Ilang minuto akong nag inhale exhale para maalis yung kabwisitang nararamdaman ko sa lahat nang kamalasan ko ngayon.Napagtanto kong baka pwede ako matulungan ni Mama's boy maghanap nang trabaho.Kung kinakailangan magpaawa ako,magpacute, mag puppy eyes o kaya naman iblack mail siya ay gagawin ko.Kailangan ko na makahap nang trabaho, nauubos na yung allowance na ibinigay nila sa akin.
Dali-dali akong naglakad papasok uli sa Restobar at hinanap siya. Nahagip naman siya nang paningin ko na kausap yung may-ari. Hmmm.mukhang malapit sila ah.Tamang tama talagang naisip ko na sa kanya lumapit.Pa-I need to go pang nalalaman,hindi naman pala aalis.Tsk.
Lalapit na sana ako sa kanya nang biglang may humarang sa dinadaanan ko.Tiningnan ko ito nang matalim
"Hey, sexy,can I take you out." malandi nitong sabi at saka nag smirk.
"I'm sorry , I'm not a G.R.O. ,so can you please be out of my way! inis na inis kong sabi sa kanya.
Tinapakan ko naman yung paa niya at nakita kong napangiwi ito.Maglalakad na sana ako ulit nang bigla nitong hinawakan ang pwet ko. Kumulo naman ang dugo ko at agad ko siyang sinampal.
"Bastos ka!Bastos ka!"Ilang beses ko pa siyang pinagsasampal ngunit ngumingisi lang ito. Bigla niyang hinablot yung dalawa kong kamay.
"Get your hands off me.."Ano ba!Nasasaktan na ko!halos maiyak na ko sa higpit nang pagkakahawak niya sa akin.Ngumisi siya ulit at akmang hahalikan sana ako nang biglang may sumuntok sa kanya at bumulagta nalang siya sa sahig.
Jazz's POV:
"Uy gurl, tumahan ka na. Wag kang mag alala,hindi na babalik yung mga manyakis na yun." pag-alo sa kanya ni Leila, Girlfriend ni Liam.
"S-salamat sayo ha." umiiyak paring sabi ni Ms. Famous
"Wag ka sakin magpasalamat. Hindi naman ako d tumulong sayo eh.Siya o..." sabi ulit ni Leila
Tumingin siya sa akin.Akala ko magpapasalamat na siya sa akin pero bigla lang niya kong inirapan.
Walang utang na loob!Matapos ko siyang tulungan...
Flashback:
Nagmamadali akong umalis nang bahay.Late na din kasi ako sa shift ko .I'm working as a part time singer sa Restobar na pagmamay-ari ni Tito, daddy ni Liam.Malaking tulong sa akin itong work na ito dahil natutustusan ko yung pag aaral ko at hindi ko na kailangan humingi pa kay Mama.Dalawang kanto lang naman yung layo nang restobar sa amin kaya tinakbo ko nalang.Hingal na hingal ako nang makarating dito. Nakita ko naman na may nagtitinda nang sago't gulaman kaya bumili ako.Uhaw na kasi ako. Binilisan ko yung lakad ko at habang umiinom ako ay may nakasalubong ako't natapon yung iniinom ko. Sobrang inis ang naramdaman ko nang makitang si Ms.Famous na naman ang sumira nang araw ko.
Ayyts.Sayang yung sago't gulaman ko!