Papers

10 1 1
                                    

Nandito ako sa Hallway kung saan ako natapilok, baka kasi makita ko sya ulit. At sinabi ko kay Angel na dito na kami magkita.

"Halsey!"

Napalingon ako, si Angel na mukhang hingal na hingal.

"Oh nakipagkarera ka ba?"

"Baliw hindi!"

"Wow nabaliw pa ko" -,-

"Sorry na" tumabi sya sakin at ngumiti na abot tenga.

"May good news ka ba?" Yung ngiti ko rin abot tenga

"Yup!"

"Alam mo na name niya?"

"Hindi" bigla akong na lungkot.

"Wag ka na masad dahil alam ko naman kung saang room sya"

Biglang bumalik ang ngiti ko "Talaga?"

"Yup! Nakita ko kasi sya kanina kausap niya si Sir Daniel at sinundan ko sila"

"Anong room?"

"Room 01-A building A"

"Building A? So grade 10 sya?"

"Yup!"

"Pano yan? Hindi tayo makakapasok dun?"

"Ano ka ba ako nga nakapasok ikaw pa kaya"

"Pano? Di ba bawal?"

"Oo bawal pero kung malakas ka sa guard pwede"

"Talaga?"

"Yes gusto mo ba puntahan naten room niya mamayang recess?"

"Sige!"

Pumasok na kami sa mga room namen. Di kami magkaklase ni Angel kaya kami close yung mama niya at tita ko magkumare.

Natapos na yung klase namin. Pumunta ako sa room ni Angel. Nakita kong palabas na sya ng room.

"Angel!"

Tumakbo sya papunta sakin

"Ano punta na tayo sa building A?"

"Sige"

Lumakad na kami.

****

Papasok na kami ng building. Bigla kong hinatak braso ni Angel.

"Bakit?"

"Wag na lang kaya kinakabahan ako ehh"

"Wag kang kabahan"

"Pano pag nakita tayo ng principal o ni Sir Daniel"

"Masyado kang matatakutin, ano ka ba gumawa na ko ng paraan sinabi ko kay Ma'am Jenny na ngayon ko na lang ipapasa yung papers namin kasi nalaman ko na tuwing recess pumupunta sya dito"

"Ang utak mo talaga"

"Ako pa, ano lika na"

Pumasok na kami.

"Ano kailangan niyo?" Tanong nung guard

"Uhmm.. Kuya ibibigay lang tuh kay Ma'am Jenny"

"Ahh si Ma'am Jenny"

"Opo"

"Sige, isa lang pwedeng umakyat"

"Ho? Pwedeng kaming dalawa na lang? Please"

"Bawal"

"Sige Angel ikaw na magbigay"

"No ikaw dapat"

HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon