Regret 12

5.1K 82 5
                                    

Reign's POV

Wala kaming pasok ngayon at nabalitaan ko ang nangyari kina Evan at Giovanna.

Maaga akong pumunta sa condo ni Evan dahil alam kong ngayon ay miserable na iyon.

Nang nasa tapat na'ko ng pintuan niya ay nagdoorbell na'ko.

Ilang minuto pa akong naroon ngunit hindi niya iyon binubuksan.Napagpasyahan kong pihitin ang doorknob at nagulat ako ng hindi pala iyon nakalock.

Dali dali akong pumasok sa loob at bumungad sakin ang sobrang gulong condo,lahat ng gamit niya ay nakakalat.Andami ring basag na bote.Dahan dahan akong naglakad papasok at hinanap kung nasan si Evan at agad ko naman siyang nakita sa kwarto niya na natutulog.Ang ulo niya ay nasa kama at ang paa niya ay nasa sahig.

Kung ano ang dinatnan ko sa living room ay ganoon din ang bumungad sakin sa kwarto niya.Gulo gulo ang bedsheet.Ang ilang pictures din nila ni Giovanna ay basag.May mga bote din doon ng beer.

'Ano bang nangyayari sayo Evan?'

"Evan?Evan?" saad ko atsaka tinapik siya sa balikat.

Agad naman niyang tinabig ang kamay ko.Nang magdikit ang mga kamay namin ay naramdaman ko ang init niya

"Giovanna mahal na mahal kita" bulong niya habang nakapikit

Hinipo ko ang noo at ang leeg niya at tama nga ang hinala ko.

'May lagnat siya'

Lumabas ako ng kwarto niya at nilinis ang mga kalat sa sala.Tinapon ko ang mga basag na bote at winalis ang iba pang kalat.Nilagay ko rin sa tamang pwesto ang maliit na lamesa na noo'y nakatumba.

Nang matapos akong linisin iyon ay bumalik ako sa kwarto niya para gisingin ulit siya.

"Evan?Evan gising.Dun ka muna humiga sa sofa sa labas" sabi ko habang tinutusok tusok ang pisngi niya pero hindi ito nagpatinag.

Napabuntong hininga nalang ako atsaka isinakbit ang isa niyang kamay sa balikat ko para itayo.

Ugh.Ambigat >_<

Dahan dahan ko siyang inalalayan para hindi niya matapakan ang ilang bubog doon.

Nang makalabas na kami ay pinahiga ko siya sa sofa doon.

Grabe ang init niya. >\\\<

Pumasok ulit ako sa kwarto niya at yun naman ang nilinis.Pinalitan ko din ang bedsheet niya pati narin ang ilang punda ng unan.

Nang matapos ko iyong ayusin ay binuhat ko ulit siya at nilipat na sa kwarto niya para mas maging komportable siya.

Pumunta narin ako sa kitchen niya at napailing nalang dahil hinayaan niyang bukas ang ref niya.Naghanap ako ng pwede ko doong maluto at hindi naman ako nabigo dahil nakakita ako ng ilang sangkap para makagawa ako ng sopas.

Habang hinihintay kong kumulo ang elbow macaroni ay nagpakulo rin ako ng tubig at naghanap ng face towel para punasan siya.

Nang kumulo na ang tubig ay nilagay ko ito sa isang maliit na basin at pumunta narin sa kwarto niya.

Tinanggalan ko siya ng damit para punasan ang katawan niya.Nakapikit ako habang ginagawa ko iyon.

Ayokong makita ang kanyang abs >_<

Binihisan ko narin siya damit at nilagay sa noo niya ang maliit na towel.

Nang matapos kong gawin iyon ay bumalik ako sa kusina para maghiwa ng sibuyas,bawang at carrots.Nang lumambot na ang elbow macaroni ay inilagay ko na ang iba pang sangkap.

You'll also like

          

Naghanap rin ako sa medicine kit niya ng gamot.

Buti nalang kumpleto siya dito.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay naluto narin ito.Tinikman ko ito at tamang tama lang naman ang lasa.

Dinalhan ko si Evan ng pagkain sa kwarto niya.Inilapag ko sa bedside table niya ang tray na buhat buhat ko.

Nagulat naman ako nang makita ko itong gising.

"E-evan gising ka na pala.Kumain ka muna,pinagluto kita ng sopas." malumanay na sabi ko

"Anong ginagawa mo dito?" blankong sabi niya

"Nabalitaan ko yung n-nangyari sa inyo kaya napag isipan ko na pumunta dito." nakatungong sagot ko

"Nagbreak na kami ni Giovanna.Masaya kana?"

"E-evan,gusto kong malaman mo na nalulungkot ako sa nangyari sa inyo"

"Nalulungkot ka?Eh diba yun naman yung gusto mo?Ang maghiwalay kami para ikaw ang magustuhan ko?" may kalakasang sabi niya

"Evan hindi ako pumunta dito para makipagtalo sayo,pumunta ako dito para alagaan ka." sagot ko

Bahagya naman siyang tumawa atsaka nagsalita.

"Umalis kana.Hindi ko kailangan ang pag-aalaga mo" biglang seryosong sabi niya

"P-pero Evan may lagnat ka" kontra ko

"Umalis kana,kaya ko ang sarili ko" aniya

"Hindi naman ako magtatagal dito Evan.Kainin mo lang yung niluto ko at uminom ka lang ng gamot,panatag na'ko." nag-aalalang sabi ko

Hindi naman siya sumagot at tinitigan lang ako.

Kinuha ko yung sopas at akmang susubuan siya nang bigla niya itong tabigin palayo dahilan para matapon ito sakin.

"Sabi nang kaya ko ang sarili ko eh!Bakit ba ang kulit mo?!" sigaw niya sakin

"Evan kumain ka,kailangan mong uminom ng gamot."mahinahon paring sabi ko

Agad kong nilagay ulit sa tray ang bowl.

"Ayoko sabing kumain eh!Umalis kana!" sigaw niyang muli atsaka tinapon ang tray.

Napapikit nalang ako dahil sakin natapon ang mainit na sopas.

A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016Where stories live. Discover now