Hiling-26

4K 70 5
                                    

.

.

.

Kian's pov

.

.

      Nakaramdam ako ng mabigat na bagay na dumadagan sa dibdib ko pababa sa may tiyan ko. Hinawakan ko ito at naramdaman kong malambot na bagay.  Naalala ko si Rebecca, bigla akong napabalikwas. Tiningnan ko ang nasa tagiliran ko, si Rebecca nga!

Dahan-dahan ko syang niyugyog.

"Rebecca..." mahina kong tawag sa kanya.

Hindi pa rin gumagalaw o nagigising, nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Madilim pa pero maaaninag mo na ang mga bagay. Nakakatulong kasi ang iilang sinag ng araw na sumisingit sa mumunting butas ng bintana, umaga na.

Marahan akong tumayo at pumasok sa kusina. Naghilamos ako at nagpa-init ng tubig sa heater, kumuha ako ng dalawang tasa at tinimplahan ng kape ang isa at chocolate milk naman ang isa. Hinintay ko lang na kumulo ang tubig at isinalin ko na ang mga ito.

Nilagay ko na sa tray at lumabas na ako.

Nadatnan kong natutulog pa rin si Rebecca sa sahig. Ipinasok ko na ang mga inumin namin at binalikan ko siya.

Umupo ako sa tabi niya, pinagmasdan ko ang kanyang mukha.  Pumayat siya at ganoon pa rin ang kanyang kutis, maputla. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, bakit ngayon ka lang Rebecca?

Nagising siguro siya sa haplos ko.

"Mahal ko..." niyakap ko siya.

Nag-eexpect ako ng yakap pero isang kawala ang itinigon niya sa akin. Tinitigan niya ako.

"Nagpapabaya ka ba ng sarili mo?"

"Rebecca, hindi 'yan ang inaasahan kong sasabihin mo sa akin," nalungkot ako.

"U-uminom lang kami ni Justine 'nung bumili siya ng dadamitin niya sa Beyernes," tumayo ako at umupo sa nakatabing sofa, "Halika... dito ka umupo" yaya ko sa kanya.

      Tumayo na siya pero biglang tumakbo sa banyo ng kusina. Narinig kong nagsusuka. Unang naisip ko'y baka buntis siya, buntis si Rebecca at ako ang ama? Agad akong sumunod sa kanya. Nadatnan ko syang naka-upo sa mesa. Nakatakip ang mga kamay sa mata, umiiyak.

Lumapit ako sa kanya.

"Bakit Rebecca, may masakit ba sa'yo... sabihin mo naman sa akin," tumabi ako sa kanya ng upo.

Hindi pa rin siya kumikibo.

Ako naman, tahimik lang sa tabi at hinahaplos ang likod niya. Bakit siya umiiyak, ayaw ba nyang mabuntis? Ayaw ba inya na magkaka-anak siya na ako ang ama, isang taong binihisan lang Sabagay, walang magkakagusto sa isang taong walang maipagmamalaki kundi ang mukha at katawan. Pero ngayon, madadagdagan na ang ipagmamalaki ko, dalawang araw na lang ay makukuha ko na ang titulo ng aking pagtatapos.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon