Adriel's POV
A young girl living alone in the woods? Weird. Pero sabagay, isa siyang Flora, may koneksyon siya sa mga halaman. Pero walang tumitira sa kagubatang to, maliban nalang kung--
''Alastor.'' May tumawag sakin kasabay ng pagtawa niya sa nakakapangilabot na tono.
Napahinto ako sa paglalakad. Boses matanda ang tumawag sakin.
I turned to face her. Sinasabi ko na nga ba! Mangkukulam ang batang babae na tinulungan ko!
I felt it. Pero isinantabi ko lang ang pagdududa ko sa kanya dahil naalala ko pa rin na nagduda din ako kay Henry.
Tinitigan ko lang siya ng kalmado. I know I'm too weak to fight her, pero hindi ako natatakot.
''Masyado kang naging bastos! Hindi ka marunong gumalang!'' Galit na sigaw niya sakin.
''Hindi ako gumagalang sa mga panget.'' Kalmadong sabi ko sa kanya.
Nakalutang siya a few meters from the ground. Nakasakay sa walis tingting. Nakalaylay ang mahaba at itim niyang robe at ang dulo ng pointed shoes lang niya ang makikita. Nakasuot din siya ng pointed hat na nakalukot papuntang likuran at nakalabas ng kaunti ang kulot na buhaghag at frizzy niyang hair. Ts! Palmolive lang katapat niyan. Tsk anu ba yan Ad, kung anu anu sinasabi mo.
''Panget?'' Tumawa siya ng parang baliw, ''wait until I cook your meat and ate your heart, manunumbalik ang kagandahan ko!'' Tinaas niya ang kamay niya na nakabaluktot ang kulubot na mahahabang daliri at kuko saka tumawa.
Laptrip pala tong mangkukulam na toh eh!
Hindi ako nagsalita. Wala na kong lakas para lumaban. Kung tatakas man ako, eh sa laki ba naman ng butas ng ilong ng witch na to eh matutunton din niya ko.
''Nagugutom na ko, nakahanda na rin ang paglulutuan ko sayo. '' tumawa ulit siya.
''T*ngna mo kabagan ka sana.''
Nadidim*nyo na talaga ko sa hinayupak na to.
''I can't wait.'' Naglabas siya ng wand.
Nadistinguish ko agad kung anung type iyon. Demonic Aconite root. Isang ugat ng nakalalasong halaman.
Dala ko rin ang wand ko. Hindi ko tinatanggal iyon sa jacket ko. Pero hindi ko ginagamit.
She muttered a spell and dark smoke started forming at the tip of her wand.
Take this chance, tinaas ko ang kanang kamay ko, just in front of my face, nakafold lahat ng daliri ko except sa index at middle finger.
I closed my eyes and concentrated. Nagbago ang suot ko, the leather jacket was gone, it was replaced by a red vest with black trimming. May mga naka drawing na apoy sa likod at harap ng vest na hanggang baba ng hips ko.
nag-iba rin ang pants ko, napalitan ito ng black at nagkaroon ako ng black titanium boots na may carvings na hugis apoy. Ganun din ang armband.
A huge belt was fastened on my waist with the fire symbol on it's buckle. A cape of red silk appeared on my back.
The witch's spell was ready. I concentrated again. My cape disappeared but two large wings with flaming red feathers replaced it.
Scorcher Phoenix's Firefeather. Yun ang tawag sa pakpak na kaya kong i-summon.
The witch pointed her wand at me. The black swirling smoke flew straight at my direction.
I bent and touched the ground, and, with my remaining power,I jumped and flew upwards, leaving a circle of flame on the ground.
Nakalagpas ako sa treetops at huminto ako para tingnan kung sumunod ang witch.
She soared up from the green sea of treetops below, riding in her broomstick. Mukhang malala pa ata sa Nimbus two-thousand ni Harry Potter yung tingting niya ah. I wonder kung ginagamit niya yan sa bakuran nila, pero wala na kong time alamin pa.
Lumipad ako ng mabilis palayo sa kanya. I looked back at her, nakatutok sakin ang wand niya at walang tigil akong pinapatamaan ng mga dark smoke.
Paliko liko ako at iniilagan ang tira niya. Panu panu? Ad matalino ka, mag isip ka ng paraan.
Sa di kalayuan, may nakita akong pugad ng Garuda (malalaking eagle-like birds, about the size of a small house.)
Malayo pa ito pero kitang kita na ito sa tree top ng isang malaking ironwood tree.
Sana gumana to. Pinatamaan ko ng fireball ang pugad mga ilang metro na lang layo.
Maya-maya, lumipad paitaas ang Garudang may ari ng pugad. The bird sighted me and flew straight at my direction, talons spread out.
Nilingon ko ang witch, pinatamaan ulit niya ako ng lason niya. Inilagan ko ito at ibinalik ang tingin ko sa Garuda sa harapan ko . Lapit, lapit ,lapit. Ilang metro nalang ang layo sakin ng mga kuko ng garuda when...
I swooped down, and the Garuda's claws caught the ugly witch instead of me.
Oh yeah, good job Ad, astig mo talaga!
---
Jess' POVNaglalakad na ulit kami ni Henry. Halos papasikat pa lang ang araw ng umalis kami ng Falls.
Normal na rin ang kinikilos ni Henry. Makulit na ulit at pang-asar. Mas mabuti na yon.
Madilim ang part ng gubat na to. Nakashape ang mga puno sa nakakatakot na way. Parang pang horror, and the were leafless. The ground has many cracks due to the lack of moisture.
Nakakapit ako ng mahigpit sa kapa ni Henry at nagmamasid sa paligid.
''Nakakatakot naman dito.'' Bulong ko kay Henry.
''Haha. Duwag ka lang talaga palusot pa.''
Tinignan ko lang siya ng masama. Ang dilim dilim ng part na to. Horror talaga.
May narinig akong tumatakbo sa likuran namin. Mabilis akong lumingon. Wala. Pero narinig ko talaga, parang hooves ng kabayo yung tunog.
Hindi nag-react si Henry. Imagination ko lang siguro.
Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Maya maya, narinig ko nanaman ang sound na parang may tumatakbo sa likuran namin.
Lumingon ulit ako, may nahagip ang paningin ko na parang may nagtago sa likod ng isang puno pero hindi ko madistinguish kung ano.
''Henry, parang may sumusunod satin.''
I tugged at his sleeves. He looked down at me.
''Wala.''
Lumingon ulit ako sa likod. Wala nga.
And then I heard it again, this time it was getting louder and closer.
''Henry!''
Lumingon siya at nagulat. Lumingon din ako at nakita ko ang isang centaur. A brown centaur. He was wearing a metal armour and a metal helm. Mayroon din siyang metal boots, apat. There were weapons strapped on his back. An axe, several arrows, a sword and spears. May mga pattern siya sa katawan.
Nakataas ang pana niya at nakatutok ito samin. His fierce, black eyes fixed on us.
Humarang sakin si Henry.
''Prince.'' The centaur said in a loud, rough voice. He lowered his weapon. Nag bow siya kay Henry.
''Grah Centaurchief.'' Nag warrior salute sa kanya si Henry. Anu to?
''Pasensya na, akala ko mga outsider kayo. I'll go.'' Tumalikod na yung Grah at tumakbo palayo. Nagki-clink yung mga metal na suot niya.
''Pinuno siya ng mga centaurs. He saved me once.'' Naglakad na ulit si Henry at sumunod na ko.
May natanaw akong gate sa di kalayuan.
''Makakalabas na tayo.'' Sabi ni
Henry.Narating namin ang gate. Dalawang puno ito na nagfo-form ng arch at merong mga vines.
Lumapit ako sa mga vines at laking gulat ko nalang ng gumalaw ang mga ito at tinulak ako palayo.
''Aray!''
''Aray!''
Tinignan ko si Henry.
''Ginagaya mo ba ko?''
''Ginagaya mo ba ko?''
Hindi bumuka ang bibig niya pero may gumagaya ng sinasabi ko.
Kinilabutan ako at tumingin sa paligid---
''WAAAAH!!!!''
''WAAAAH!!!!''
isang malaki at pangit na paniki ang nakabaligtad sa taas ng gate.
Siya ang gumagaya sakin!''Jess, isa siyang Lamphrey, gagayahin niya lahat ng sasabihin mo, at para makalabas tayo, kaylangan may word tayong sasabihin na hindi niya kayang gayahin.'' Paliwanag ni Henry.
''Jess, isa siyang Lamphrey, gagayahin niya lahat ng sasabihin mo, at para makalabas tayo, kaylangan may word tayong sasabihin na hindi niya kayang gayahin.'' The Lamphrey imitated him.
''Pero, panu? Ang galing niyang manggaya?'' Tanung ko.
''Pero, panu? Ang galing niyang manggaya?''gaya gaya na lamphrey.
Alam ko na.
''Ang panget ko!'' Sigaw ko. Nagpigil ng tawa si Henry.
''Ang panget ko!'' Gaya ng lamphrey.
''Talagang panget kang hinayupak na Lamphrey ka!'' Asar na sigaw ko sa Lamphrey.
''Talagang panget kang hinayupak na Lamphrey ka!'' Gaya niya.
Biglang nagsalita si Henry.
''Gwapo si Henry.''''Gwapo si Henry.'' Ginaya siya ng Lamphrey.
''Oh diba? Ang gwapo ko daw.'' Bulong niya sakin.
''Panget si Henry!'' Sigaw ko.
''Panget si Henry.'' Lamphrey.
''Panget si Jess.'' Henry.
''Panget si Jess.'' Lamphrey.
''Impakto si Henry.'' Ako
''Impakto si Henry.'' Lamphrey.
''Hahaha.'' Ako
''Hahaha.'' Lamphrey.
Nakita kong nag make-face si Henry. Anu bang gagawin namin para makalabas? Epal na Lamphrey to!
''Aha! I knew it!'' sigaw ko. Ginaya ako ng lamphrey.
Huminga ako ng malalim at--
''Peter piper picked a peck of pickled pepper. A peck of pickled pepper Peter Piper picked. If Peter Piper picked a peck of pickled peppers, how many pecked of pickled pepper Peter Piper picked?''
Silence.
The vines gave way, and the gate opened.