"Pakisilent mo or turn off mo ito"
Malumanay na utos ni sir Akihito.Umupo ako at hinanap ang cellphone.
Akmang ilalabas ko ito ng mapansin kong nakatingin ang lahat ng mga kaklase ko sa akin.
Para silang tanga na nag aabang ng diyamante na ilalabas ko sa bag ko.
"Parang hindi pa kayo nakakakita ng ganitong cellphone ah!"
Seryoso ang mukha kong sabi.
Itinaas ko ito. "Oh, eto tignan nyo..... Ngayon, tao na kayo huh!?"Narinig kong humagikhik si Aya.
"Saan mo ba nakuha yang cellphone na yan!?"
"Sa lolo ko,binigay sa akin kanina"
"Diba, patay na lolo mo!?" Nagtatakang tanong ni Aya.
"Nabuhay, sa katauhan ni Master Hatsuki Kurt Yato"
Nanlaki ang mata nito.
"Nooooooo waaaayyyy!"
Biglang bulalas ni Aya. Napatayo pa ito.Syempre, center of attention na naman kami.
Pati si sir Akihito nagulat din.
"Sanchez, what's wrong?"
Tanong ni sir Akihito.Namula si Aya. Umiling ito at dahan dahang umupo.
"Weirdo!"
Narinig kong sabi ni Jiro.
Tinignan ito ni Aya ng matalim.
Umiling-iling ako. Hindi pa rin nagbabago ang dalawa.
Pag nagkataon itong dalawang ito ang magkakatuluyan."So? Ikaw yung napapabalitang alipin ni Hatsuki Yato, yung tumuhod sa badboy prince ng Zena Academy!?"
Dumukdok ako sa lamesa.
"Walang iba!"
Napasinghap ito.
"Oh My G.!! Your in trouble, Sakiya. I heard na naknakan daw ng sungit, walang modo at walang awa si Hatsuki Yato mapababae o lalaki man ito"
Napatingin ako kay Aya. Kita ko sa mukha nito ang pagkabahala.
"At tiyak dahil sa ginawa mo paparusahan ka ng higit pa sa ginawa mo sa kanya. Sobrang sadista daw ito.. Sakiya, bakit mo kasi ginawa yun?"
Wow hah!? Bakit ako ang sinisisi mo. Tanungin mo itong Author na nagsusulat sa kwentong ito.
Dahil ako walang kaide-idea sa mangyayari sa akin.
Kung totoo man ang sinabi ni Aya
Hindi naman ako papayag.
Natapos ang subject ni sir Akihito na wala akong naintidihan.
Lunch break!
Pagka alis na pagka alis palang ng teacher namin, kaagad akong dinumog ng mga kaklase ko especially yung mga babae. Pinalibutan ako.
"Miya, totoo ba na muntik ka ng halikan ni Prince Yato!?"
Tanong ng isang babae."Totoo ba na official alalay ka na ni prince Yato!?"- Girl Classmate.
" Anong pakiramdam ng hawakan ka ni Prince Yato?"
"Nakilala mo na rin ba ang mga kasamahan ni Prince Yato"
Sunod-sunod nilang tanong.
Darn, ang init!!!
Ano bang mga to!?
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Friend
HumorMay kakilala ba kayong babae na sobrang astig pero sobrang manhid din. Yung tipong lahat ng kaedad nya may boyfriend/girlfriend na pero siya hindi man lang alam ang salitang crush o hindi man lang nito alam ang salitang kilig. Yung tipong nag eemote...