"Ordinaryong babae lang si Pakita – nickname niya lang, ang tunay niya kasing pangalan Pilomina Aurora Kita. Hindi kagandahan, hindi rin naman ubod ng pangit, simple lang, yung hindi kapansin –pansin. Abot hanggang balikat ang buhok. Di katangusan ang ilong. Kahit anong suotin ok lang, yun bagang pang t-shirt at maong pants lang na babae. Kahit make-up'an mo ganun parin hitsura niya, mas maayos nga ata kung wala eh. Kung boobs naman pag-uusapan natin, uhhhmmmm, kasi wala akong alam sa mga cap cap eh basta hindi kalakihan, minsan nga parang magic eh kelangan mo pang hanapin. Pero nag-eexist naman siya. Yun nga lang, hindi lang talaga siya yung tulad na iba na talk of the town.
Isang semester na lang gagraduate na si Pakita sa kolehiyo at siya na lang ata sa mga kaklase niya sa kursong Broadcast Arts ang wala pang, ni isa, na manliligaw.
Tulad ng ibang babae, pakipot din si Pakita, hindi magigive in agad agad kahit ganun lang ang hitsura niya, pero hindi naman niya nagagamit iyon kasi nga wala din namang nagtatangka. At tulad din ng ibang babae sa kurso niya, minsan, lumalandi din siya, yung landi na tinutukoy ko hindi yung landing iniisip niyo ah. Ang ibig kong sabihin, nagkaka-crush din siya at kinikilig din pag may dadaan na pogi sa harapan niya halimbawa.
Si Pakita, hindi naiiba sa ibang ordinaryong babae, alam niya kung ano ang gusto niya at sa kahit anong paraan ginagawa niya ang lahat makuha lang ito.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Pakita
RomanceAng paguwi na iyon ay hindi na bago kay Pakita. Sa pilahan ng tricycle, sasakay siya, maghihintay mapuno hanggang sa umandar ang tricycle, ibaba siya ng tricycle driver sa palengke, sasakay siya ng isa pang tricycle hanggang sa makauwi na siya ng ba...