Henry's POV
Naglakad lang ako pauwi kahit meron akong bike dahil naisip ko na ganyong oras magandang maglakad.
Ang lamig talaga ng hangin pagabi na, ang ganda pa ng kulay ng langit. Minsan pink, minsan violet, minsan orange at yellow. Natutuwa ako dahil halos hindi nagkaka-parehas kada-araw ang shades ng kulay.
Nakita ko ang isang bahay na kulay gray at puti na may bakal na gate. Di ito gaanong kalakihan pero malalaman mo agad na malaki ito para sa isang pamilya.
Nang nakita ko ito, agad akong pumunta para pumasok na at magpahinga, pero naalala ko na may handa nga pala si mama kaya kakain muna kami.
Pinindot ko ang doorbell at naghintay.
Habang naghihintay ay pinansin ko ang mabagal na pag-palit ng kulay red at yellow na langit sa itim.
Napansin kong medyo matagal na rij akong naghihintay at nanonood sa langit kaya inikot ko na lang ang doorknob. Bukas ito. Nakalimutan ko sigurong isara bago ako umalis at di rin ito napansin ni mama.
Pag-pasok ko sa bahay, naabutan ko si mama na hinahanda yung kakainan namin. Napansin niya ako kaya napalingon siya.
"Oh anak, sakto ka! Kakain na tayo," yaya ni mama.
Napansin kong medyo basa yung mukha niya. Sigurado akong kaka-iyak niya lang.
"Sige po, ma!" Sagot ko.
Umupo na ako sa upuan.
"Kamusta nga pala basketball? Ikaw ba nanalo?" Tanong ni mama.
"Ah, hindi po pala kami nagbasketball. Tinatamad daw po siya eh, at saka nag-bake siya ng blueberry cheesecake," sagot ko.
"Ahh ganon ba? Siguro busog ka na," sabi ni mama.
Medyo lumungkot ang mata niya pero di niya pinapakita sa akin masyado kaya tumigil muna ako sa pagsasandok.
"Hindi po ma. Konti lang po kinain ko para makakain ako ng maraming niluto niyo. Ang sarap kaya nito, 'di dapat palampasin," Sabay ngiti ko nang napaka-laki.
Ngumisi si mama, "sus! Nambola pa! Kumain ka nga lang diyan, baka bumilog pa ulo ko." Sabay tawa niya.
"I'm just telling the truth mom, nothing but the truth," sabi ko habang tumatango.
"Sige na nga! Kain lang nang kain ah!" Sabi ni mama habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Don't You Dare Fall In Love With Me (COMPLETED) (Under Major Revision)
Teen FictionWhy do you need to look far if what you're looking for is right beside you? But why do you realize it when it's too late? Story written by: Jean Fulo/MariaClaraKuno