Chapter 17

307 33 4
                                    


Dedicate kay TwinCatSoul dahil nanalo kami xD at dahil sabi niya matutulog na siya pero hindi pa pala kasi binabasa pa niya yung bagong update ko, hihihi ^///^ thanks ate Kyla :D


Bruce POV


Dr. HERNANDEZ?

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa nakita ko. Hindi ko alam kung totoo ba yun o namalikmata lang ako kasi magkamukhang-magkamukha sila ni papa.

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Joanna ang braso ko.

"Kuya," nag-aalalang tawag niya sa akin.

"Kamusta na nga pala siya?" pag-iiba ko ng atensyon.

"Ayos naman na raw siya sabi ng doctor. Hindi naman daw malala ang natamo niyang tama sa ulo dala ng boteng ipinukpok sa kaniya. Magigising rin daw siya maya-maya o baka bukas," pagpapaliwanag ni Dyle.

"Eh kamusta naman yung mga gumawa sa kaniya niyan?" tanong ni Joanna.

"Sa totoo lang, dapat paalis na ako kanina at papunta sa barangay niyo para kausapin ang mga mokong na yun nang makita ko kayo doon kanina," pagpapaliwanag ni Dyle.

"Hay, sana maging maayos na agad ang lagay niya. Gusto mo kami muna ni kuya Bruce ang magbantay habang pinuputahan mo yung mga mokong nangbugbog sa kaniya?" saad ni Joy.

"Naku wag na. Gabi na at sobrang laking abala na ito sa inyo," pagtanggi ni Dyle.

"No Dyle, sige na pumunta ka na. Kaysa naman pag gising ni Kyle eh wala siyang makitang tao. Malay mo may kailanganin siya at hindi siya makakilos di ba?" pagpupumilit ni Joanna.

"Hay, sige na nga. Maraming salamat," wika ni Dyle.

"Okay lang yun, sige na puntahan mo na para makabalik ka kaagad," saad ni Joanna.

*

*

*

Umalis na si Dyle at kami nalang ni Joanna ang nagbantay kay Kyle. Tahimik lang kaming dalawa at hindi na namin pinag-usapan yung tungkol kay Dr. Hernandez.

"Ah, gusto mo ng makakain?" pagbasag ko ng katahimikan.

Umiling naman siya.

"Wag na kuya," saad niya at saka ngumiti.

"Weh? Ayaw mo?" pangungulit ko sa kaniya at saka siya muling umiling.

"Ok, ako na lang pala. Gutom na ako eh. Hanap muna ako makakain, balikan kita rito." saad ko sa kaniya. Malamang hindi na yan makapagtiis, o-oo na rin yan.

Nagpout siya bigla kaya natawa ako. haha. Ang dali naman niya sumuko.

"Ang bilis mo naman magutom, kakakain mo lang ng mami kanina eh. Balik ka kaagad huh? Kahit ano na lang sa akin," sabi niya tsaka ngumiti ng parang bata.

"Hahaha. Ikaw talaga. Pabebe ka kamo, gutom na ayaw pang umamin," sabi ko saka muling tumawa. Nakita ko na naman siyang nagpout. Mas lalo akong natawa.

"Oh siya, sige. Sandali lang ako. Babalik rin ako agad," paalam ko sa kaniya at lumabas ng kwarto.

*

*

*

Lumabas ako sa ospital at pumunta sa ministop na ilang metro lang ang layo.

*

*

Bumili lang naman ako ng ilang cup noodles, siopao, at instant coffee. Kumuha na rin ako ng mga junk foods at mineral water saka ko binayaran sa counter. May mainit na tubig naman sa hospital at may magagamit naman kaming utensils doon kaya doon ko na lang ipreprepare baka matapon pa eh.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon