⚫ Together ⚫

41 8 10
                                    

Riana's POV

Gabi na, naghuhugas ako ng mga pinggan.

Kasi kumain kami ng hapunan.
Napag utusan kasi ako eh. Ng magaling kong pinsan. -_-

"Ay! Ano ba yan? Hindi ka ba marunong maghugas ng maayos? Ang laki laki mo na couz!"

Tumigil muna ako sa paghuhugas saka tumingin sakanya.

"Ikaw nalang ang maghugas. Di kasi ako marunong. Pasensya na po. Senyowrayta" sabi ko sabay ng paglalakad ko ng palayo sakanya.

Bago ako tuluyang makaakyat, sinilip ko muna kung anong gagawin nya.

Nililigpit nya ang nabasag kong baso

Mabuti naman at sinipag sipag na sya.

⚫⚫_____⚫⚫

Pumunta na ako sa kwarto ko at humiga

Bakit ako nakabasag ng baso?

May mangyayari ba sakin?

Sa mga kaibigan ko?

Ayos lang ba sila?

Pero ang pinaka matinding tanong ay...

Buhay pa ba sila?

Parang may bumubulong saakin.

Boses ng isang lalaki. Hindi ko lang malaman kung sino dahil mahina ang kanyang boses.

Unti unti...

Bigla itong lumalakas.

Si Mark Nelson.

Bakit?

Anong nangyari sakanya?

To: Jace, Maximo, Liana, Vienna, Lemuel, Hitomi.

Subject: None

Punta kayo sa bahay. Bukas na bukas.

Message sent.

Ilang sandali lang, tumunog na ang Cellphone ko.

From: Liana Leon(≧∇≦)/

Subject: Miss mo na ako ?

Bakit aber? Miss mo na ba ang dyosang kagaya ko? Ayiie. Tomboy na sya sakin.

'Loka loka. Nawalan na nga tayo ng isa tapos maga- assume ka pa.' Naisip ko.

To: Liana Leon(≧∇≦)/

Subject: Kapal.

Baliw. Basta. Pumunta ka na dito may libreng pagkain bukas. Treat kita sa Eat all you can na buffet.

Naghintay muna ako ng ilan pang mga sandali para ma receive ang message nya.

From: Liana Leon(≧∇≦)/

Subject: Busog !

Talaga?! Osige sama ako. Pag di mo nagawa ikaw kakainin ko ah!

⚫⚫_____⚫⚫

Umaga.

Nakarinig na agad ako ng busina mula sa isang sasakyan.

Sumilip ako sa bintana para malaman kung sino at kanino ang kotseng nasa labas.

Isang puting Mercedes Benz ang naka parada sa labas.

Lumabas ang тaong naѕa looв nιтo.

Napansin nya na nakatingin ako sa kanya mula sa bintana.

"ANG MAGANDANG AKO AY NANDITO NA!!!"

Sigaw ni Liana.

Dali dali akong nag ayos at pinapasok sya sa bahay namin.

Nang papasukin ko sya, umalis na ang sasakyan minamanipula ng Driver nya.

Sakto namang nagdatingan pa ang iba naming mga kasama..

Si Jace ay sakay ng isang blue na BMW na kasama ni Vienna.

Si Maximo naman ay sakay ng isang itim Adventure na tatak ng kotse

At si Lemuel naman ay sa isang Green na Honda Jazz.

"Nice. Rich kid these days.." Sabi ni Liana sabay ng kanyang pagsipol.

Pinapasok ko na rin sila sa loob.

Teka...

Pinapasok ko o bigla silang pumasok?

Feel at home susko.

Pinaupo ko sila sa sofa. Pumunta ako sa kitchen para kumuha mg juice sa ref.

"Oh uminom kayo" sabi ko kasabay ng paglagay ng juice sa lamesa.

Si Claire? Nasa taas.

"Couz! Ano ba yung mga damit ko ats--- Oh.. Hi Babe! Couz thank you sa lahat!"

Impostor pucha -_-.

Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko at lumapit sakanya.

"Batiin mo naman ang BABE mo ng isang magandang Goodmorning"

Nginitian ko sya saka na ako bumalik sa upuan ko.

Magiging masaya ito

*** CHAPPIE END ***

Vote

Comment

And please share

Thank you






Death Mansion [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon