ROLE 70: Crying Lady

10.6K 314 12
                                    

ROLE 70: Crying Lady

Longest wedding ever. Hindi inaasahan ni Maj na aabutin ng ganito kahaba ang kasal ng bestfriend niya. Marami pa kasing kaganapang hindi inaasahan. Akala nga niya hindi na naman matutuloy ang kasal. Ayaw naman niyang iwan si Nico ng basta-basta na lang ngayong kasal niya. He was the best man after all.

Hapon na ngayon. Nawalan na si Maj ng oras para magawa ang surpresa para kay Emer. At mukhang hindi na uubra ang surpresa sa kasintahan niya lalo na't nasurpresa na sila kanina ni Kyra. Basta wala na siyang oras para ipagpatuloy ang plano niyang mag-propose. Tama magpo-propose na sana siya.

"Emer?" Tanong niya kay Emer na kanina pa sa isang sulok at nakatingin sa cellphone niya. Ngayon niya lang napansing umiiyak ito. "What's the matter?"

Walang sinagot sa kaniya. Mas lalo lang itong humagulgol. Natatakot na tuloy si Maj.

Napansin niya ang cellphone ni Emer. Walang paalam niyang kimuha sa kamay ng nobya at tiningnan ito. Mabasa niya: Family of Gov. Bernalez Reconciled. Sa article na iyon naka-attach ang isang video ng ina ni Emer. Matino siya tingnan. Walang sakit o ano pa man. Siya ang iniinterview ng media.

"My husband did a lot of mistakes in life. We all made mistakes. Ang pagkakamali ko lang nag-give up ako kagad when all he needed was me to be his anchor and to guide him in the right decision. Nag-give up ako sa mga panahong dapat ginagabayan ko rin ang mga anak ko. Now that I'm fine I want to be their light again. Gusto kong malaman nilang kaming pamilya rin ang dapat magtutulungan sa huli. Kahit papano nakapag-usap na kami. Ang anak ko na lang na si Emer ang hindi pa pero inaasahan kong magiging buo uli ang aming pamilya."

Matapos ang video na 'yon nabasa pa ni Maj na kumalat sa media ang problema ng pamilya nila, na ginagamit ngayon ng mga kalaban ang issue na ito sa pagtakbo niya bilang senador. Ngayong nagkaayos na si Gov. Bernalez at ang mga anak niya, magkasama na nilang hinaharap ang mga batikos laban sa gobernador.

Napabalik ang tingin ni Maj kay Emer. Kaagad niya itong niyakap. "It's okay," pagpapatahan niya.

"I don't know what to feel, Maj." Naghahalo ang hikbi niya sa bawat salitang sinasabi niya. "I hate him for what he've done to me, to you, to my family and to the country but there's this part of me..." humiwalay siya sa pagkakayakap at dinuro ang sarili niya, "that feels light. Like something heavy finally taken away from me."

He wiped her tears away. She was not in her glorious moment right now but in Maj eyes she was beautiful even crying. "Shh, don't cry. What you feel is love. No matter how much you hate him, he's still your father. There's always connection between the two of you."

Mas lalong nanangis si Emer. Halos buong hapon silang nakaupo sa sulok ng wedding reception at pinapatahan si Emer. Humingi pa nga ang dalaga ng alak na maiinom ngunit hindi pinayagan ni Maj. Hindi pa siya pwedeng malasing.

"Ang KJ mo. Kasal naman ngayon." Pagpupumilit ni Emer.

"Kailan ka pa nahilig uminom? Tsk! Kailangan mo na talagang umuwi sa bahay para madisiplina ka namin ni Thunder."

"Si Thunder! Kumusta na ang baby ko?" Kahit papano nagliwanag ang mukha ni Emer.

"Still waiting for you."

Nadistorbo lang silang dalawa sa sulok ng mahuli sila ni Ashley. Sexy na uli ito na tila hindi galing sa panganganak. "Now I remember where I first saw you." Nanlalaki ang mata ng bagong dating na babae kay Emer.

Wala pang nasasabi si Ashley napangisi na si Maj.

"That audition! You're the girl who destroyed the table!" Manghang bulalas ni Ashley. "I know you'll be amazing. Ayaw lang sayo ni Maj at ni Rex... sorry." Natigilan siya nang mabanggit ang pangalan ng lalaking nanloko sa MJ Entertainment.

"It's fine. Actually, natrace na namin kung nasaan si Rex." Maj said but didn't gave enough info. Hindi na kailangan. Sa ngiti pa lang niya parang panatag siyang magiging ayos na ang lahat.

Napansin naman iyon ni Ashley. "That's good,"

"Kaya kailangan mo nang bumalik sa Pilipinas para matulungan mo akong maibangon ang MJ. You're one of my greatest model."

"I am your greatest not just one of them." Pagmamayabang ng babae. "But I can't just go back. May baby na ako at hindi na lang ako ang de-decide sa sarili ko ngayon." Umirap siya na tila ba hindi siya natutuwang magkapamilya.

Maya-maya pa nagsilapitan ang iba pang kaibigan ni Maj. May games daw para sa mga groomsmen. Nahatak na lang siya kahit ayaw niya iwanan ang kaniyang nobya.

Masyado siyang mag-enjoy sa games nila nalingat tuloy siya ng tingin kay Emer. Naabutan niya itong may kausap na babae, nakikipagtawanan at umiinom ng cocktail!

Pupuntahan niya sana ito pero pinigilan siya ni Nico. Inabot sa kaniya ang garter.

"I'm sorry for ruining your plan of proposing to her. I'll just give you this opportunity." Nakangiting sabi ng matalik niyang kaibigan.

"Paging Emer Bernalez!" Sumigaw naman si Kyra sa mic at winawagayway ang bouquet. "You must have this!"

May mga umamgal na mga babaeng ka-sorority ni Kyra pero wala na silang nagawa. Decided na silang kay Maj at Emer ibigay ang bulaklak.

Emer went at the middle looking tippsy. Eto ang ayaw mangyari ni Maj. Hindi siya dapat malasing lalo na kung may chance siya ngayong mag-propose.

"Another set-up for us Maj!" Simigaw si Emer. Iniabot ang hawak niyang cocktail sa kung sino at kinuha kay Kyra ang bouquet. Naalala siguro ni Emer ang nangyari noong kasal ng kapatid ni Maj na sila ring dalawa ang nakatanggap ng flower at garter.

Nilapitan tuloy ng nobyo si Emer na nahihiya at nag-aalala. "Sabi ko namang 'wag kang iinom. Ang hina mo talaga sa alak."

"Surprisingly I'm not stammering or panicking." Sabi ni Emer na halos wala sa focus ang tingin. "I'm just turning 24 but I don't mind marrying you right now."

Naghiyawan naman ang mga nakarinig sa sinabi ni Emer. Nagtawanan kasi mas nauna pa raw nag-propose ang babae.

Napkamot ulo na lang si Maj at Nico. Pati ba naman ang planong ito nabulilyaso. Malas ata itong araw na ito.

-----<3

One last chapter tapos epilogue na!!! Comment and vote! Konti na lang po matatapos na tayo huhu!

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon