I Stalk Him

17 0 0
                                    

I Stalk Him 💻  (Yeri x Ilhoon)

Mahirap maging isang dakilang stalker. Mahal mo sya pero di ka nya kilala, ito yung masakit na part eh yung aasa ka sa wala. Dapat malaman mo lahat kung ano ang nangyayari sa buhay ng crush mo. Yung tipong anung paborito nyang pagkain, gustong mga laro, anong favorite color o aktor nya at kung anu ano pa.Yung tipong susundan mo sya sa loob ng campus nyo. Yung tipong ilalike mo yung posts at pictures nya sa Insta at Facebook at yung tipong mapagkamalang aso ka dahil sa kasusunod sa kanya. Naalala ko pa nga na pinagkamalan akong holdaper ng mga tao ng dahil sa kasusunod sa kanya. Ang sakit sa ego nun a. Sa ganda kung ito may nangahas na sabihin akong holdaper, sipain ko mukha nya eh, pagkamalan daw ba akong magnanakaw.

Minsan rin gusto ko nang sumuko, sumuko dahil nahihirapan na ako. Minsan gusto ko nang itigil ang mga kahibangan kong ito at kung minsan tinatanong ko sa sarili ko na may mapupuntahan ba lahat nito? Pero minsan may isang rason talaga na hindi ko kayang ihinto kung anu man ang nasimulan ko ngayon. Sasayangin ko pa ba yung lahat lahat nang pinaghirapan ko para sakanya dahil walang nang pag asa? Its a big NO NO NO! Ang motto ko nga sa buhay ay "Never give up when it comes to your crush." (Gals imbento ko lang yan a.) Hahaha tanga ako e. Tanga sa kanya.

Ako nga pala ang dakilang stalker ni Joshen Michael Sarmiento na si Ella Perez na ubod ng seksi at maganda. At guys girlfriend na po ako ni Joshen loves ko hihi *evil grin* (pero joke lg)
Si Joshen ay sikat sa campus kasi hinahangaan sya sa kanyang looks at talino nya.Yung mala chinito nyang mga mata, ang manipis at mapupulang labi at yung porma nyang mala badboy. Marami ding nagagalit sa kanya kasi ang angas nya raw at snob sa lahat ng babae pero na uh uh sa akin hindi sya snob at syay sweet sakin hahaha love nya kaya ako. Hihihihi

Kinagabihan ⛺

Ella's POV

Kyaaaaah! Online yung baby ko. Dalawang oras kaya akong naghintay para lang sa kanya, ganyan ko sya kamahal kahit ilang oras pa yan worth it na worth it. Tinitext ko sya ayaw naman mag reply. Hay nako baby Joshen ko!

Michael Sarmiento is now online:

Ella Perez: Hi baby!

Hey baby!

Baby!

Anong ginagawa mo ngayun? Ako heto iniisip ka. Yiee kilig ka naman? Tawa na yan.

Yuhoo!

Michael Sarmiento: seen at 8:00 pm

Ella Perez: Bakit ayaw mo kung ichat? Katampo a!

Michael Sarmiento: Seen at 8:08 pm

Ella Perez: Kausapin mo naman ako oh!

Michael Sarmiento: seen at 8:15 pm

Ella Perez: Seen na naman? Galit ka pa ba sa akin? Uyyy baby ^^

Michael Sarmiento: Seen at 8:24 Pm

Ella Perez: Seen ulet? Walanjo naman e. Galit ka pa ba?

Oyy

Galit ka?

Michael Sarmiento: Seen at 8: 35 pm

Ella Perez: Kausapin mo naman ako oh?

9:00 pm na pero ni isang Hi ni Ho wala akong natanggap. Kahit Hi Ella lang naman oh. Ipagkakait mo pa ba yun sa akin?

Tulog ka na ba?

Josheeeeeeennnnnn

Michael Sarmiento is typing...

Ella Perez: Shit! I cha chat mo na ako? Oh em gee! Hihihi

Kpop One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon