Ang bawat matagumpay na manunulat ay may kwento, may hirap na pinagdaanan at mga karanasan na nagbibigay inspirasyon at katuturan sa kanilang buhay. Sa kwentong ito, makikilala natin si Paolo na nagsumikap sa kanyang pag aaral para makamit ang kanyang pangarap, na katulad din ng iba pang estudyante sa kolehiyo. Kasama ang mga kaibigan niyang tumulong, gumabay, at nagbigay saya sa masalimuot niyang buhay.
Sa isang kilala bilang may pinaka magulong lugar sa Maynila, dito lumaki si Paolo, sa Tondo. Bata pa ay mulat na siya sa masasamang gawain ng mga taong nasa paligid niya, lalo na sa pamilya. Bunso si Paolo sa tatlong magkakapatid na lalaki, ang dalawa ay nagtatrabaho na, bilang snatcher sa lugar. Ang mga magulang nama’y pumanaw na noong maliit pa siya, sa kadahilanang nasobrahan sa bisyo si nanay, at nalulong sa larong BINGO. Ang tatay nama’y nabaril ng mga pulis dahil nang-kidnap. Sariling sikap si Paolo sa pag-aaral dahil wala rin naman siyang mapapala sa dalawang kuya niya, nagta-trabaho sya bilang crew sa Mcdonald, nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo sa kursong Engineering. Pala-kaibigan, masayahing tao, masipag, pero mahina. Puro tres karamihan ang nakukuha niya. Problema sa bahay, problema pa sa eskwelahan. Pilit naman niyang inu-unawa ang lahat ng bagay, pero kulang pa rin. Isang magandang balita para sa kanya, hindi siya nag-iisa. Sa katunayan, lahat sila naghihirap, kahit anong kurso pa meron ka. Doble-tripleng sikap pa para siguro mapasa mo lahat ng subject. Whew! Matinding pagsubok para sa mga mag-aaral. Mabuti na lang nandyan sina Gerald, na nasa kolehiyo na rin na tumutulong sa mga projects ‘pag pagod na si Paolo galing trabaho, at Alexander na natatrabaho na din na minsan dinadagdagan ang baon ni Paolo. Buti na lang matino ang dalawang ‘to, maaasahan, tunay na kaibigan, maloloko nga lang. Sa bawat araw ng buhay ni Poalo, para siyang babae na nagsususlat sa diary notebook. Oo, may diary siya, Habang sinusulat niya kung anong nangyari sa buhay niya sa araw din na iyon, nakita niya kung gaano kasalimuot ang buhay niya. Naisip nito na subukang isulat ang buong buhay niya sa libro. Trip lang. Natapos ang tatlong buwan, tapos na din ang gawa niya. “May talent pala ako?” Unang pumasok sa kukote niya. Lubus-lubusin na, subukin nang ipa-publish.
Nakalipas ang ilan pang buwan, mga taon, makikita mo na ang mga librong may karanasan, nakapagbibigay katuturan sa bawat kabataan, mag-aaral, tambay, snatcher, holdaper, kidnapper, mga sugarol at adik sa BINGO. Mga librong sinulat ni 'Paolo Kamanghaan'. Natapos niya ang pag-aaral, nagkaroon ng magandang trabaho, at trabaho sa pagsulat. Minsan ang hilig natin sa isang bagay ay nakapag bibigay ng daan para makita ang tunay na tayo. Magsumikap lang, huwag sumuko sa kung anong problemang meron ka ngayon, magdasal. Maniwala sa katagang, ‘pag may tyaga, may nilaga. Dahil sulit ‘pag may pinaghirapan ka.