13

20 5 0
                                    

Raykupo. Ansakit na ng likod ko. Isang oras na kasi akong nag-aani pero hindi pa rin umaabot sa limandaang pakwan ang nakuha ko.

"460. Kaya pa ba?" Nakangising tanong ni Caesar habang pinanonood niya akong nagkakandarapa at nagkakandahirap sa pag-aani sa ilalim ng masakit na sinag ng araw samantalang patayo-tayo lang siya sa lilim ng payong niya at patawa-tawa.

I swear I'd make him pay someday. Akala niya ha. Pagbalik kong Maynila siya ang una kong ipapa-salvage. Ha! Humanda siya. Akala niya siguro walang connection si papa sa mga gun-for-hire organizations.

Naiinis na pinutol ko ang isang bunga ng pakwan mula sa baging nito saka ko ibinato sa kanya. Mas lalo akong naasar noong tumawa siya dahil nasalo niya ito.

"Akala mo laro lang 'to ha? I-try mo rin kaya para maranasan mo kung gaano kahirap mag-ani ng limandaang pakwan," nakairap na sabi ko.

"463. No thanks. I know the feeling just by looking at you. Tsaka, ayokong umitim 'no," sagot niya.

"Tsh, ngayon ko lang nalaman na mas maarte ka pa pala kaysa sa'kin ngayon. Tsaka, alam mo palang mahirap bakit mo ako tinatawanan?" I replied with so much bitterness. Langya, nalalasahan ko pa nga ang pait dito sa dila ko after kong bitawan ang mga salitang 'yon.

"Dahil mas cute pala ang balat mo kapag nasa-sunburn," he said simply.

What?

Oh my gosh, my beautiful and flawless skin. Wag naman po. Mauuwi lang sa sunburn ang weekly skin treatment ko? Hindi ako papayag!

"Oh no!" Natatarantang sabi ko. "Payungan mo ako, bilis!"

Hindi man lang siya natinag.

"Ayoko nga. Mas cute ka ngang tingnan ngayon eh, parang prinipritong hipon."

"You're such a..." Pinutol ko na agad ang sasabihin ko sana sa kanya noong napansin kong tumigil ang lahat ng mga trabahador niya para pakinggan ang pagsusungitan namin.

"I'm such a what?" He asked mockingly.

I bit my tongue to stop a scathing remark from escaping my lips. Mahirap na, baka karnehin nila ako. Ini-imagine ko pa nga lang ang pagkakatay nila sa'kin, nasusuka na ako. Since setting my eyes on these people, parang na-sense ko na mabigat ang loob nila sa'kin. Parang kapag nakatalikod ako, may binabalak sila. I'm so creeped out because they looked like freaking cannibals! But then, maybe hindi lang sila sanay na makakita ng model?

As if he knew what I'm thinking, Caesar bared out his fangs then laughed heartily when he saw me shiver slightly.

Tsh. Leche flan talaga oo, nakakaasar siya. Soooobraaa.... Gusto ko nang kalmutin ang singkit na mga mata niya. I clenched the sharp knife. To kill or be killed nga 'di ba? Ganoon lang talaga ang buhay. Parang life.

Humanda ka. Pagbalik natin sa bahay, mararanasan mo kung paano ako magalit.

"Kuya!"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses ni Ace. Pinalitan na niya ang house dress na suot niya kanina, ng isang faded blue jeans at sweatshirt. She was standing beside a very dignified-looking man surveying the area like a king would. There was an air of royalty around him which makes me jumpy. Parang ino-occupy kasi ng presence niya ang lahat nang lugar na puntahan niya.

Hindi ko ma-define ang facial features niya dahil medyo malayo sila but he looks handsome in an expensive-looking suit because of the way he wore it. With so much style and confidence. He looks every bit the business tycoon.

Chance PassengerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon