagustuhan ko. Puro lalake ang mga kaibigan ni Johnson at player pa sya ng basketball. Ayokong ma-bully sya pag nalaman ng mga kaibigan nya na bakla ang jowa nya.
Pilit kong inalis ang mga kamay ko mula sa pagkakagapos nito mula sa mga kamay niya. Napansin kong nagbago ang mukha ni Johnson. Mula sa kanina'y masayahing mukha ay nabalot ito ng kalungkutan. Di rin nya ako iniimik hanggang sa dumating ang pagkain namin.
Natapos kaming kumain ngunit hindi nya pa rin ako kinikibo. Nagtampo yata talaga ang loko. Siya ang nagbayad ng mga kinain namin. Nagpasalamat ako pero parang wala syang narinig. Tuloy sya sa paglalakad palabas ng karinderya pabalik ng school. Nakakaloka ha! First time ko sya makitang magalit o magtampo. Parang sasabog ang puso ko!
Johnson's P.O.V.
Sabihin niyo nang maarte ako pero nasaktan ako eh. Para akong nireject ng babaeng nililigawan ko nang alisin nya ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ko. Hindi ko sya kinibo hanggang uwian. Siyempre hinintay ko pa rin sya para sabay na kaming umuwi pero dedma talaga. Simpleng sorry lang naman ang kailangan ko eh. Oo lalake ako pero nasasaktan din ako.
Nakasakay na kami ng bus pauwi ng Cavite. Habang nasa byahe ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Parang masaya pa siya eh oh! Nanunuod siya ng tv sa loob ng bus. Wala. Dedma. Di man lang talaga ako kausapin! Napansin kong nilabas nya ang kanyang cellphone na tila may itetext. Nag-usok ang ilong ko sa galit! Mukhang pinagpalit na ata nya ako kaya di nya ako sinusuyo. Nag vibrate ang cellphone ko kaya inilabas ko ito mula sa aking bulsa. Nagtaka ako nang makitang kay Anthony galing ang text.
"Babe, sorry na. Wag ka nang magalit sakin. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko pero ngayon pa lang nagsosorry na ako. Mahal na mahal kita. Please. Bati na tayo.
:-("
"Akala mo ba hindi ako nasaktan kanina? Habang naghihintay tayo ng pagkain sa karinderya, naaalala mo ba kung ano ang ginawa mo sa'kin?"
"Alin ba yun babe? Hindi ko talaga maalala. Ano bang maling nagawa ko kanina? Huhuhu please bati na tayo."
"Tinanggal mo lang naman ang mga kamay mo habang hawak ko. Para kang nag let go sa mga promises mo na hindi mo ko bibitawan"
"Babe, mahal na mahal kita. Sorry kung ganon yung naramdaman mo kanina. I didn't mean it. Sorry. Ayoko lang naman masira image mo sa school eh."
Shet. Ang selfish ko. Ang childish ko. Di ko naisip na concern pa rin sya sakin all this time. Image? Anong image? Wala naman sakin kung malaman ng lahat ng tao na hindi ako straight. Mahal na mahal ko si Anthony at lahat gagawin ko, para saming dalawa.
Tinago ko na ang cellphone ko sa aking bulsa. Humarap ako sakanya habang nakaupo kami sa bus. "I love you babe." Kinuha ko ang ulo nya at ipinatong ko sa kanang balikat ko. "Matulog kana muna. Alam ko kanina mo pa gustong matulog sa byahe. Babantayan kita."
Hindi ko namalayan na nakatulog rin pala ako. Nagising ako at napansin na nakayakap sakin si Anthony. Napangiti ako. Ayoko pa sana syang gisingin ngunit malapit na kaming bumaba ng bus. Ginising ko sya sa pamamagitan ng halik. Hindi sya nagising. Inulit ko. Hindi pa rin siya nagising. Kinabahan na ako. Niyugyog ko sya ng malakas. Pinulsohan ko sya. Ginising ulit. Hindi pa rin sya nagigising.
"Para! Manong para po! Emergency! Manong! Para po, may bababa!"
A/N: sorry for the late update guys. Medyo busy lang. Please vote and comment guys!
BINABASA MO ANG
Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]
RomanceThis is a story of a closeted bisexual (Johnson) and how he came out of the closet. Makikilala niya ang taong magpaparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Ang tanong, babae kaya o lalake? *Photo credits to the owner.